NANG DAHIL SA MALL CHAPTER 2


NANG DAHIL SA MALL”
+CHAPTER 2+
–nang makauwi ako ay agad-agad ko syang tinext at agad rin naman itong nag reply–
.
.
“ano ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
“wala, kumakain, bakit?” tanong nito sakin.
“wala naman, gusto lang kita kamustahin” saad ko sa kanya
“naku! nami-miss mo agad ako no? hahaha” biro nito sakin.
“hahaha grabi sya” saad ko sa kanya.
wala naman syang ibang sinabi kundi ay HAHA lang.
“ashley?” tawag ko sa kanya.
“bakit?” tanong nito sakin.
“may gagawin kaba bukas?” tanong ko sa kanya.
“wala naman” saad nito sakin.
“pwede ba kitang ayain kumain sa labas?” tanong ko sa kanya.
sa totoo lang ay kinakabahan ako sa magiging sagot nya kasi hindi ko alam kung papayag ba sya o hindi pero sa isip ko na sana pumayag sya.
“hmmm, pwede naman” saad nito sakin.
nang mabasa ko yun ay bigla akong napasigaw, ewan ko ba kung bakit.
“talaga?” tanong ko sa kanya para maka-sigurado ako
“oo, ayaw mo ba?” tanong naman nito sakin.
“gustong-gusto” saad ko sa kanya.
“ahh, kala ko ayaw mo ehh haha” biro nito...


sakin.
.
.
–kinabukasan ay agad naman akong pumunta sa lugar kung saan kami magkikita na baka nandun na sya at pinag-antay ko pa, nang makapunta ako ay sakto namang wala pa sya dun–
.
.
FAST FORWARD!
.
.
–ngayon nandito parin ako sa lugar kung saan kami magkikita at maya-maya ay nakita ko na sya na naglalakad papunta sakin, nang makita nya ko ay agad naman syang ngumit at ganun din ako–
.
.
“kanina ka pa?” tanong nito sakin.
“ahh hindi kakarating ko lang” pag sisinungaling ko sa kanya kasi baka bigla syang mahiya.
“ahh ok” saad nya sakin.
“sow ano? tara na?” pag-aaya ko sa kanya.
“oo ba, tara” saad nito sakin.
“akin na yang bag mo, baka mahirapan ka” saad ko sa kanya sabay kuha ng bag.
“salamat” saad nya sakin na nginitian ko nalang.
habang naglalakad kami tinanong ko naman sya.
“saan mo pala gustong kumain?” tanong ko sa kanya.
“ikaw bahala, kahit saan naman gusto ko” sagot nito sakin na may kasamang ngiti.
“basta libre hahaha” pahabol nitong biro sakin na tinawanan ko nalang






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top