SIR! AKIN NA NGA ‘YANG PHONE KO!


SIR! AKIN NA NGA ‘YANG PHONE KO!
“Get one whole sheet of paper” utos ni Sir Darwin ang teacher namin sa math
Naglabas na ako ng ballpen at papel para sa long quiz niya
“Ok! Bago tayo mag umpisa ibigay n’yo lahat ng phone n’yo sa’kin, iwas cheating” Sabi ni Sir. Agad naman akong nag panic dahil ang lockscreen ko ay ang stolen picture ni Sir habang naka simangot with messy hair at ang homescreen ko naman ay ang hot picture niya na ninakaw ko lang sa facebook n’ya nung nag adventure sila sa isang beach, 𝘡𝘰𝘱𝘭𝘦𝘴𝘴
Akmang tatanggalin kona ang home at lockscreen ng hablutin ni sir ang phone ko
“Si….” Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng umalis na siya ay nagpunta na sa harapan. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nag sleep agad ‘yung phone ko after 15seconds at hindi na naman n’ya iyon pinakaelaman pa
Nagumpisa na ang long quiz ng biglang ring ang phone ko… shoocks may alarm pala ‘yun every 2:45pm
Napatingin naman si sir sa phone ko at napatingin sa akin dahil may name ko ‘yung lockscreen kaya nalaman niya na ako ang may ari
Pumunta ako do’n at akmang kukunin ko...


na ang phone ko
“Sir, may aalisin lang ako sa phone ko hehe” Sabi ko pero itinapat niya lang sa akin ang phone para mag unlock dahil may face lock ‘yon
“Ano kayang laman ng photos mo ‘no?” Bulong ni sir sa akin. Binuksan niya ang photos ko at napangisi siya sa akin. Tumingin siya sa akin at ngumiti dahilan para mapaiwas ako ng tingin dahil ang laman ng phones ko ay mga stolen, hot at cool pictures niya
Bumalik na ako sa upuan ko para na pulang-pula ang muka dahil sa kahihiyan.
,aaarrg! Bakit kase ang naging teacher namin ay apat na taon lang ang tanda? KAINIS!
AFTER 4 YEARS
“Hindi mo parin pinapalitan ang wallpaper mo? 4 Years na ‘yan sa iba’t ibang phone ah, haha!” Sabi ni Darwin sa akin. “May reklamo ka baby?” Sagot ko. Oo after kong maka graduate sa college ay nag teacher ako at ngayon ay parehas na kaming teacher sa school kung saan pinakaelaman niya ang phone ko. 5 years n’ya rin akong niligawan ng palihim
“Ang hot mo kaya dito” Dagdag ko pa habang kagat-kagat ang saging dahil nandito kami ngayon sa canteen dahil lunchbreak
__
Work of imagination






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top