THE LETTER


THE LETTER
~dedicated sa mga matiyagang naghihintay ng new story ko hshsh. I’m so blessed to have you xoxo~
“A letter to my best friend Summer.”
Hello Beks!! ‘Di ko makakalimutan, summer noong nakilala kita. Coincidence nga kasi Summer din pala name mo. Alam mo Beks? Syempre di mo alam hehe. I’m so happy and grateful na nakilala kita. Sobrang bait mo. Ang humble mo pa tsaka napakamaintindihin.
Never mong pinaramdam sa ‘kin na wala akong kwenta. Palagi kang ‘on the go’ sa mga kwento ko. You never ignored my feelings. With you, I feel my value.
Ang talino mo din beks kasi never kang nawala sa Dean’s List. ‘Di mo alam pero super proud ako sa ‘yo. You deserved everything you have.
Lumipas ang mga oras, araw, buwan hanggang sa naging taon. Ilang taon na rin pala ang nakalilipas mula noong naging best friend kita. Palagi tayong magkasama, nagkuwe-kuwentuhan at sabay rin tayong nagbo-boy hunting.
Hanggang sa isang araw, naikuwento mo sa ‘king may nais manligaw sa ‘yo. The guy was an engineering student. Gwapo siya. Matangkad. Maputi. Talented. Magaling mag-basketball. Maraming fans club. In short, ideal guy ng karamihan sa mga babae.
“Beks, payagan ko ba siyang manligaw o hindi? Mukha kasi siyang babaero. Baka lokohin lang ako.”
‘Di ko makakalimutan, ‘yan ang exact sentence na sinabi mo sa ‘kin noong time na ‘yon.
Ang sagot ko?
“Beks! Haler? Nasa kaniya na ang lahat, aayawan mo pa ba? Sige ka kung ayaw mo sa kaniya, akin na lang siya.”
That was the exact sentence I replied to you.
I convinced you to let him court you. Ayaw mo talaga sa guy na ‘yon noong una pero sa kaka-convince ko sa ‘yo, sa huli ay pumayag ka na ring ligawan ka niya.
Sampung buwan ka rin niyang niligawan bago mo siya sinagot. At noong naging kayo na, bihira na lamang tayong magsama. Syempre, iba na talaga dahil may boyfriend ka na. May kahati na ako sa time mo.
But I respect your relationship kaya hinayaan ko lang na minsan na lamang sa isang buwan tayo nagkakasama.
Isang gabi, namamasyal ako noon sa mall nang makita ko kayo. Nakita mo rin ako kaya agad kang lumapit sa ‘kin. Nakasunod naman sa ‘yo ang boyfriend mo.
“Beks! Nandito ka rin pala, ba’t ‘di mo sinabi sa ‘kin? Edi sana sabay na lang tayo namasyal,”agad mong sabi sa ‘kin.
“Ano ka ba beks, nakakahiya naman sa inyo ng boyfriend mo. Wala akong balak maging third wheel niyo ‘no!”
“HAHAH third wheel ka dyan! Oo nga pala beks, ito pala si Ice, boyfriend ko. Ice, ito pala si Virginia, best friend ko.”
“Hi Ice,”pa-cute ko namang sabi sa boyfriend mo.
“Hello.”
Ilang beses mo na siyang kinuwento sa ‘kin at ilang beses ko na rin siyang nakita sa malayo pero never ko pa siya nakita talaga nang harap-harapan.
Alam ko na noon na gwapo talaga siya pero ‘di ko ini-expect na mas gwapo pala siya sa malapitan. Ang ganda ng ngiti niya. Mabait rin siya at approachable.
Ang swerte mo sa kaniya beks.
Sayang.
Naunahan ako.
Mula noon, naging close ko na rin si Ice. Basketball player si Ice at walang game niya na hindi ako nanonood. Magkasama tayo palaging manood at suportahan siya sa laro niya.
Hindi maiwasan minsan na ‘pag nakaka-shoot siya, tumitingin siya sa ‘yo at kumikindat. At kapag nananalo sila, niyayakap ka niya at pinapakita sa lahat kung gaano ka niya kamahal.
Ewan ko ba beks. Pero sa tuwing ginagawa niya ‘yon sa ‘yo, nasasaktan ako. Ang sakit. Ang sakit-sakit.
Oo beks. Inaamin kong nagseselos ako sa inyo. Minsan nga alam kong napapansin mo nang palagi akong dumidikit sa boyfriend mo. Minsan nagkakasama kami nang wala ka.
Busy ka kasi palagi sa acads kaya ‘pag wala ka, ako ang sumasama sa boyfriend mo. Ayaw mo rin sa mga maingay at mataong lugar kaya ‘pag nasa bar si Ice, hindi ka sumasama sa kaniya. Kaya bilang substitute, ako ang sumasama sa boyfriend mo.
Hanggang sa napapadalas na ang pagsasama namin ni Ice kaya isang araw, kinonfront mo ako.
“Beks, wala namang problema sa ‘kin kung close na kayo ni Ice. Best friend tayo kaya malaki ang tiwala ko sa ‘yo at gusto ko ring maging kaibigan mo siya kasi nga kaibigan kita. Ang akin lang, huwag ka namang lumagpas sa linya. Tandaan mong boyfriend ko siya at akin lang siya.”
Grabe ‘di ko inexpect na sasabihin mo sa ‘kin ‘yon beks.
At dahil sa sinabi mo, ‘di ko na naman alam kung bakit sobrang nasaktan ako. Grabe ang sakit. Pinamukha mo sa...


‘king mahal ka niya at mahal mo rin siya. At wala akong karapatang harangan kayong dalawa.
I’m just like an insect na nakakadistorbo sa inyo. Para akong langaw na pilit niyong tinataboy pero bumabalik pa rin.
Ako ang pumilit sa ‘yong hayaan siyang ligawan ka. Ako naman ang may pasimuno ng lahat. Sarili ko lang ang dapat kong sisihin. Wala ng iba.
I convinced you to let him court you. And you know what beks? That was the biggest mistake of my whole existence.
It was my biggest mistake to let the other man court the woman I truly love.
Yes, beks. I’m so sorry pero ikaw talaga ang gusto ko, ang mahal ko at ang tinitibok nitong baliw kong puso.
I’m crazy inlove with you. Totoo nga pala talagang nakakabaliw ang pag-ibig.
Sino ba naman kasi ang nasa matinong pag-iisip ang magpapanggap na bakla para lang makasama ang babaeng mahal niya? Walang iba kundi ako lang.
Oo beks. Hindi ako totoong bakla. Nagpapanggap lamang akong bakla para makasama ka, makausap ka at maging kaibigan ka.
Dahil sa pagiging bakla, nabigyan ako ng chance na maging kaibigan ka. Na makasama ka palagi. Na makita sa malapitan ang napakatamis mong ngiti. Na marinig ang mga kuwento mo sa buhay. Na mahawakan ka at mayakap.
At higit sa lahat, sa pagiging bakla, minahal mo ako. Minahal mo ako kahit bilang kaibigan lang.
Akala ko hindi ako masasaktan noong naging kayo ni Ice. Pero sobrang sakit pala. Kasing sakit ng malaking sugat na binuhusan ng napakaraming alcohol. Sobrang sakit. Ang hapdi sa puso.
Ayaw kong lokohin ka niya kaya kapag wala ka, ako ang palaging sumasama sa kaniya. Mahirap na, baka ‘pag wala ka ay doon siya magloko at humanap ng iba.
Pero hanga rin ako kay Ice, never ko siya nakitang naging sweet sa ibang babae. Sa ‘yo lang talaga. Kahit maraming babae ang nagpapapansin sa kaniya, deadma lang silang lahat sa kaniya.
Kaya beks, alam kong nasa tamang tao ka na. You deserved each other.
Kaya sa ‘yo Ice, alagaan mo ‘yang beksfriend ko ah. Humanda ka talaga sa ‘kin ‘pag ‘yan niloko mo. Humanap ka na agad ng pagtataguan mo dahil patay ka talaga sa ‘kin.
At sa ‘yo beks…
*Insert smiling emoticon with teary eyes*
Ingat ka palagi. Hangad ko ang kaligayahan ninyo ni Ice. Masaya ako na ikakasal na kayo after our graduation.
At gusto ko ulit mag-sorry sa ‘yo… sorry kasi ‘di ako nagkaroon ng lakas ng loob na aminin sa ‘yo ang pag-ibig ko. Mahal na mahal kita Summer.
Sorry din dahil hindi na ako makakadalo sa kasal niyo. Pupunta na kasi akong abroad pagkatapos na pagkatapos ng graduation natin.
Kailangan kasi e. Sa abroad kasi ako magpapagamot sa sakit ko.
Oo beks…I’m so sorry kung sa letter ko lamang na ito sasabihin sa ‘yo na may sakit ako.
I have a brain tumor at malala na ito.
I’m dying beks…
At masaya ako dahil bago ako mamatay, alam ko nang nasa tamang tao ka na.
Until we meet again beks…hindi man sa buhay kong ito, sana sa next life ko ako naman ang magiging prince charming mo.
At kung totoo nga ang reincarnation, sana sa next life ko masabi ko na sa ‘yo ang nararamdaman ko. Sana tayo naman. Sana pagbigyan na tayo ng tadhana na makapiling ang isa’t-isa.
Hindi bilang magkaibigan…kundi bilang magka-ibigan.
I love you my best friend. Good bye.
Love,
Your beksfriend Virginia or Vincent sa totoong buhay.

After reading my best friend’s letter, I couldn’t stop myself from crying.
Today is his first death anniversary. Isang taon na rin mula noong bawiin ng Maykapal ang buhay niya.
More than twenty times ko nang nabasa ang letter niyang ito pero sa tuwing natatapos ko na itong basahin, umiiyak pa rin ako.
His letter is so pure. It’s full of emotions and validity.
Ngayon, may anak na kami ni Ice. And we named him Vincent. We named him after my best friend para magsilbing alaala na minsan sa buhay namin, mayroong Vincent na sobra kung magmahal.
A kind of love that is not selfish. A pure love that will do everything for the woman he truly loves.
I love you too my best friend.
Heaven is so lucky to have you.
And this letter you gave me? I will keep it until I die.
This letter is a proof that there was a man named Vincent who chose to pretend to be gay just to be with the woman he loved so much.
The End.

originally written by: Binibini Ana Ruth






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. CBD BlΓΌten kaufen

    I like what you guys are usually up too. This kind of clever work and reporting! Keep up the awesome works guys I’ve you guys to my personal blogroll.

    https://uweed.ch/cbd-shop/legales-cannabis/cbd-blueten/

  2. zoritoler imol

    Hiya! I know this is kinda off topic nevertheless I’d figured I’d ask. Would you be interested in exchanging links or maybe guest writing a blog post or vice-versa? My website covers a lot of the same topics as yours and I feel we could greatly benefit from each other. If you might be interested feel free to send me an e-mail. I look forward to hearing from you! Wonderful blog by the way!

    https://www.zoritolerimol.com

Leave a Reply


top