NANG DAHIL SA MALL CHAPTER 3


NANG DAHIL SA MALL”
+CHAPTER 3+
–nang maka-upo kami ay nakita ko naman syang naka-titig sakin–
.
.
“ohh, ba’t ganyan titig mo sakin?” saad ko sa kanya.
“sigurado kaba na bibilhin mo yun? andami kaya, baka maubos pera mo nyan” saad nito sakin.
ngumiti lang ako at napansin ko namang nag tataka sya kung ba’t ako naka-ngiti
“bakit ka naman naka-ngiti dyan?” tanong nito sakin at alam ko namang nagtataka sya.
“eh diba nga sabi mo kanina paborito mo ang streetfood? kaya binili ko” saad ko sa kanya na may kasamang ngiti.
“bakit lahat binili mo? tig-dadalawa pa” tanong nito sakin.
“ano kaba ok lang yun, diba sabi mo wala kang mapili? edi lahat binili ko” saad ko sa kanya.
“hmm di naman kailangan madami, baka di maubos yun, sayang lang” saad nito sakin.
“dalawa naman tayo kakain nun kaya natin yun, nakikita ko namang matakaw ka” biro ko sa kanya.
“ay, pasmado bunganga nito ahh” biro nya sakin na may kasamang tawa.
“hahaha” tawa naming dalawa.
.
.
–5minutes ay tinawag na kami ng tindera dahil tapos ng lutuin ang binili...


namin–
.
.
“salamat po” saad ko sa tindera.
“oh pa’no? tara hanap tayo ng pag pwe-pwestuhan” saad ko kay ashley.
“tara” saad nito sakin.
.
.
FAST FORWARD!
.
.
“dun nalang tayo” saad nya sakin sabay turo dun sa pwesto na walang naka-upo.
“tara” pag-aaya ko sa kanya.
nang maka-upo na kami ay nilapag ko na ang mga binili namin.
“gutom ka naba?” tanong ko sa kanya.
“medyo” sagot nito sakin.
“oh kain kana” saad ko sa kanya sabay abot ng pagkain.
.
.
–habang kumakain sya, ako naman pinag-mamasdan ko lang sya, sobrang cute nya talaga at ang ganda pa, di ko lubos maisip na yung babaeng nakilala at naka-biruan ko lang sa mall ay kasama ko na ngayon, biglang tumigil ako sa pag-iisip ng bigla syang mag salita–
.
.
“wala kabang planong kumain?” tanong nito sakin.
“kulang pa ata sayo yan” biro ko sa kanya na tinarayan lang ako
“bahala ka di na mauulit to pag di ka kumain” pananakot nito sakin.
“ay gutom na pala ko” saad ko sa kanya at napansin ko namang ngumiti sya,






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top