The Heartless Mafia Chapter 11


ADAM DAVID:The Heartless Mafia 🌹
Chapter 11:
GAYA nung nakaraan ay naghihintay pa rin ako kay Adam, nagluluto ako ng tinolang manok at kanin, tapos na akong naligo at hinintay ko na lang si Adam, handa na ang lahat ngunit wala pa rin siya, gabi na at baka anong nangyari sa kanya, ito ang unang beses na natagalan siyang umuwi. Gusto ko siyang e text ngunit wala naman akong cellphone. Gutom na gutom na ako ngunit binaliwala ko lang dahil gusto kung sabay kaming kakain.
Maaga pa naman, alas siete pa lang ng gabi, siguro masyadong maaga lang akong nagluto. Noong unang luto ko ng sinigang hindi siya kumain at ngayon naman wala pa rin siya. Dumating ang alas otso ngunit wala pa ring Adam na dumating, kumain na lang ako ng konti hanggang sa naging alas nuwebe na.
Wala naman talaga akong karapatan na magalit at magtampo sa kanya kasi hindi ko naman siya asawa ngunit hindi ko maiwasan. Inisip ko pa lang na kaya siya natagalan ay dahil naghanap siya ng babaeng magpapaligaya sa kanya ngayong gabi ay nasasaktan na ako, pakiramdam ko ay parang tinusok ng patalim ang puso ko.
Dahil sa sama ng loob ay niligpit ko na lang ang lahat at pumunta sa kwarto para matulog, ito ang kinatatakutan ko, ang mahulog sa kanya ng hindi ko inaasahan. Nakakainis naman kasi si Adam sa simpleng kilos niya ay nagugustuhan ko na, gaya pa rin siya dati at wala pa ring nagbago ngunit sa loob ng ilang buwan na pananatili ko sa kanya ay may nakita ako.
Hindi na niya ako kinakama na gaya ng dati, hindi naman sa nagrereklamo ako pero parang may nagbago sa kanya, hanggang halik lang siya sa akin at kapag lumagpas na ay iiwas na agad siya. Dapat nga maging masaya ako pero nanlamig ako dahil isa lang ang nasa isip ko may iba siyang babae.
Siguro kaya siya natagalan dahil may kinakama siyang iba. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako, ang sabi ko aayusin ko ang puso niya dahil alam kong sirang-sira siya ngunit bakit ako ngayon ang nasisira at nasasaktan?
Dahil sa mga naiisip ko ay naka-idlip pala ako, nagising lang ako ng may naramdaman akong yumakap sa akin at parang may mainit akong naramdaman sa aking leeg, I opened my eyes and to my surprise it was Adam hugging me tightly while his lips touching my neck.
Kulong na kulong ako sa kanyang braso at para bang takot na takot siyang makawala ako. Para siyang isang bata na subrang inosente, hindi ako kumilos at pumikit na lang ulit.
Anong oras siya dumating? Tapos na siya sa babae niya kaya ako niyayakap ngayon? Embes, na maging masaya dahil sa nakauwi na siya ay hindi ko magawa. Gusto ko mang damhin ang init ng katawan niya at ang sarap ng yakap niya ay hindi ko ginawa dahil sa naisip na baka mayroon siyang Ibang babae.
“I’m tired my heron, let’s sleep more.” Tired? Tired of what? Pagod na pagod sa kandungan ng iba? Hindi ko siya pinansin at bumangon na sa kama kahit alas kwatro pa lang ng umaga. Hindi gaya kahapon na good mood ako ngayon naman ay para akong binagsakan ng lupa.
Pati pagkilos ay wala akong gana, kahit ang magsalita ay nakakatamad basta isa lang ang alam ko ayaw ko sa nararamdamam ko, para akong asawa na nagseselos kahit na wala namang kami.
“Luna, baka nakalimutan mo na binili ka lang niya, parausan at kapag ayaw niya sa iyo ay sa iba na naman siya maghahanap.” Kausap ko sa aking sarili na siya’ng sinang-ayunan ko. Naglinis ako ng katawan sabay hilamos bago pumunta sa kusina para kumuha ng coffee. Pampakalma sa malamig kong naramdaman at baka sakaling tumino ang takbo ng utak ko.
NAGISING ako ng wala na si Luna sa aking tabi, kung hindi ba naman gago ang mga bobo kong kaibigan hindi sana ako natagalan ng uwi. Paano kasi parang ang laki na ng problema nila gayong babae lang naman nila iyon.
Such a p**y! Under de saya ang mga loko, takot na takot sa babae nila, naturinga’ng boss ng mafia tapos mga mahihina naman sa babae nila.
“Fvk! Damn it!” Si Gio na kunot na kunot ang kanyang noo habang nakatitig sa cellphone, uuwi na sana ako ng...


makita ko ang kanyang mukha na problemado.
“Any problem, Gio?” He’s face is very serious while still looking at his phone dangerously para na itong papatay ng tao dahil sa titig niya.
“Fvcking hell!” Napamura talaga siya dahilan upang matigilan kami.
Baka tungkol na naman ito kay Mr, Hiroshi ang nag-iisa naming kalaban na walang ibang ginawa kundi ang guluhin kami.
“Is there a problem, Gio?” Si Matt.
“May nangyari ba kambal?” Si Niko.
“Is it about Mr, Hiroshi again?” Si Rain.
“Speak up, asshole. I need to go home early my wife is probably waiting by now.” Ako habang naisip si Luna, gawain pa naman niya ang hintayin ako at tapos ipagluto, kailangan kung bumawi sa kanya.
“Si S-hantal..” Mukhang seryoso talaga siya dahil nagsisimula ng tumulo ang kanyang luha, may masama bang nagyari sa asawa niya? Shantal de la Rosa is Gio’s first girlfriend and great love kaya naintindahan ko na kapag ang babae ang pinag-usapan ay tutulo talaga ang luha niya. The last time I saw him crying and devastated was the time that Shantal met an accident.
Nung oras na nasagasaan si Shantal and the worst is nagkaroong ng amnesia.
“May nangyari ba kay Shantal?” Si Matt.
“May tauhan ka naman na iniwan doon para magbabantay diba?” Si Rain.
“Damn that old man.” Umiling si Niko at ipinakita sa amin ang text ni Shantal, pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa subrang inis. Napamura naman ang tatlo habang si Gio ay inosente pa rin na nakatingin sa amin.
“Bebeko, huwag kang umuwi dito sa bahay ng wala kang dalang ice cream, Ahmp.” Nag-alala pa kami tapos ito lang ang problema niya.
“Bobo talaga!” Matt.
“Tangina.” Si Rain.
“P*t*.” Si Niko.
“Nanatili ako para sa wala lang. Fvk!” Ang Luna ko baka nagalit na iyon sa akin.
“Hindi niyo kasi ako maintindahan! Wala kasi kayong lovelife.” Si Gio.
Ako walang lovelife? Anong tawag niya sa maganda kong Luna? Ang Luna na naghihintay sa akin.
“Anong walang lovelife? May Josefa na ako oii.” Si Rain. Hanep din itong si Ulan bata talaga ang binakuran.
“Ako din.” Niko.
“Me three.” Si Matt.
“So anong problema mo?” Si Niko.
“Bawal kasi siya sa ice cream, may ubo siya at baka lumala, galit na galit ako dahil ang tigas ng ulo niya, sinabihan ko siya na iba na lang pero ayaw niya daw. Hindi daw ako pwedeng umuwi kapag walang ice cream. Paano na?”
“Kawawa si Gio, Kurimaw. Under de saya ang Gio natin.” Si Rain habang humahalakhak.
“Kahit sino walang makakontrol sa akin. Hindi ako magiging under de saya.” Si Rain na ngayon ay may kinakalabit sa cellphone niya, tumigil ito sa pang-aasar at sinagot ang cellphone.
“Babe napa-” Napatul ang sinabi niya ng may umiyak sa kabila, babae ito.
“Kuya…uwi ka na.” Si Josefa batay sa boses, ang adopted na pinsan ni Rain na kinababaliwan ng binata. Ten years ata age gap nila, buti pa kami ni Luna, seven lang ang gap ko sa kanya.
“Pero baby hind-” Hindi pwedeng umuwi ng pilipinas dahil hindi pa tapos ang usapan namin.
“Kapag hindi ka umuwi bukas, hindi na kita papansinin ever.” Napamura naman si Rain at daling-dali na lumabas.
“San ka na?” Si Gio.
“I need to book a ticket, uuwi na ako ng pilipinas. My baby is mad.” Si Gio naman ang humahalakhak.
“Hindi daw under de saya ang Kurimaw.” Napahilamos na lang ako sa kabaliwan nila.
“San ka din?” Si Matt.
“Uuwi na.” Ako.
“Baka naman ikaw ang susunod na maging under de saya.” Si Niko.
“Nuh!” Hindi yan mangyayari, hindi pa ako baliw para maging sunod-sunuran sa babae, kahit kailan no one can boss me around.
“I’m no under de saya.” Ako.
“Pffft kasi under de Luna ka lang.” I just raised my brow and leave.
Sila ang dahilan kung bakit ako natagalan sa pag-uwi, mga under ang mga Kurimaw. Takot sa babae nila.
*Hello mga Loves! Naintindahan ko po na excited na kayong basahin ang susunod na pangyayari ngunit please huwag po tayong mapilit ah. May ginagawa po kasi ako at busy talaga lalo na’t college na ako. Sinusubukan kong mag-, update everyday and always naman akong may update. Mga Langga, intindihin niyo muna ako sa ngayon. Labbbyyooo poooo! Stay safe and God bless.*






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. Opo, miss A. Hindi naman sa namimilit. Okay lang kung matagalan. Basta may balak ka talagang matapos ang story. Kasi yung ibang authors, hindi na tinutuloy ang story ang ganda pa naman. Gosh, mahal na siguro ni Luna si Adam… sana magkatuluyan talaga sila.

Leave a Reply


top