Accidentally Date to Zayn Malik โค๏ธโค๏ธ..Part2๐Ÿ˜๐Ÿ˜


“,ATE.. ate gumising kana dyan,may naghahanap na naman sayo sa Labas ..”,

“,Ano ba ,sabihin mo wala ako dito, sabihin mo sa kanila na nag abroad na ako,na naki giyera ako sa North Korea,sabihin mo ibinala ako ng kanyon dun!!”,Nasa likod ako ng pintuan ng kwarto ko habang pasigaw na sinasabi yun kay Kokoy !!

Simula ng matapos ang date namin ni Zayn Malik last week..Hindi na naging normal ang buhay ko,feeling ko ang dating chill chill lang na buhay kong kasing gaan ng langit ay tila naging impyerno na ng dahil sa lalaking yun !

Isinusumpa ko Sya !!!

“,Ate hindi sila maniniwala sa akin,kasi wala ka namang passport panu ka makakarating sa ibang bansa ??”,

Napakagatlabi ako sa sagot nya,kahit naman kelan ang loading ng kapatid kong to,hindi manlang maka gets..san ba sya pinaglihi?sa PLDT na laging loading?Haha..

“,ATE Andito na sya.. “,

Kinabahan ako,..maya mayay nagulat ako ng biglang may sumigaw sa kabila kasabay ng malakas na pagkatok..

“,Selena..”,sabi nung boses nya”,Hindi mo ko matatakasan,..tanggapin mo na yung deal natin,ikaw din lugi ka.. ayaw mo bang sumikat?”,

Hah!Lecheng pagsikat na yan ! Haller kung kasikatan din lang ayuko nun,ayuko ng spotlight,sabi ko nga humble ako eh kaya nga kahit andami daming gustong makaalam kung sino ang writer ng mga maroromansang libro na inaadopt sa tv ay hindi ako nagpakilala dahil ayuko ng kasikatan..Tapos tatanungin ako ng lalaking to?Sino ba sya ???!

Ay sya nga pala..si Zayn Malik yung gagong kumakatok sa likod ng pintuan,buti nalang naka bulletproof tong pinto ko,kundi sa lakas ng katok nya wasak na sana yun ..hmp!

At sya yung taong iniiwasan ko ang 99 others na mga Paparazzi.. Simula ng matapos ang date namin,feeling close na sya sa akin,ah baka na inlove sa karisma ko?pero wala naman ako masyadong ginawa sa date namin bukod sa.. hindi sinasadyang maghalikan kami..

Bigla kong natakpan ang mga labi,Oo naghalikan nga kami .. at naiinis ako kapag naiisip yun ! Yun yung dahilan ng lahat eh at kung bakit naririto si Zayn ngayon sa bahay !!

“,Lumabas kana dyan,Babe.. may date pa tayo!”,

Kinilabutan ako sa term of endearment nya..
Narinig ko ding napahagikgik si Kokoy,walang duda..kampi sya ni Zayn..ang hinayupak,humanda sa akin si Kokoy kapag nagpatuli sya hindi ko sya palalagyan ng anestisya!!!

….

Napaatras ako mula sa pintuan ng biglang bumukas iton,tuluyan na akong trinaydor ni Kokoy mukhang pati yung isang susi ng room ko ay binigay na nya kay Zayn..

Nagsalubong ang mga mata namin ni Zayn..

Ang ganda ng mata nya —–!!

Teka salawahan bat ba yun na naman ang napansin ko sa kanya.

“,Kuya Zayn yung pangako mo hah?Dadalhin ko sa next concert nyon yung nililigawan tapos sa VIP kami pupwesto hah ?!”,

Napanganga lang ako sa pinagkukwentuhan nila…At ano?may nililigawan na si Kokoy ..?

“,Hoy Charlie (Puth)..”,tinawag ko pangalan ni Kokoy “,hindi ka pa nga tuli eh nanliligaw ka na?”,

Hindi nya ako pinansin at bago pa sya umalis ay nginitian pa nya si Zayn!Aba magaling,at mukhang sila na ngayon ang magkapatid hah?pwes magsama sila…!

Kinabahan ako ng dalawa nalang kami ni Zayn sa loob,tapos dumoble pa ang kaba ko ng ilock nya ang pinto ng kwarto ! Nakakaasar bat di ko magawang pigilan sya sa ginawa nya?Or baka kasi gusto ko yun ???

“,So…?”, humalukipkip si Zayn,dahil naka black t’shirt lang sya di tulad nung date namin na formal sya ay mas lalo kong nakita ang napakarami nyang tattoo sa kamay paakyat sa kanyang braso, gayunpaman wala akong naramdamang panghuhusga..

Kasi alam ko namang hindi nasusukat sa dami ng tattoo ang pagkatao ng isang tao ! Kaya ..
tsaka ko nalang sya huhusgahan..

“,Ano bang ginagawa mo dito?ke aga’aga nambubwisit ka?!”,sabi ko,hindi ako nagpadala sa prescence nya,isa pa marami na akong nakitang artista noh,hindi na bago sa akin kahit kaharap ko pa sila..

Pero joke lang yun,kasi sa sobrang gwapo nitong kaharap ko,malapit na akong matunaw,..
Nakakainis yung pilikmata nyang mas malantik pa sa pilikmata ko!Kainggit !!

Pero syempre di ako magpapahalata sa kanya na na te tense ako noh . Asa pa sya !

“,Pumayag kana kasi sa gusto ko,lets date..2months lang naman yun,para naman maisalba ko yung reputation ko na sinira mo?”,

Ah..napanganga ako ..at ako pa ang sumira?
“,Excuse me!ikaw ang unang humalik sa akin!”, actually ayuko na sanang pag usapan pa yun ang kaso..hinihingi ng pagkakataon..

“,Ikaw ang unang humalik noh,nasarapan ka nga eh kaya nga tayo nahuli ng kamera na on the spot naghahalikan thats why andito tayo sa sitwasyon ngayon … “,

Naningkit ang mata ko sa kanya ,and then…
The FLASHBACK came to my Mind..

…++
Zayn’s POV…

Before the Date..

“,Gagawin mo talaga yun,Zayn?sure ka i mean..
you can hired someone sa totoo lang “,sabi ni Louis bago tinira ang bola, naglalaro sila ng bilyar ni Liam..while me and Niall is bussy dutduting our cellphone.. Habang wala pa si Harry dahil for sure nag aaway na naman sila ng bagong P.A nyang astig.. well wala namang bago eh,lagi naman syang late,siguro nag away na naman sila ng P.A nya dahil bussy si Harry sa pag Style ng kanyang mahabang buhok!

Nasa VIP room kami ng sikat na bar na yun at yun ang paborito naming tambayan..

“,Kapag nalaman to ni Gigi patay kang bata ka”,kantyaw pa ni Liam sa akin..

Lumagok muna ako ng mamahaling alak “,oh huh,how many times do i have to tell you guys na wala na kami ni Gigi and her.. exotic behavior… “,Naiinis kong sagot..

Tumingin sa akin si Niall,”,And how many times do you have to tell us na break na kayo then again tomorrow magkasama na naman kayo sa kama… “,Natawa pa ito..

Tiningnan ko sya ng masama,ang sarap pektusan sa mukha “,No.. seryoso na to sa ngayon,Gigi and I already split and theres no way we can fixed it,at gagawa naman ako ng paraan para hindi na yun maayos noh..ayuko na ulit pumasok sa relasyong toxic .. “,

“,Huh!hindi mo lang makalimutan ang first love mo eh ! “, Kantyaw ni Louis..

“,Sino..si Perrie?yung ex mo ?”,

Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan ng sumabad si Harry..at last, nakarating na rin ito,glad hindi sya binalian ng buto ng P.A nyang black belter..

Nagtungo si Harry sa tapat ko at inagaw ang iniinom ko,kahit kelan naman patay gutom talaga tong Harry na to..at mang aagaw talaga,

“,Si Perrie ba yung tinutukoy nyong first love?!”,tanong nya ng makainom,binalik nya sa akin yung baso..

Nginisian ko si Harry bago nagsalin muli..

“,Sa pagkakaalam ko,may first love kapa diba Zayn?yung child hood friend mo?ano na nga bang pangalan nun?amh…ah basta”,kamot kamot sa ulong sabi ni Liam..

Mahigpit kong nahawakan yung hawak kong baso sa sinabing yun ni Liam,hindi ko alam kung bakit alam nya ang tungkol sa bagay na yun,pero well..siguro naikwento ko yun sa kanila nuong minsang nalasing kami..ay mali palagi nga pala kaming lasing..

Thats why lagi din kaming napapagalitan ng manager naming si Rihanna..

May mga bagay pa sana sa past ko na ayuko ng ungkatin pa kasi ayuko na sanang maalala kaso,..may kasabihan ngang YOU CAN RUN BUT YOU CAN NEVER HIDE.. kaya nga kahit anong iwas ko sa KANYA !!! nag krus parin ang mga landas namin…

At dahil nakita ko na sya.. Theres No way na mahiwalay ako ulit sa kanya,never again ! Kahit hadlangan pa ako ni Rihanna or ni Gigi,or maraming fans sa buong mundo..ready ako!!!

To fight her heart Back !!! At hindi na ako makapaghintay sa date namin !!!…

****The DATE day !

Pagkatapos kong magbihis sa isang hotel kung saan ako dinala ng mga alipores ni Zayn pagkatapos nya akong masundo sa bahay ay lumabas na ako ..

Nagulat pa ako ng napasinghap si Zayn ng makita ako ! Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon nya dahil tumalikod na sya kaagad..

Napasimangot ako,kanina lang instant sweet sya sa akin sa bahay tapos ngayon ni hindi manlang nya ako inalalayan?wow..now i know na mabait lang pala sya kapag may kamera ..tapos ngayong wala na ay lumalabas na ang tunay nyang ugali?kainis..may papisil pisil pa sya kanina sa kamay ko tapos ngayon tila allergy sya dito dahil di manlang sya nagyayang magholding hands kami??hmp!

Nagsisi tuloy akong sumama..Alam ko namang diko to deserve eh,baka nga kapangalan ko lang talaga yung dapat na narito ngayon at nagkataong ako yung naunang nahanap kaya ako nandito,dapat hindi ako yung nandito ngayon eh ..feeling ko tuloy ansama ko,inagaw ko yung karapatan ng ibang tao..

“,Dyan kanalang ba,tatanga ka nalang?”,maya mayay lumingon sa akin si Zayn..

Napapitlag ako sa gulat,hindi pa pala sya umaalis sa harap ko,ganunba ako ka bussy sa pag iisip ng kung ano ano???

Maya mayay nagulat na naman ako ng bigla syang lumapit sa akin,sobrang lapit..tapos napasinghap ako ng ilagay nya ang isang kamay nya sa beywang ko at kinabig ako palapit sa katawan nya..

Pagkatapos… Ng flash na naman ang camera..

“,Lets go..”,he said,sweet like chocolates,malayo sa boses nya kanina..

Then he hold my hands,,ginawa nya yung inaasam ko kanina,muntik na sana ako kiligin kaya lang alam ko namang ginawa lang yun ni Zayn for Fan Service..Malaki siguro ang bayad sa kanya ng Kopiko Blanca kaya nya grinab ang date na to,mukha namang kasing napipilitan lang sya.. At para magawa ang trabaho,kelangan nyang makisama sa akin ng ilang oras kasi ako nga yung Lucky Girl.. ay mali yata,kasi ang Malas ko kasi sa limang member ng One Direction… Sa lalaking Wrong direction ako napunta..sana manlang kahit si Harry nalang,or si Louis..o kahit si Liam nalang,pero okay din naman kung kay Niall..basta sana wag lang sa kanya ! How Unlucky I Am..

—->>>
Sakay uli kami ng magarang sasakyan,at dahil sa malamig sa loob gawa ng aircon ay hindi ko namalayang Nakatulog na pala ako..

“,Hoy..gumising kana ,”,narinig kong sabi ni Zayn sa akin..

Nagising naman ako,yah its reality na ulit masungit na naman yata sya ngayon “,Ano ba,gising gising mo ako dyan eh..ako to si Sleeping beauty.. gusto ko pa matulog “,inis kong sabi ..

To my big surprise.. Napahalakhak si Zayn ,”,Sleeping beauty you said?baka sleeping Fiona?asawa ni Shrek !! “,..

Tiningnan ko sya ng masama,kundi lang masama na kalmutin ko yung mukha nya na hindi ako nadedemanda ay ginawa ko na kanina pa ! Nakakainis eh.. ambait bait pa naman nya sa panaginip ko kanina..

Bumaba si Zayn at kinausap yung driver,binaba ko ang salamin ng bintana para marinig usapan nila,baka pag usapan nila ako ng nakatalikod uso pa naman back fighter ngayon.

“,Sure kabang di nila tayo nasundan?”,sabi ni Zayn .

“,Sure na sure Sir.. nailigaw ko na sila “,proud pang sagot ng driver..

“,Hoy anong...


pinag uusapan nyo,hah?”,di nako nakatiis bumaba ako sa sasakyan.. pero diko na nahintay yung sagot nila dahil lumuwa na yung mga mata ko sa kagandahang view na aking nakikita..

Oh My Gulay ni Inday Garutay.. anong klaseng isla naroon kami ???Apakaganda eh ! Siguro dapat mag resign na ako as a writer..gusto ko na yatang maging travel vlogger ah,wait..asan yung phone ko ???

Kinuha ko yung phone ko sa bag at handa na sana akong mag selfie ng agawin ni Zayn yung phone ko .. teka bat naman ——!!..

“,Sorry baby..pero hindi ko hinahayaang may kumuha ng litrato sa lugar na to !”,

“,Ano ba?give me back my phone, ka’imbyerna ka..”,pilit ko yung inaagaw kay Zayn pero nasa taas yun ng mga kamay nya,at dahil mas matangkad sya walang possibility na maagaw ko yun sa kanya..

“,Sorry baby pero phone are not allowed here,pwede mo itong makuha kapag natapos na ang date natin.. okay baby??”,

Naiinis ako sa kanya,kanina pa nya ako tinatawag na Baby eh,kapag naririnig ko yun naalala ko si Justin.. palagi nya yung kinakanta sa akin ! At nabubwisit pa ako lalo dahil hindi ako sanay na hindi dala lagi ang phone ko ng ilang segundo…kapag ganun mag collapse ako,kasalanan to ni Zayn pag nawala ako sa ulirat !


Sa isang cottage ako dinala ni Zayn,kahit naiinis ako sa kanya hindi ko paring maiwasang di mamangaha sa lahat ng sulok ng mga lugar na kinaroroonan namin,napakaperpekto.. !

Mula sa cottage tanaw ko parin ang dagat kahit pa nga malapit ng magdilim,asul ang kulay nun at napakapino ng white sand nito,banayad lang din ang alon at napakasarap sa pakiramdam ang pagdampi sa balat ng preskong hangin.. ang sarap damhin !

Pwede na akong kunin ni LOrd !!

Pumikit ako at sinamyo ang preskong hangin,sa ganoong posisyon ako nakita ni Zayn..

“,This is our private property.. walang ibang taong nakakapunta dito without our permission,at maswerte ka dahil andito ka..”,

Nagmulat ako ng mga mata,kaharap ko na pala sya, diko alam pero parang mas maganda pa syang titigan keysa mga tanawin..

Ayyyt!heto na naman,wag kang maging marUpok Selena..kalma kalang,remember ..nasa kanya ang phone mo ! At kaylangan mo yung makuha kaya hinay hinay lang sa feelings!

Tsaka lang ako may mapansin sa sinabi nya..
“,Teka..you mean to say property nyo to ng grupo nyo?!”,

“,Yappps..nag iisip ka rin naman pala minsan”,

Napairap na naman ako sa kanya,ang sarap nyang basukahin sa pagmumukhA sa totoo lang…pero diko pinatulan ang pang aasar nya, professional ako noh..haha!

“,Kaya nga ,kahit isang camera hindi pwede dito,or phones…kaya kung napapansin mo,walang paparazzi na nakasunod sa atin ..”,

Ah,yun pala yung pinag uusapan nila kanina nung driver,na nailigaw nya..gusto kong magpasalamat dahil walang istorbo ang kaso sa kabila nun nag aalangan ako..ibig bang sabihin dadalawa lang kami ngayon sa lugar nato?

Possible kasi pagtapos kaming ihatid nung driver na si Chris Brown ang buhok ay hindi ko pa sya nakikita sa mga oras na to.. halla shit!

“,Teka,kung ..wala ng cameras,meaning hindi na matutuloy ang date natin?kung ganun bat mo pa ako dinala dito?bwisit ka talaga noh!”,.

Napahinga ng malalim si Zayn,parang nagtitimpi sa mga sinabi ko “,May mga picture na tayong magkasama kanina,kaya alam na ng Company ng Kopiko Blanca na natuloy na ang date natin.. kaya hindi na kaylangan ng iba pang detayle..tsaka isa pa matutuloy parun date natin mamaya,alam ko namang pangarap mo yun kanina pa “,..

“,Ang kapal talaga ng mukha mo noh “,kinurot ko yung dede nya at napasigaw sya sa sakit “,excuse me hindi kita pinangarap no!tse!di ka naman yummy sa personal eh ..pang Tv ka lang “,

Napahalakhak si Zayn..”,,owss..talaga ba?”,he teases me with hes very seductive eyes..at hindi ko yun makayanan.. “,hindi ka parin nagbabago,,ganyan ka parin …. “,

Awtomatikong napahinto sya sa sinasabi ng nagtatakang napatingin ako sa kanya..Parang naging balisa sya,,at iniwas ang tingin sa akin”,Ano yung sabi mo?pakiulit nga ???”,

Napakamot sya sa ulo at huminga ulit ng malalim..”,Ang sabi ko…maligo ka na,nangangamoy ka na,7pm yung date natin mamaya mag ayos ka baka pagkamalan kang yaya ko sobrang gwapo ko pa naman,kahit na pwede namang di nalang tayo mag date at matulog nalang ay nakokonsensya parin ako,ang mahal ng bayad nila sa akin tapos hahayaan lang kita na di matuloy ang pangarap?kaya mag ayos kana sa date natin mamaya … “,

Badtrip na naman ako sakanya,nagyabang na naman..Sana all ganun ka kapal ng mukha!

Hintayin lang ng Zayn na to makuha ko phone ko ipopost ko yang kayabangan nya at magaspang nyang pag uugali .. tingnan ko lang kundi sya ma bash ! Hmpp humanda sya !!

****
Pagpasok ko sa kwarto agad kong tinungo ang dresser,napasinghap ako ng makita ang ilang magagarang damit na naroon,,wow!may ibat ibang kulay at talaga nga namang napaka elegante..

Napalabi ako.. private property daw ng one direction pero may mga damit pambabae?ah siguro kaya private property to kasi dito nila dinadala mga babae nila?ayy kakalerky ano ba kasing ginagawa ko dito ???

Mag ayos ka ng maganda para di ka pagkamalang yaya ko.. “,nag pop sa utak ko ang sinabi ni Zayn, nainis na naman ako ,,may bigla tuloy akong naalala sa kanya.. someone in my past na walang ibang ginawa kundi ang asarin ako,hmp!!

Sa halip na mag ayos at magpaganda..Kinuha ko yung kulay itim na damit,madami pa namang ibang kulay dun,,kaso para inisin si Zayn kulay itim nalang ang isusuot ko,tingnan ko lang kundi maging lamay ang date namin..bwahhahahahaha!!!

Pero mukhang di naman tinablan si Zayn sa suot ko dahil Pagkatapos nya akong sunduin sa room ko ay wala naman syang sinabi..

Dinner with candlelight ang set up at dinala ako ni Zayn sa may pang dalawahang mesa.. may mga bling blings pa sa duon at may mga rosas,tapos tumugtugtog yun kantang “, Wonderful tonight na slowmotion yata yung cover..ang romantic eh.. tapos hayun maraming pagkain !!

Pinaupo ako ni Zayn at eksaktong pag upo ko tumunog ang tiyan ko..nagwelga na yata yung mga bulate ko.. nagkatinginan kami ni Zayn pagkatapos ay sabay na natawa..Hahahaha!!!

****
“,So asan na yung phone ko ?ibalik mo kundi babaliin ko yang leeg mo”, pagkatapos ng ewan ba kung matatawag bang date yung ginawa namin basta nagparamihan kami ng makakain at ang nanalo syempre ako,,mahina pala sa kainan tong si Zayn puro papogi lang ang alam!

Tinanong ko agad sa kanya yung phone ko..Naglakad sya papalayo sa akin upang asarin na naman ako,huminto lang sya ng malapit na kami sa dagat..

“,Zayn yung phone ko!ano ba.. “,gigil na ako sa kanya,pag nagtagal pa na hindi ko pa hawak ang phone ko mag tatransform na ako bilang halimaw!!!

May dinukot si Zayn sa bulsa nya..ang phone ko!..

Kukunin ko sana yun pero itinaas na naman ni Zayn yung kamay nya,hindi ko na naman yun ma reached ngayon,hay ano ba naman..bat ba laging nagtitrip tong lalaking to???

“,Zayn.. ano ba ! Last warning ko na to,ibalik mo na phone ko kainis ka “,kund ibang babae siguro ma ackward kay Zayn sa pinag gagawa namin,kaso di ko yun ma feel..tapos bakit parang may pakiramdam akong ginagawa na namin ito nuon pa?Na pamilyar ang feelings ko sa kanya?na parang close na close na kami sa isat isa gayung ngayon palang naman kami nagkakilala?..ano ba yun ???!

At ng hindi na ako nakatiis ay gumawa na ako ng ibang trics,!hinatak ko ang kwelyo ng suot nya pero wrong moved…

Na out Balance kami parehas !!!!

Naramdaman kong bumagsak ang likuran ko sa malambot na white sand,,at si Zayn…

Nakapatong sa akin !!!!!!!!!!!!!!!

Hindi ko magawang gumalaw,naparalyzed yata buong pagkatao ko..at ang isip ko,ayaw gumana..

Parang ganuon din naman yung nangyayari kay Zayn ngayon.. titig na titig sya sa akin ngayon,
Ilang beses napalunok si Zayn.. pagkatapos ay ilang beses kong nakita na napapatitig sya sa mga labi ko.. ilang beses din nyang binasa ng dila nya yung mga labi nya pagkatapos ay…—–!

Uh.. umh !!!!!!!!!!!!!!

Kasabay ng pagkidlat ng malakas ang pagdampi ng mga Labi ni Zayn sa mga labi ko!

Hindi ko nagawang itulak sya.. well si Zayn Malik lang naman ang kahalikan ko,,choosy paba ako ???

Tapos tatlong beses akong napakurap!damn hes lipsss mas matamis pa sa cotton candy ni Aling Beyonce !!! At bakit nakakaadik ???

Tapos hayun..namalayan ko nalang na gumaganti na ako sa halik nya.. Take Note.. hindi kami lasing!ni hindi nga kami nakainom ng alak this time.. siguro trip lang namin to ;!!!

..
Isang araw pagkatapos ng kunkunwaring date namin ni Zayn.. Sumabog sa twitter ang pangalan nya….tapos mga litrato ng isang babaeng kahalikan nya sa isang isla!

May Caption pa ang mga ito na..

ZAYN MALIK SPOTTED KISSING MISS LUCKY GIRL..ARE THEY DATING BEFORE?IS SHE IS HES NEW GIRLFRIEND????…

Kaya ito ang rason,kung bakit ako niyaya ni Zayn ngayon na mag date in real.. kumalat ang picture namin na naghahalikan kami which is wala naman daw sinabi ang Kopiko Blanca na mamanyakin ako ni Zayn?kaya nagtaka ang netizens kung bakit kami naghahalikan gayung hindi naman kami magkakilala isa pa,sa isang promo lang ako nanalo..May ilang nagtanong din kung dati na kaming magkakilala..

Dahil trending si Zayn sa buong internet,gumawa ulit sya ng panibagong trending..Nagpa interview sya at sinabi sa madlang people na ako nga ang Bago nyang Girlfriend… Kaya mas lalong gumulo ang Lahat!
At para maayos daw to.. nakaisip si Zayn ng idea, kunwari daw mag date kami ng two months then after nun kunwari pagkatapos ng two months ibabalita naming ng break na kami ng sa ganun hindi na magtaka ang ibang fans!

But for all i know,Zayn is only using me for hes own Sake!at paanu naman kaya ang career ko?

Isa pa anlaki na ng sinacrifice ng pamilya ko matapos kaming ibash sa social media..ni hindi nga ako makalabas khit na bumili man lang ng napkin sa labas ..tiis tiis nga muna ako sa pasador ngayon eh,kasi pinagbabantaan ako !!..

Sina Mama at Papa nga patagong lumabas muna sila para bumili ng stocks namin dahil paubos na ang groceries..at buti bakasyon walang pasok si Kokoy dahil kung nagkataong my klase ay malamang binubully na ang kapatid ko.. and this is because of him !!

Feeling ko!pumasok ako sa impyerno at naghihintay nalang ako maluto ! Hindi ako makalabas … imbes sa kompanya ako nag wowork ngayon at gumagawa ng kwento heto ako ngayon,nagkukulong sa kwarto…

Kasama si Zayn !!!

“, Pumayag kana ..i can assure you na proprotektahan ko sina Tita Kim at Tito Kanye ..pati narin si Kokoy .. and most specially.you..my Baby”,

Hayun na naman sya sa baby nya..

Hahahahahaha!!

Pumayag na kaya ako ? Hmpp!!

Ano sa palagay nyo???

Itutuloy…






Share On Whatsapp

"7" Comments
  1. walla po bang kasunod

  2. full story

  3. my second part ksi bitin ang story

  4. wala p.ksunod

  5. Lyndsay๐Ÿ˜

    ๐Ÿ˜

  6. โค๏ธ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜

  7. next po please ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ˜˜

Leave a Reply


top