Stanillian My Heartless Husband Chapter 01


Genre: Romance‚ Action
Author: Am_Luminous
AVI SEPHERD POV
Naglalakad ako paputang counter para bayaran ang mga kinuha ko ng may biglang nakabangga sakin dahilan ng pagkaupo ko sa sahig
“Aviva? Avi ikaw bayan?” isang pamilyar na boses ang pumukaw sa aking atensyon kaya inangat ko ang aking ulo kung saan nanggaling ang boses na ‘yon.
“Josh?” banggit ko sa pangalan niya, bat andito siya, totoo ba to? balita ko nasa Chicago yun
“Ikaw nga!” sabi niya tas inabutan nya ako ng kamay para tulungang tumayo, tinanggap ko naman ito, ng makatayo ako ay bigla niya akong yinakap, ‘siya nga akala ko nagmamalik mata lang ako, miss na miss ko na to!’
“Bumalik ka na pala bakit hindi mo tinawag sakin or tinext man lang para updated ako” mahabang salay say ko sabay bitaw ng yakap ko sa kanya tas bumitaw din siya
“Sorry tampo agad baby ko” natatawang sabi niya, tsk. hindi parin nag babago mas lalo ko tuloy siyang namiss
“Namiss kita, payakap pa nga” sabi ko tas yinakap ulit siya.
“Sus gusto mo lang chumansing eh” mapang asar niyang sabi na nakangiting aso pa, tong si josh talaga
“Hanggang ngayon hindi ka parin nagbabago e noh” sabi ko BTW siya nga pala ang bff ko ng senior pa kami alam niyo na, meron pa si Ava pero hindi ko alam kung San lupalup ng Mundo yon nakarating
“Ganon talaga pag gwapo” Woaah.. Muntik na akong tanggayin ng hangin buti nalang at naka hawak ako sa stante “btw Bat anong ginagawa mo pala dito bat ikaw yung nag grogrocery tas bat ganyan itsura mo para kang manang?” tanong niya
Tumawa ako ng konti “kasal na ako hindi mo ba nabalitaan” sabi ko
“HAHAHA Oo nga pala pero minsan mag ayus ayus ka naman nag mumukha ka nang pulubi eh” tawangtawang sabi niya hindi ko nalang siya pinansin “Wait. Asan pala asawa mo bat mag isa ka lang?” dagdag niya
“Umm, ah busy kasi siya ngayon kaya ako nalang magisa nag grocery” pagsisinungaling ko, pero san nakaya siya ngayon?
“Ahh..Ganon ba” Sabi niya “Siguro hindi ka sinamahan ng asawa dahil hindi ka nag aayos pfft” pabiro niyang sabi habang pinipigilan ang tawa, pinaningkitan ko naman siya ng mata dahil hindi na nakakatuwa agad naman ito tumigil
“Tsk! Bat ka pala napauwi?” Tanong ko para maiba ang topic
“Alam mo na, for business” seryosong...


sabi niya
“Ah ganon ba. May balita ka ba kung nasan si Zandie hindi din kasi yon nagpaparamdam eh?” tanong ko
“Wala eh, pero wag kang mag alala paniguradong ok na ok yon, alam mo na rich kid yon.” Sabi niya BTW si Zandie nga pala ay isa sa mga best friend ko nung senior, close kasi kami non as in very very close parang magkapatid. Alam niyo na, kaya miss na miss ko nadin yun “Kumain ka naba?” biglang tanong niya, hindi ako nakapag salita dahil hindi pako kumakain “Tara treat ko” Dagdag niya sabay hila sakin
“Aba! Aba! Umaasenso tayo ngayon ah, fist time in my whole life na lilibrehan ako ni si Mr.damot alam mo ba yon” sabi ko ,madamot kasi yan nong dati kaya parating ako yung nanlilibre sa kanila alam nyo ba
“Yeah, yeah watever” bored na sabi niya, umupo na kami sa bakanteng table at sinimulang mag order
Dahil sa kadaldalan ng mokong nato Hindi ko namalayan na gabi na pala and worst of all 7:24 na pala nung chineck ko omy gaassss malalagot ako nito
“Kailangan ko nang umalis” pagputol ko sa sinasabi niya
“Bakit? Ah sige” sabi niya “Tara hatid na kita” dagdag niya
“Wag na. Kaya ko namang umuwing magisa” pagtanggi ko
“Tara na, delicado kaya. Hatid na kita please. Gusto ko lang namang makasigurong makauwi kang safe” sabi niya ano pabang magagawa ko
“Oo na Tara” pagsuko ko haystt..malilintikan ako ngayon for sure
Sumakay na kami sa montero ng daldal na to habang nasa kotse kami Hindi ako tumigil sa pagdadasal na sana hindi pa nakauwi yung asawa ko
“Relax, Hindi kita itatangay” natatawang sabi ni josh kaya napatawa ako ng konti.
“Dyan na tayo oh” sabi ko sa kanya ihinito niya naman sa tabi ng gate kaya lumabas ako, kinuha ko narin ang mga groceries sa back seat at nag paalam sa kanya
“Thank youuu, sige pasok nako” sabi ko sabay kaway
“Sige, see yah. byee” sabi nya at umalis
Habang naglalakad ako papuntang bahay hindi ko mapigilang kilabutan, ang bilis ng kabog ng dibdib ko
Nang makarating ako nakita kong patay ang ilaw tas wala yung kotse ng aking asawa sa pinagpaparkan niya kaya nawala ang kaba ko
Pheww! “buti nalang” bulong ko
Pumasok nako ng biglang umilaw ang buong mansyon dahilan ng pagka hulog ng dala ko “shit” mura ko






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top