Lara’s Revenge Chapter 3


Title; Lara’s Revenge
Chapter 3
Naglalaro ng billiard si Marco kasama ang mga kaibigan ng gabing iyon. “ Umusog ka muna roon Monica” saka dumukwang siya hawak hawak ang tako akmang titirahin niya ang bola itim na may letra nine nasa kalapit ng butas sa gilid.
“Pare, sayo na yong chicks na yon” sabay turo ni Anton sa babaeng naka upo sa mesa nasa sulok sa kaliwang bahagi ng bar.
“ Pass muna ako chicks” saka tinira ang bola.
“ May Monica na kasi siya” natatawang sabad ni Abner
“ Tigilin muna nga kami” nihindi niya ito tinignan pinag patuloy niya ang paglalaro.
“ Kayong, dalawa wag na wag niyong irrito si Marco sa ibang babae kung hindi malilintikan kayo sa’kin” saway ni Monica sa dalawa.
Magkaibigan si Monica at Marco alam ni Marco na may gusto si Monica sa kanya, ngunit binaliwala niya lang ito gusto niya ito bilang isang kaibigan lang. Ayaw niya itong maging girlfriend dahil sa pagiging spoiled brat nito. Pero dahil sa malaki ang utang na loob niya sa ama nito, sinaksayan niya mga trip nito.
“ Napaka shooter talaga nitong kaibigan kung ito” tinapik tapik ni Anton ang balikat niya ng maipasok niya ang isa pang bola.
Tumayo siya ng tuwid. “ Lasing na naman kayo, umuwi na kaya kayo” taboy niya sa dalawa. Iba ang ugali ng mga ito kapag nalalasing. Laging napapa away.
Napabalikwas ng bangon si Lara, ng maramdaman may mga paris ng mga mata nakatingin sa kanya.
“ Hija mabuti gising kana” Bungad sa kanya ng ginang na si Rosario nakaupo sa silya sa gilid ng kama kanyang hinihigaan.
“ N-nasaan ako?” rumehistro ang takot sa kanyang mukha ng makita nasa loob siya ng isang silid.
“ Nasa pamamahay kita, na daanan kita kanina sa kalsada nakabulagta at walang malay kaya agad kitang sinakluluhan” nakangiti nitong sabi sa kanya.
“ Ako nga pala si Rosario” Pag pakilala ng ginang.
“ Salamat po”
“ Anong pangalan mo hija?”
“ Lara po” Maikli niyang sagot na andon parin ang takot sa kanyang mukha.
“ Ano bang ang nangyari saiyo bat ka ba na himatay sa daan?” mataman itong nakatingin sa kanya.
Natigilan siya saglit at bigla siyang humahagolhol. Hinigpitan ang pagkakahawak ng kumot.
“ Mga hayup sila, ginahasa nila ako, pinagtutulungan nila ako” naiiyak niyang sabi sa ginang.
Napakunot noo ang ginang sa narinig. Nakita nito ang hinagpis at galit sa kanyang mukha. Niyakap siya nito ng mahigpit.
“ Nilagyan nila ng pampatulog ang ininom ko softdrinks At ginahasa nila ako habang wala akong malay. Mga hayup sila”
Hindi alam ng ginang ang gagawin, nahabag ang puso sa sinabi niya. Hinaplos haplos nito ang kanyang likuran.
“ Ssssh.. Tahan na hija” pati ito napakuy ng kamay sa galit.
“ Saan kaba nanggaling? Kilala mo ba ang nanggahasa sayo?” sunod sunod nitong tanong.
“ Namasukan po ako bilang katulong tumakas po ako sa amo ko dahil muntik niya po akong gahasain. Habang naglalakad po ako, na daanan po ako ng mga lalaki. Papunta po ako non ng bus pauwi po sa lugar namin. Nilalakad ko lang po dahil wala po akong pera. Naiwan ko po ang mga gamit ko sa bahay ng amo. Naunahan napo ako ng takot kaya...


hindi kuna po na isipan kunin pa ang gamit ko” naiiyak niyang kwento rito
Nakaramdaman ang ginang ng awa sa kanya. Maamo ang kanyang mukha, mahaba ang buhok at maypagka morena ang kanyang kulay. Biglang na alala ng ginang ang anak namatay, halos mag kasing edad at magkasing laki lang niya ang anak nito.
“Hayaan mo hija, tutulongan kita.” naisambit nito na pumapatak din ang luha sa awa sa kanya.
Siguro dahil sa pangilila niya sa kanyang anak, hindi na siya nag dalawang isip na tulungan ang dalaga.
Lalo humigpit ang yakap niya rito sa sinabi nito sa kanya.
“ Oh siya, maligo ka hija, may mga damit diyan sa drawer mamili ka nalang ng kung ano ang gusto mong soutin. Pagka tapos bumaba ka para maka higop ka ng sabaw habang mainit pa” agad din itong lumabas ng silid.
Tinungo niya ang banyo nasa loob din ng kwartong iyon.
Hinubad niya ang kanyang damit at pumailalim siya sa shower at ninamnam ang lamig ng tubig mula roon.
“ Mga hayup kayo, pag babayarin ko kayo sa ginagawa niyo sa akin mga baboy kayo” Nanlilisik ang mata sa galit.
Kinuha niya ang sabon, at diring diri sinabon ang sarili.
Ng matapos niya banlawan ang sarili ay agad siyang lumabas at tinungo ang drawer kung saan tinuro ng ginang. Pinagala niya ang paningin sa kabuohan ng silid. Pakiramdam niya silid ito ng anak nitong dalaga. Base sa mga gamit.
kinuha niya mula sa drawer ang puting terno ng sleeveless na bulaklakin.
Agad siyang lumabas ng silid para puntahan ang ginang.
Nasa ikalawang palapag siya ng hagdanan. Malawak ang loob ng bahay at may mga antik naka ador sa bawat sulok.
“ Baka nasa ibang bansa ang pamilya nito” bulong niya sa sarili saka nag tuloy sa kusina. Magkahiwalay ang kusina at sala.
“Buti kasya saiyo ang damit ng anak ko, mag kasin laki lang din kayo.” Nakangiti bungad sa kanya ng ginang ng makita siyang papalapit rito.
Nakaupo ito sa gilid ng pahabang mesa, hawak nito ang plain na puting mug. Binaba nito iyon sa mesa ng makaupo siya sa harap nito.
Saka pinaglagyan nito ng kanin ang plato nasa harapan niya.
“Salamat po sa pag tulong niyo sa akin. Hayaan niyo po susuklian ko po ang kabaitin niyo ma’am.”maluluha niyang turan rito.
“ Tita nalang ang itawag mo sa akin, wag nang ma’am” nakangiti nitong sabi sa kanya.
“ Maraming salamat po talaga” nahihiya niyang ulit rito
“ Nasaan ba ang mga magulang mo?” nakatingin ito sa kanya na inilapit nito ang mug sa bibig para humigop ng tsa.
Lumungkot ang kanyang mukha.” Hindi ko po alam, basta nalang po umalis ng bahay na hindi po nagpapaalam” hindi niya napigil ang maluha.
Tinapik tapik nito ang kanyang kamay nasa ibabaw ng mesa. “ Hayaan mo, mula ngayon kupkupkupin kita” bigka nitong sabi sa kanya.
Lalo siyang napahagolhol sa sinabi nito, para siyang nakahanap ng kakampi.
“ At yong nang gahasa sayo pag babayarin natin sila, makakamit mo rin ang hustisya. Hindi kita pababayaan. Hindi natin hahayaan matakasan ng mga lalaki ang gumahasa sayo” pangako nito sa kanya.
Napatayo siya sa kanyang inuupuan at nayakap niya ang ginang. Para siyang nabuhayan ng pag-asa sa sinabi nito sa kanya.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Thank you for such an informative web publication. Where else could anyone get that kind of information written in such an incite full way? I have a project that I am just now working on, and I have been looking for such info.

Leave a Reply


top