Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER TEN


ITS quite amazing.Tatlong araw na ang lumipas mula nang matapilok siya at namaga ang kanyang paa.maayos at hindi narin namamaga ang paa niya,Salamat sa magaling na manghihilot na si pablo.At sa nakalipas na tatlong araw ding iyon ay Hindi na katulad ng dati ang nararamdaman niya kapag nakikita si pablo.Ang inis at ang pagkairita ay napalitan ng payapang pakiramdam.Bagkus ay panaka-naka niya pa nga itong tinitingnan at kapag napapalingon naman ito ay agad niyang ililihis ang paningin.Hindi niya alam ngunit iba ang nararamdaman niya ngayon.Yong feeling na gusto niyang mapansin siya lagi ni Pablo,hindi dahil sa pagsusungit niya kundi sa pagiging mabait niya.
“Siya nga pala Mixxel,Faith may plano ba kayo para bukas?o may lakad kayo?”Napahinto siya sa pagkain at napalingon sa nagtanong na tiya.Kumakain sila ngayon ng hapunan kasama si pablo .
“Hmmm Wala pa naman tita,baka si Mix meron.”Si faith.
“Bakit tita?.Aalis ba tayo?”
“Wala naman,Tinatanong ko lang.Baka kasi gusto niyong mamasyal sa bukid bukas.Pwede rin kayong pumunta sa falls na nandoon”
“Ay like ko yan tita,Gusto kong magswim sa falls.Game kami diyan diba Cuz?”
“Okay lang.Anong oras ba tayo aalis?”
“Maaga kaya lang ay hindi ako sasama sa inyo dahil may pupuntahan akong importante”
“Ha?eh sino po ang sasama samin ni faith papunta doon?”
“Siya”Ani tita zandra sabay turo kay pablo.Napalingon siya rito.”Okay lang naman sayo diba iho na ipasyal sila doon?Wala ka naman gagawin”
Ngumiti ang binata.”Opo wala pong problema”Anito sabay tingin sa kanya na nakangiti parin.
Napatulala siya.Biglang kumabog ang dibdib niya.At parang nag-slow motion ang nasapaligid at unting-unti nawala ang lahat maliban sa nakangiting binata.Tapos may bigla ring tumugtug na isang romantic song.
“Mixxel”
“Mix”
“Hey Cuz”
Biglang bumalik ang ulirat niya ng kalabitin siya ng pinsan.Napalingon siya rito.
“Ha?”
“Okay ka lang?.Ano ba ang nangyayari sayo?”
“Ha?bakit.okay lang naman ako”
“Sure ka?”
“Oo nga bakit ba?”
“Eh kasi kanina kapa tinatanong ni tita.Hindi ka naman sumasagot”Ani ng pinsan kaya napalingon siya sa tiya.
“Tita.?”
“Okay ka lang ba talaga?”
“I’m fine tita.Anong tanong niyo?”
“Ang sabi ko.okay lang naman sayo diba na si pablo ang makakasama niyo?For sure kay faith okay.Eh sayo”
“Ahhh..Eh…..O-okay lang naman po”Sabi niya bago sumabo ulit pagkain at hindi na lumingon sa nakangiting binata.
‘My gosh mixxel,what happen to you.Ngumiti lang siya oyy’
“ANO,Faith naman eh.Hindi nalang din ako pupunta kung di ka sasama”
“Cuz wag kang ano,Sige na tumuloy ka na.Nag-aantay na si pablo doon sa baba.wag mo na pag-antayin”
“Hindi na nga lang ako pupunta”Aniya.Paaano ba naman ay hindi makakasama ang pinsan sa lakad nila dapat papunta ngayon sa bukid dahil dinatnan ito ng buwang dalaw kaya tinamad na gumala dahil baka matagusan daw ito habang namamasyal sila.
“Teka ka nga cuz,Naiirita ka parin ba at naiinis kay pablo kaya ayaw mo sumama na kayong dalawa lang?”
“Ha?hindi.Peace na nga kami diba?.Awkward lang dahil you know enemies kami before”
“Iyon naman pala eh.Enemies kayo BEFORE.Malay mo ngayon maging Friends kayo dahil dito.Makikilala mo siyang mabuti,Edi may new friend ka.Mag heart to heart talk kayo habang namamasyal.Kaya sige na bumaba kana at puntahan mo si pab at mag-enjoy sa pamamasyal.”Ani faith at tinulak-tulak siya palabas ng kwarto.
Napangusong nalang siya at walang nagawa kundi maglakad pababa at dumiretso sa labas ng bahay kong saan nag-aantay si pablo sa kanya.Nakatalikod ito sa kanya at may dalang basket habang nag-aantay.
“Hey”Aniya.Lumingon ito sa kanya.”Ano…si faith di makakasama eh.”
“Bakit?”
“Ahh may buwang dalaw,Tinamad na sumama”
Tumango-tango ito.”Ahh sayang naman.So tayong dalawa lang pala”


/> Parang may biglang tumusok na kong ano sa puso niya noong sinabi iyon ni pablo.Na-disappoint ba ito na hindi kasama ang pinsan niya?.Mas gusto ba nito makasama ito kaysa sa kanya?
“Ganun na nga”May kapaitang sabi niya.
“Okay,tara”
Sa isang pick-up sila sumakay.Yung pangbundok talaga.Mataas at malaki at pangharabas sa daan.Binagtas nila ang isang daang papunta sa falls.Malubak ang daang ito kaya sumakit ang pwetan niya dahil napapatalon sila kapag nadadaanang hindi pantay na lupa o kaya kapag may bato.
Makalipas ng kalahating oras ay narating din nila ang falls.Namangha siya sa ganda nito.Walang kupas at mas lalo pa yatang gumanda.Madaming punong nakapalibot din at berdeng-berde ang mga ito,may mga halaman ding na mumulaklak ang nakapalibot dito.Para itong tagong paraiso.Nakakarelax.Pangalawang beses niya palang itong makita.Noong una ay noong bata pa,Mga pito o walong taong gulang pa lang yata siya noon.
“Ang ganda”
“Yeah.Alam mo bang Inalagaan talaga ito ni tita zandra para sa inyo.specially sayo.”
Lumingon siya rito.”Sakin?”
“Oo.Ang sabi ni tita zan ay gustong-gusto mo daw ang lugar na ito noong bata ka at bago daw kayo umalis ng pamilya mo dito ay hiniling mo daw sa kanya alagaan niya ang lugar na ito dahil gusto mo kapag bumalik ka dito ay kasing ganda parin ito ng dati”Anito.Nabaling ulit ang tingin niya sa talon.
Napangiti siya.Naalala niya ang sinabi nito.Hiniling nga niya iyon sa tiya.Nang una niya palang makita ang talon ay napaibig na talaga siya sa aking taglay na ganda ng talon ito.Feeling niya noon isa siyang diwata sa lugar na ito at siya ang nangangalaga dito,At kapag may maninira at magkakalat dito ay paparusahan niya.
“Oo hiniling ko nga iyon.alam mo ba noong bata ako feeling ko talaga isang diwata ako sa lugar na ito.Isang napakagandang diwata na nangangalaga dito gaya sa mga nababasa kong libro.At ngayon sa harap ulit ako ng napakagandang talong ito..bumalik na naman ang feeling kong iyon.”
“Sa tingin ko Bagay naman sa iyo maging diwata”
“Talaga?”
“Oo”
“Di nga?”
Tumawa ito.”Oo nga.Maganda ka,Huling katangian ng mga diwata iyon diba?”
Ngumunot ang noo niya.”Huling katangian?.Huli ba iyon?Hindi dapat una iyon dahil paglalarawan ng mga diwata ay lahat maganda?”
“Hindi mali ka,huli iyon”
“Una yon”
“Huli”
“Una”
“Huli”
“Fine kong huli iyon,Eh ano yong una?”
“Ang unang katangian ay….”
“Ay?”
“Ay may mabuting puso”
“Ahhhh”Napatango-tango siya.
“At ikaw ay”Hindi niya pinatuloy ang sinabi nito at pinutol na dahil alam niya na ang sasabihin nito.
“Alam kong wala ako noon kaya yong uling katangian ang sinabi mo sakin”
Tumawa ito.”Hindi ako ang nagsabi niyan kundi ikaw”
“Doon naman tutuloy ang sasabihin mo eh kaya ako nalang ang nagsabi.Tama ka rin naman kasi,wala ako noon.”
“Hindi mo naman kasi ako pinagpatuloy.Ang Sasabihin ko,Ikaw ay meron noon kaya lang ay nakatago at hindi mo pinapakita ng madalas.”
NAKANGITING pinagmasdan niya ang dalagang si mixxel na libang na libang na naliligo sa talon.Hindi talaga siya makapaniwalang na ang dating simangotera na dalaga ay nakangiti ngayon at naglalaro na parang bata.Ibang-iba sa dalagang masungit na nakilala niya noong nakaraang linggo lang.
Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa dalaga.Napalingon ito sa kanya.
“Hindi ka pa ba napapagod diyan?”Tanong niya.
“Hindi.Ikaw hindi ka pa ba napapagod kakaupo diyan sa bato?Bat di maligo dito?”
“Wala akong dalang pamalit”
“Edi papahiramin kita.Gusto mo”
“Talaga?.Kasya kaya sakin?”
“Oo,May isa pa akong dress diyan.Nuunat naman iyon kaya kakasya sayo”Anito sabay halakhak.Hindi niya narin napigil ang matawa.
‘May pagkamal*ko rin pala ang babeng ito’






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top