KATE’s POV:
SINABI na sa amin ni Katrina kung saan na location nagtatago si Edward habang kasama si Michael.
Edward is also my brother.
Pero hindi talaga kami magkadugo dahil anak ito ng asawa ni papa sa ibang lalaki.
In short, single mom na talaga yung pinalit ni papa sa mama ko.
Naging klarado na sa akin ang lahat dahil mismong si Katrina ang nagsabi nito.
She cleared everything to us. At humingi na rin ito ng tawad sa harapan namin ni David.
So at this point, patungo na kami sa hide out para kunin si Michael.
Gusto ko ng makita ang anak ko.
Gusto ko na siyang pupugin ng halik gaya ng ginagawa ko noon sa kanya.
“Ikanan mo ang kotse.”, pagtuturo ni Kat.
Sinama namin siya para hindi kami maligaw at hindi matagalan ang paghanap namin.
Sinunod naman ni David ang winika ng babae kaya agad niyang iniliko sa kanan ang sasakyan.
Medyo liblib nga ang lugar. Pero sobrang ganda at mahangin sa kalooban dala ng mga puno.
The car stopped in front of the gate.
“Teka, bakit bukas?”, sambit ni Katrina na tila may pagtataka.
Mabilis siyang bumaba at naglakad papasok.
Hindi na rin kami nag-aksaya pa ng oras ni David, dahil sumabay na kami sa kapatid ko.
Hindi ko pa tuluyang napapatawad si Katrina dahil hindi naman gano’n kadali ang magpatawad.
But I promised to myself na kapag nakasama ko na si Michael, handa na akong patawarin siya.
“PAPA!”, isang malakas na sigaw ang narinig ko sa bandang itaas.
My son crying while shouting.
Michael is alive!
Totoo ngang buhay ang anak ko.
Pero bakit? Bakit ganitong sitwasyon ang naabutan namin?
Hindi si Edward ang may hawak sa bata.
Dahil hawak mismo ng matikas na lalaki ang aking anak. Sa katabi nito, nando’n ang mommy ni David.
“K-kuya?”, utal na bigkas ni Katrina nang lapitan si Edward na duguan at walang malay.
Parang nawala ang kalasingan nito at naging normal ang pagtakbo niya palapit sa binata.
Pero hindi ko muna itinuon kay Edward ang pansin ko dahil yung buhay din ng anak ko ay nanganganib sa kamay ng iba.
“Mom please. Ibigay mo na sa amin si Michael. Maawa ka sa bata.”, wika ni David at nagsimula siyang makipag-usap sa ina.
“HINDI AKO BOBO, DAVID! KAYA HINDI MO AKO MADADAAN SA MGA GANYAN!”, she shouted.
“Bata ‘yan, mom! Sana naman, ibigay mo sa kanya ang karapatan para mabuhay.”, he said again.
Pero hindi ito nakinig sa sinabi ng anak.
So I don’t have choice kundi ang aminin ang pagkatao ko.
“A-alam kong may galit kayo sa akin dahil pumasok ako sa buhay ng anak niyo. H-hindi niyo ako g-gusto para sa kanya. P-pero sana, huwag niyong idamay ang anak ko.”, naluluha kong sambit.
Kinakabahan kasi ako sa pwedeng mangyari kay Michael lalo pa’t nasa mataas na building siya.
“Ohh, ikaw pala si Kate? Grabe! Hindi ako nagkamali ng hula nung nasilayan ko ang mukha mo.”, ngising saad niya na hindi man lang nagulat sa pag-amin ko.
“Kung sabagay, kahit ilang beses mo pang palitan ang mukha mo, amoy ko pa rin ang lansa mo!”, patuloy nitong sabi.
Kahit kailan talaga, matabas ang dila niya.
Mabuti na lang, hindi ako pumapatol sa mga hayop.
I was about to say something, pero mismong si Katrina ang sumingit.
“PLEASE, HAYAAN NIYO NA SILA! IBALIK NIYO NA SI MICHAEL SA KAPATID KO!”, turan niya sa Ginang.
After hearing the words, “kapatid ko”, my heart melt.
Ramdam ko kasi na tunay na ang pinapakita ni Katrina.
“Hija, my dear, bakit parang lumiko ka ng landas? Diba ito ang plano natin? Ang makuha ang anak ko?”, wika niya para ipaalala ito sa babae.
“I changed my mind. And I learned to let go of your son. Kaya sana gano’n ka rin.”, mahinahon na tugon nito.
“At sa tingin mo ba, susundin ko ang...