LoVe Struck Chapter 6


Clara POV
Lumipas ang ilang araw matapos kong malaman ang katutuhanan napag isip isip ko na ibigay nalang sa kanila ang tunay nilang anak dahil wala syang kinabukasan saakin si Janna. Maski ang aking tunay na anak hindi pa iyon sakitin pa ang aking tunay na anak. Hindi kasi naging mganda ang pagbubuntis ko sa kanya noon..
Ang totoo nyan kambal ang aking mga anak lalaki at babai kinuha ni Jordan ang isa sa aming anak yun ang anak kong lalaki dahil yun lang ang kailangan nila saakin ang magkaroon ng anak na lalaki.
Matapos nya kunin ang isa sa anak ko iniwan nalang kami ni Jordan na parang basura at bumalik sa tunay nyang asawa at namuhay sila ng marangya.
Samantalang ako namuhay sa imperno at hindi ko inaasahan na ang inaalagaan ko ay hindi ko tunay na anak.
Para akong mababaliw sa tuwing naalala ko ang lahat. At nalaman ko pa na sakitin pala ang tunay kong anak.
Hindi ko na alam ang aking gagawin. Kung kukunin ko ba ang tunay kong anak o mananatili nalang sya sa taong nag alaga at nag aruga sa kanya.
Dahil kung kukunin ko ang aking anak baka hindi maging maganda ang mapupuhay nya kasama ko.
Bou na ang pasya ko isasauli kona si Janna sa kanila at hindi kona babawiin ang aking anak.
Kinaumagahan ay tinawagan niya ang mag asawa para sabihin ang disisyon nya.
Nasa isang restawran sila ni Janna.
“Himala at dinala nyo ako sa ganitong lugar anong nakain nyo Nay. ” sabi ni janna sa nanay nya.
“Hindi ba gusto mo nang marangyang buhay. Matutupad na ang pangarap mo anak.”
“Bakit naman nahanap nyo na ba si Tatay at ang kakambal kong lalaki. Sasama na ba ako sa kanila.”
“Hindi ang tatay mo ang itatagpo natin dito.”
“Eh kung ganon bakit nyo sinasabi na matutupad na ang mga pangarap ko?”
“Dahil isasauli na kita sa tunay mong mga magulang”
“Anong ibig nyong sabihin nay? Na hndi nyo ako anak?”
“Ang totoo nyan. May nakasabay ako sa panganganak. At hindi namin inaasahan na nagkapalit pala ang mga anak namin. Nalaman lang namin ng magkasakit ang tunay kong anak. At pinaki usapan na mag donate ng dugo kay Jolly”
“Kung ganon ang tunay nyong anak ay si Jolly at ako naman ang tunay na anak ng mga magulang ni Jolly. Ganon po ba yun. Kaya ba nakita ko sila sa pamamahay natin ay dahil gusto nila akong kunin?”
“Pinakiusapan nila akong wag ko na daw bawiin si Jolly sa kanila. ”
“Eh ako na tunay nilang anak. Gusto ba nila akong kunin”
“Oo naman pero ako ang hindi pumayag dahil hindi nila sa akin ibibigay si Jolly pero na pag isip ko na magiging makasarili ako pag di kita ibinigay sa kanila. ”
“Dapat lang na ibigay nyo ako sa tunay kung magulang.”
Hindi nagtagal ay dumating na ang mag asawa at sinabi na nya ang naging Disisyon nya.
Masayang masaya naman si Janna ng isinama na sya ng tunay nyang mga magulang.
Naghihintay naman si Jolly at Brian sa mansyon.
Nakita nilang kasama nila si Janna.
“Papa bakit nyo po sya kasama?”
“Simula sa araw na ito magiging kapated nyo na si Janna.” Sabi ni Bernardo
“Ayaw ko syang maging kapated. Kung aampunin nyo sya. ”
“Hindi nila ako inampon dahil ako ang tunay nila anak hindi si Jolly.” mataray na sabi ni Janna at na speechless ang mag asawa .
“Anong ibig nyang sabihin Ma! Pa! ”
Naiiyak na sabi ni Jolly.
“Anak let me explain.” Naiiyak din na sabi ni Mrs. Juliana.
Nilapitan ni Juliana si Jolly at nyakap ng mahigpit.
“Makinig ka anak. Kahit anong mangyari anak kita. Tandaan mo yan. Okey. ”
“Pero sabi ni Janna sya daw ang tunay nyong anak”
“Oo sya ang tunay naming anak. Ang nangyari kasi nagkapalit ang nametag nyo kaya nalito ang nurse kong saan nya ilalagay. Hindi alam ng nurse na nagkapalit ang mga name tag kaya ikaw ang nakuha namin. ”
Hindi talaga maiwasang mpaiyak si Jolly sa nalaman nya.
๐ŸŒบJolly POV
Nasa loob na ako ng kwarto ko at malungkot ako dahil sa nalaman ko na hindi pala ako tunay na anak nina Mama at Papa.
Nang mga sumonod na araw hindi naging maganda ang pakikitungo saakin ni Janna.
Ako yung umaadjust para kina papa at Mama.
Isang araw bigla nalang nya akong inaway dahil may nasira akong gamit nya hindi ko kasi sinasadyang mahulog yun.
Sinabunotan nya ako dahil sa subrang pagka inis nya saakin.
Pero hindi ko sya inurongan pinagtanggol ko lang naman ang...


sarili ko sa kanya.
Buti dumating sina Papa at mama. Nagpapasalamat ako dahil ako parin ang kinampihan ni Mama kaysa kay Janna.
” Anong nangyayari dito Janna. Bakit inaaway mo nanaman si Jolly. ”
“Mama sinira nya ang gamit ko. ” galit na sabi ni Janna..
“Nagsorry naman ako sa kanya nang masira ko yun. Pero bigla nalang nya akong sinabunotan ”
“Nagsorry naman pla sya. ”
” Pero bigay nyo saakin yun. “Galt na sabi ni Janna
“Pwede naman kitang bilhan ng bago. Bakit kaba ganyan. Wag kang manakit pag nagagalit ka. ”
“Ako na nga itong nasiraan ng gamit ako pa ang napagalitan. Diba dapat ako yung kinakampihan nyo dahil ako ang tunay nyong anak. ”
“Hindi dahil ikaw ang tunay kong anak ikaw na ang papanigan ko. Oo si Jolly ang mali dito pero nag sorry sya hindi ba dapat hindi mona sya sinaktan pa. Mali ang ginawa mo.”
“Bakit pag tinanggap ko ba ang sorry nya maibabalik nya ang nasirang gamit ko? Hindi ba hindi kaya bakit ko pa tatanggapin ang sorry nya. ”
Bigla syang nakatanggap ng Sampal sa Mama nya.
Napahawak tuloy sya sa pisngi nya kung saan sya nasampal at gustong gusto nang umiyak.
“Nagagawa nyo akong saktan dahil kay Jolly? Si Nanay kahit kailan hindi nya ako pinagbuhatan ng kamay kahit naiinis na sya sa akin. Pero ikaw na tunay kong ina nagawa mo akong pagbuhatan ng kamay” naiiyak na sabi ni janna.
“Kung hindi nyo ako matanggap bilang tunay nyong anak sana hindi nyo nalang ako binawi kay Nanay. ”
“Sigi bumalik ka sa nanay mo. Ni hindi ka nya naturuan ng magandang asal. ”
Nasaktan si Janna sa sinabi ng Mama nya kaya tumakbo ito paakyat sa kwarto nya.
“Bakit mo yun nasabi sa anak mo.” Sabi ni Bernardo.
“Naiinis na kasi ako sa pag uugali nya. Makitid ang utak nya. ”
“Pero anak mo parin sya.”
“Wala akong paki alam. Kung hindi sya matotoo ng magandang asal hinding hindi ko sya ituturing na anak. ”
Hinarap nya si Jolly at nyakap ulit.
” Nasaktan kaba anak. ”
“Hindi naman po ako nasaktan.”
Nasa loob na ako ng Kwarto ko. Malungkot parin ako dahil kahit ako nagulat nalang sa ginawa ni Mama..
Nasaktan nya ang tunay nyang anak dahil saakin.
Naisipan kong puntahan sya sa kwarto nya at humingi ulit ng tawad sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito”
“Hihingi sana ako ng tawad sayo kanina dahil nasampal ka ni Mama dahil saakin.”
“Mapapatwad lang kita kong aalis ka sa pamamahay na ito. Bumalik ka sa tunay mong nanay. At wag kang magpapakita sa mga magulang ko. Doon lang kita mapapatawad. Umalis kana.”
Itinulak nya si Jolly palabas ng kwarto nya.
Bumalik na ako sa kwarto ko at napa isip ako mas mas makakabuti kong aalis nalang ako sa bahay na ito para hindi na magalit saakin si Janna.
Nakarinig ako ng katok mula sa pintoan ng kwarto ko kaya binuksan kona. Si Kuya Brian pala yun.
“Kuya ikaw pala yan. Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko”
“Nalaman ko ang ginawa sayo ni Janna. Gusto mo pagsabihan ko sya. ”
“Wag na kuya Brian baka lalo lang syang magalit saakin.”
“Pero hindi nya dapat ginawa yun. ” galit na sabi ni Brian.
Nyakap ko nalang ng mahigpit ang kuya nya.
“Salamat kuya. Dahil ipinaramdam mo saakin na magkaroon ng mabait na kuya. Kahit inaasar mo ako minsan nagpapasalamat parin ako sayo. ”
“Wag kang magpasalamat. Kuya mo ako kaya aalagaan kita. Sempre aasarin din kita kasi ganon talaga ang mgkakapated.”
“Pero hindi mo ako tunay na kapated dahil si Janna ang kapated mo.”
“Kahit na ikaw parin ang little sister ko at hindi yun magbabago. Matulog kana ng maaga may pasok pa tayo bukas. ”
“Okey Good night Kuya. Bye!”
“Sigi na matulog kana.”
Hinawakan ni Brian ang buhok ni Jolly at ginulo pagkatapos ay bumalik na sya sa kwarto nya.
Isinara na ni Jolly ang pinto ng kwarto nya at biglang pumatak ang mga luha nya.
“Patawari nyo ako sa gagawin ko. Kung aalis akon ng hindi mag papaalam..”
Nilagay ko sa isang maliit na malita ang ilang mga damit ko. Hindi ko naman pweding dalhin lahat ng gamit ko kasi mabigat.
Saktong alastres na ng umaga ako lumabas ng kwarto bago ako umalis ay sinilip ko mona sina Mama at Papa at mag iwan ng sulat sa kanila na wag na nila akong hanapin pa dahil babalik ako sa tunay kong magulang.
Hindi ko sila kayang iwan pero ito ang makakabuti sa aming lahat.
To be continue.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top