the lost heiress Continuation of Prologue


Title: the lost heiress
Continuation of Prologue
“Sige ma, una na po kami bye” at hinila ko na si Simon paalis
“Teka, teka, teka” sabi ni Simon at hinila ang braso nya sa akin medyo nakalayo layo na din kami “ano bang problema nyo ni tita Mer? Nagtampo ka na naman ba?” kilalang-kilala na talaga ako nitong kaibigan ko
Napa pout naman ako at yumuko sa tumango
“Aish sinasabi ko na nga eh, dinamay pa ako, kausapin mo na yung nanay mo ELLENAIZA ZYRENE EZERELLE VALDEZ” at saka ako iniwan dito
“BYE NA, MAY PUPUNTAHAN PA AKO EZE” naman eh Simon!!
Hayst, so no choice naman ako kung hindi simulan na ang totoong gagawin ko ang paghahanap ng taong ito, saka ko tinignan ang pitaka na hawak ko at ang picture na nasa loob, pamilyar yung mukha nya eh para bang nakita ko na sya noon.
Naglakad-lakad na ako at nagtanong tanong kung may nakakakilala pa dito sa taong may ari ng pitakang napulot ko.
Lumipas naman ang sa tingin ko isa’t kalahating oras, d ko parin nahahanap, kaya naupo muna ako sa isa sa mga upuan dito sa park dito ko kase ito napulot eh, napapagod na ako, buti naman sana kung may addr-, BAKIT NGAYON MO LANG YUN NAISIP ZYRENE
Hinalungkat ko agad ang laman ng wallet na hawak ko, at naghahanap kung may naka lagay ba na address sa loob at hindi naman ako nagkamali “Huli ka” sabi ko sa address ng nakangiti pa, Opya muntanga na ako dito.
Nag simula na akong maglakad para puntahan ang address na nahanap ko, since no choice ako kase wala naman akong pera pamasahe.
Lakad dito
Lakad dun
Lakad dito
Lakad dun
“Ayy ana-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng nakita ko kung sinong nakabangga ko “sorry po tita” medyo na uutal pa ako nubayan
“Ok ka lang iha?” Eh? Hindi nya pinansin yung tanong ko, instead ako pa tinatanong nya kung ok lang daw ba ako, sa hindi malamang...


dahilan napangiti naman ako.
“Ok Lang po tita” sabi ko saka ako nag bow sakanya at nagpaalam na na mauuna na ako dahil- teka ZY JUSKOOO SYAA YUN!!
Agad naman akong tumakbo papunta sa direksyon ng nabangga ko kanina at hinawakan sa braso
“Oh iha, akala ko ba-”
Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil agad kong hinarap sakanya yung wallet nya, oo sya yung may ari ng pitaka na napulot ko. Hindi narin ako nakapag salita pa dahil hinihingal ako
“Ang pitaka ko naku salamat iha saan mo ito-”
“Dito lang din po sa park, ang shunga shunga ko pa nga po kase nag tanong-tanong pa ako Kung saan ka pwedeng mahanap o may-” napatigil naman ako sa pagsasalita ng makita kong nakangiti lang sa akin yung may ari ng pitaka “uh eh, pasensya na po madaldal lang, hindi ko po yan binawa-”
“Hindi naman importante ang pera sa loob nito eh” pinutol nya ang sinasabi ko, eh? Samin kase napaka importante nito aish
Nga pala, siguro nasa mids 30-40 pero mukha syang nasa 20 ganon, at ang amo tignan ng mukha nya, at parang ano kilala ko na sya, parang matagal na kaming mag kakilala, aish di ko ma explain basta…
Napa fake tawa nalang ako sa sinabi nya, may bigla naman syang kinuha sa pitaka nya… PERA?! at binigay nya… SAKIN?! “tanggapin mo ito, bilang pasasalamat ko sayo” at saka nya inabot ang kamay ko at ipinatong doon ang pera, naks may papabuya pa hehe.. “by the way iha, ano nga palang pangalan mo?”
“Ako po si Elle”
“Napakaganda mong bata, ako nga pala si-”
Naputol ang sasabihin nya ng may biglang sumulpot sa tabi nya at may binulong
“Elle, iha kailangan ko ng umalis, salamat nga pala ulit” at nag simula na syang mag lakad pero napahinto ulit sya at tumingin sa akin
“Nice meeting you Elle, you reminds me of my daughter” at saka sya ngumiti pero may iba sa ngiti nyang yun parang…. Malungkot?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top