Meant to be? Chapter 43


Napabalikwas ng bangon ang nakataob na si Ace nang pagkapa nya sa tabi ay patag na ito.” “whaat?? Asan ang asawa ko?” , first time kasi iyong nangyari.
Dali dali syang nagsuot ng damit at halos madapa na ng tarantang isinuot ang tsinelas.
“Sweetie! Sweetie!”
Hinanap at hinalughog nya sa buong bahay baba at itaas, pero wala syang nakitang Nice.
Napasandal sya sa walling, padausdos.. Habang isinuklay ang mga daliri sa buhok.
“Hindi kaya tinawagan sya ni Alodia? ”
Nakita sya ng dumaang maid.
“Sir? Bagay pala kayong mag walling.. Bat di kayo mag artista sir.. Ang gwapo nyo pa naman, may potential kayo Sir”
“Huh? Lang hiya napagtripan pa ako sa lagay na to,” bulong nya
“Nakita mo ba ang asawa ko?”
“Hindi sir, pero kanina Oo”
” , kamag anak ba to ni George. ”
“Ah Sir si maam Nice po umalis, sabihan ko na lang daw ho kayo na nauna na sya sa pwesto. ”
Sabat ng cook nila.
Dahil Sabado maagang pumunta sa pwesto si Nice. .
“Sige ho manang, salamat.”
“Sir!”
“Oh?”
“Bilisan nyo baka may umaaligid aligid na don kay maam ngayon, kayo rin. Dalagang dalaga ang itsura ni Maam. Parang perst yer hays kul lang.”
” Kamag anak nga siya ni George, confirmed!” iiling iling na tinakbo nya ang kwarto para magbihis at mag hygiene , maliligo na lang sya ng pabango, wala ng oras!
“Ilang buwan na ring hindi nakakabugbog ang kamaong to.”, sabay kuyom ng palad .
Tumatakbo syang nagpaalam sa byenan na nasa hardin nag titrim ng mga halaman, at mamaya pupunta din ito sa pwesto upang tumulong @ makasama ang anak.
Kahit ano na lang ang maisipang gawin nito sa bahay, huwag lang tumambay at maupo dahil di ito sanay. Mas magkakasakit daw sya ang sabi sa mag asawa kapag hihiga at uupo lang.
Ang sabi pa nya excited na syang mag kaapo dahil kahit di na daw kukuha ng yaya at sya na ang magpepresenta. Natawa lang ang mag asawa.
Habang si Ace ay halos paliparin na ang kotse!
Ayan tuloy nasiraan. Buti may mga mukhang kargador sa tabi ng daan, nagpatulong sya sa pagtutulak. Kung kelan malapit na.
Panay amoy sya sa sarili
“Haisst nalintikan na, mag aamoy pawis pa ako nito. Sana inubos ko na lang yong pabango.” Nag utos sya sa isang kasamang nagtulak na magpabili ng axe..
Yong ginagamit nya nong unang mga araw pa lang ng kasal nila ang pinabili nya. Naging adik si Nice sa kanya sa pabangong yon.
” Ngayon ka sakin..”
Sinadya nyang di ito tawagan para masorpresa.
“Mamayang gabi na kita parurusahan.. ”
Nang makapagpabango na ulit at nabayaran na ang mga lalaki na inutusan. Mabilis na syang naglakad patungong pwesto. Iniwan nya na lang ang kotse dahil tinext nya na si Alvin para yumari noon papuntang talyer.
Nakita nya kung gaano kahaba ang pila. “Naku po ang asawa ko, napasubo sa negosyo nyang ito.. Haisst. May naging karibal pa tuloy ako. ”
Para syang model o artista na pinagtitinginan habang naglalakad. Isinuot nya pa ang dalang rayban kahit alas 9:30 pa lang.
Pag nakita sya ng asawa, sasabihan na naman syang nag aasta syang binata at single. May pahabol pang” yabang mo tsong! go”
“Ok na sana yong tsong e.”
“She always makes me smile. ” naibulong nya habang nangingiti “there can be no other girl who is able seize my heart ”
Habang papalapit, nakaisip sya ng kapilyuhan.
Pagkarating, naki insert sya sa pumipila at dahil pogi, walang nagreklamo kahit sa pangatlo mula sa unahan sya pumwesto.
Biglang nag slow motion ang paligid nang sa wakas iangat nya ang paningin papunta sa kinaroroonan ng asawa. Laglag ang panga nya…. Parang hindi si Nice ang kanyang nakikita ,
Nakasuot lang naman sana ito ng uniform katulad ng mga tauhan nila. Sa ngayon yellow ang itaas na blouse at green ang khaki pants tapos may visor na kulay green. It represents mango flavor.
May ilang hibla pa ng buhok na nililipad lipad ng hangin..habang tinatamaan ng sinag ng kulay gintong araw ang mala porselanang mukha at ang buhok nitong kakakulay pa ng light brown. “Ang sarap hawiin diretso halik sa kissable lips ” pilyong bulong nya tsaka napalunok.
“. Mas lalo itong naging attractive sa kulay ng suot. Na Kinakagat kagat pa talaga ni Nice ang mga labi na nakasanayan na nya kapag nagmamadali at naghahabol ng oras.
Naibaling ni Ace ang paningin sa kabilang pila ng may narinig na maharot na salita mula sa mga binatang nakatitig sa asawa.
Napaigting ang bagang nya.. Pero lulugar na muna. Baka mapapasama lang sya sa kanyang asawa..”mukhang hindi sa shakes naadik ang mga kumag na to!”
Nang umalis yong isa pangalawa na sya. Buti at pansin nyang di nakikipag usap si Nice sa mga customer dahil focus ito sa pagbeblend.
Ang bakla ang busy sa pag abot ng order at pagtanggap ng bayad.
Pero yong nasa unahan nyang binata humingi ng # kaya napatingin ang kanyang asawa.
” aba’t naghahanap ng .. Baka gusto nitong ma shake rattle and roll”
” Ahm sir, nasa itaas na karatula po yong #. Pakitingnan na lang po salamat.”
“Sayo yang # miss”
Umoo na lang si Nice para maging madali.
“Paktay ka kay Ace.. Subukan mo lang kumontak”
Nang biglang nahagip nya ang naka rayban na lalaki sa likod nito. Yuyuko at titingin sa likod ito. Kahit di masyadong klaro sa paningin nya ang itsura nito, nakadama ng paghanga si Nice. “lagot ka sa hubby mo Nice, bakit ka nag kaka crush sa iba. Ngayon lang naman to e. Sino kaya sa kanila ang mabango? Itong nasa unahan o yong naka rayban.. Ang likot din e, bat di tumingin dito ng diretso. Di tinablan ng alindog ko? hmp! .. Mas lalo pa naman akong nadadale kapag strict type.”kainis di naman ako type.. Bahala ka nga.!”
“Lintik na, bat panay na tingin nya sa pila..”
Pag alis ng nasa unahan, nenerbyos tuloy si Ace.. Langhiya bakit ganito nararamdaman ko, parang di ko asawa tong haharapin ko ah, parang ibang chicks.😁
“Anyung sayo ..? Paggagaya sa korean ng bakla
Sir? ” gulat ang bakla
“Ahm, I want..
Your saleslady with her hugs and kisses.”
Imbes na “I want an order of mango shake. With waffles and toppings.” Yon ang lumabas
Napatingin bigla si Nice ng marinig ang boses ng asawa.” Tweetie 😁” pagpapabebe nyang sabi.
Guilty kasi sya dahil tinakasan nya ito.
Alam kasi nyang di ito papayag na maaga syang pumunta don.
“Yes Sweetie” inalis nito ang rayban at patakbong pumasok sa loob.
“Where’s my order now?huh?
“Huh? A-Anong order mo?” Pagmamaang maangan nya
” Hiramin ko ho muna asawa ko “tsaka sya nag✌🏻sign sa mga customers.
” Hoy teka!”
“pag di ko nakuha yong order ko, di uusad sa susunod na customer.. take note, pumila ako.” So give me My hugs.. ” tsaka sya nito niyakap ng tatlong ulit..sinu sway pa ang katawan nila. Kantyawan tuloy ang mga customers “hoy bilisan mo!”
Kinikilig ang mga ginang na nakapila at mga dalagita, ngunit hindi ng mga binata at dalaga na may lihim na crush sa kanilang...


dalawa.
“And my kisses.”
“Kisses talaga.. Ah Chocolate yon diba, teka meron yata ako dito teka lang.. “mabilis syang nakahakbang pero hinila na sya ng asawa pabalik, diretso landing ng mga labi nila sa isat isa.
Feeling nila tuloy nasa bahay lang sila. Buti natauhan din at mabilis na kumalas.. Pero muli syang inakbayan ni Ace,” sensya na po sa disturbo..may atraso kasi to, iniwan ako.. Sinisingil ko lang.”
siniko sya ng asawa.
“Ok po, continue po tayo. Tapos na ang magandang palabas. ” sigaw ng bakla na titig na titig kung paano maghalikan ang dalawa kanina. Napapalunok na lang sya.
Nag iimagine tuloy sya na sya ang hinahalikan ni Ace..
. Biglang bumulong si Ace habang pinagpapatuloy na ang ginagawa ng asawa.”Sweetie, uwi muna tayo ng bahay..
” hmm?.. (Asawa ko pala yong hinangaan ko kanina? Nainis pa ako at di tumitingin sakin. Kaya pala)
” Huwag mo akong disturbuhin daming customer oh.”
“Aiyst.. Wala ka nang time sakin nyan e.” parang bata itong nagrereklamo habang tinutulungan sya sa paglalagay ng toppings at straw.
“MagkakA masel ka na nyan, maghahanap ako ng iba.”
Napatingin si Nice sa kanya.. “Magkakamasel ba talaga.. O sige ikaw na dito.
Bilisan mo ah.
Weeh! Sinong niloko mo.”
“hahah.. Bahala ka.. Adik na adik ka na talaga dito, nagseselos na ako.”
Nang bigla sya nitong ninakawan ng halik.
Uhmp!
“At ikaw san ka adik?”
“Adik sayo🎶” may pakindat kindat pa ito
Hindi matapos tapos ang pila lalo nat weekend kaya nag paskil si Ace ng wanted 2 saleslady. Urgent!
Tinawagan nya rin ang mga katropa. Ilang sandali lang ang astig ng mga itsura nito ng dumating parang mag momodel rin. Kaya tuloy ang mga nakapilang babae bulong bulungan.
“Mukhang may planong maghanap ng chicks yang mga tropa mo dito ah.”
“Yaan mo na, wala naman yang mga sweldo.”
“Di mo binibigyan?”
“Hindi..”
“Halluh Ace kakahiya naman, nag effort naman sila.”
“Ok lang.. Exercise nila daw to.”
“Ganon, bahala kayo..”
“Teka! Nagugutom na ako ah, di ka rin nag almusal?”
“Ahm, kumain ako ng konti kanina sa bahay.”
“Konti? ” sabay pisil sa ilong nya.. may tinawagan si Ace habang nilalapat ang kalahating dibdib sa tatlong tropang pumasok.
” Mukha tuloy silang F4 ,at si ate ang flower sa gitna.” puna ng isang bakla.
” Inaate nya talaga ako, halata namang ang tanda nya sakin. Pero love ko na tong mga baklang to. Infairness.”
” Mga tsong! go.. Kain muna kami ha, susunod din kayo.” Bro yong kotse ko pala,” untag nya kay Alvin
” Oo, 0k na..”
” Nagdala ka ng pagkain?”umiling lang si Ace.
” Nag order na ak0″
Habang abala na sa pagtulong ang tropa nya.. Pumanhik sila sa loob.. Papunta sa dalawang babae na taga slice at lalaki na nagbibitbit papunta sa mga bakla.
May extra na kwarto at kusina at maliit na sala na may 65 inches Tv. Iginaya sya ni Ace sa kwarto. Agad syang nagpumiglas, parang kikidnapin lang na isinisipa sipa pa nya ang mga paa.
Pigil sa hagikhik ang tatlong tauhan.
Hindi ka makakaiskor mamaya pag pinasok mo ako dyan ngayon! ” bulong nya sa teynga ni Ace kaya binitawan na sya.. Inayos nya ang sarili at nagpatiuna sa sala, umupo sa sofa.
Nakasunod lang si Ace.
” Gusto lang naman kitang makatabi at mayakap. Yon lang naman.” tsaka ito umupo sa nakabusangot nang asawa. Kabusy busy, maglalampungan?
“Kung alam ko lang magkakaganito ka, di na kita pinayagan.”
Binigyan sya ng masamang tingin ni Nice.
“oh? Sorry na.. “hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. Pero umiwas lang at nahiga. Humiga din sya sa tabi kahit maliit lang ang space. Tumalikod ito. Wala ng naging kibo.
Tinitingnan nya ito kahit nakatalikod sa kanya.
Maya maya sinilip nya. Nakapikit na pala.
” Tulog na pala? madaling araw siguro ito gumising.. haisst dinaig pa ang bagong panganak. ”
Niyakap na lamang nya ito at nakatulog na rin sya.
Kalahating oras lang nagising sila sa ingay. Dumating na pala ang order na pagkain ni Ace para sa kanilang lahat.
” Wow ang tweet!!, kantyaw ng tropa ni Ace na kakapasok sa loob dala2 ang mga pagkain kasama ng kargador nila.
Napabangon agad si Nice..
“Padaan..”
“San ka pupunta? ”
“Ako muna don, ng makakain yong mga bakla.”
Wow!
“Mabilis lang silang kumain.”
“Kung ngayon ako kakain huwag mo akong harutin sa hapag.”
“O sige.. Mamaya na tayo.. Tara” tsaka sya ngumiti habang inaalalayan ito. Nakaakbay na sya dito.
Ninakawan pa nya ng halik bago tuluyang lumabas.
Sweet na sweet sila habang nagtutulungan kasama ng isang tropa.
Buti at kumalma na si Nice. Dahil panay sambit ng sorry si Ace kahit san ibaling yong mukha ng asawa hinaharap nya, sabay sorry. . Ang kulit lang.. Di talaga sya titigil hanggat di sila nagiging ok ng sweetie nya.
Inaasar pa sya ni Ace, dinedelay ang paglalagay ng toppings para matagal syang makaharap dito. At nang matitigan sya nito.
Tapos sabay “I love you”
“Haisst..mamayang hapon pa tayo matatapos nito. ”
“I love you ”
” I love you too..” tsaka palang ito titigil at kikindat.
Hinaharot nga talaga sya ni Ace sa hapag, at nong sumilip ang tropa.. Para kantyawan sila.
Tinapunan lang ito ng cushion ni Ace.
Papuntahin mo na yang prinsesa mong Tigre kung kumilos dito. Nilalanggam na kayo dyan. Kami dito inaamag na ang kili kili sa pawis sa haba ng pila.. ”
Sabi ko sayo.
Pero imbes na papuntahin don ang asawa ng matapos. Sa likod nya ito dinaan. At pinasan uli na parang sako. Diretso sa kotse nya.
Walang nagawa ang pagbabayo nito sa likod nya. May ilan na ring nakatingin, wala syang paki, kung pambridal na pagbuhat.. Baka mabitawan nya pa pag nasuntok nito.
“Ace huh!”
“sundin mo ko..!”bulyaw niya dito. Dahil kanina pa sya sinisigawan
Di na ito umimik. At nakabusangot na tumingin sa labas. Dumiretso sila sa clinic ng ob nya. Nagtaka man di na sya kumontra.
” well wala naman akong nakitang posibleng problema sa maaaring pag buntis ni Mrs. ano. Pero kung siguro may nabgyari sa inyo mula nong nakunan sya, usually mabilis magbuntis pag ganon.
Pero just try and try you know..” sabay ngiti nito kay Ace at sa asawa na kaakbay nito.
” Wala kayong problemang dalawa. Huwag lang masyadong magpa stress Mrs. Tamang exercise lang ok?”
Habang pabalik..
“Narinig mo yon huh huwag mag pa stress.ok?”
Hmp! “tanging ganti ni Nice.
” Kaya imbes yon ang trabahuin mo, ako na lang ok?”
“Another hmp! Kung ibibigay satin, dadating yon.”
“Alam ko naman yon, basta gusto ko sana triplets para minsanan lang.”
Panay na chat si Nice at paring ng #.
“Hello? , papunta ka na ngayon? Ok.. Hintayin kita”
Pagkarating nila. Naroon na ang isang maskulado na nag aabang sa ranger na motorsiklo nito. Parang racer din ang itsura nito.
Pagkalapit nila, diretsp nagbiso biso ang dalawa. Nakalimot si Nice..
Lagot! Pag awat sa isat isa diretso supalpal sa lupa ang pagmumukha nito, nabigyan agad ni Ace at mabilis na pinahalik sa lupa ang mukha!
Umawat lang si Ace nang nagtitili ns ito pati si Nice.
Anak ng teteng! Kamaskuladong tao. Bakla pala!
“Huhuhu gurl.. Dito na yata ako matsutsugi sa fafa mo? Huhu”
“Sorry! ” 🙆‍♂️pakamot kamot ni Ace






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top