ALEXANDREIA HAYASEIN
Nagpakawala ako ng buntong hininga bago muling mag patuloy sa paglakad.
Magara at napaka higpit parin nang seguridad sa eksklusibong village na ito.
Kung sana si mang Berto parin ang guard ay hindi ko na kailangang mag hintay nang ganito katagal.
“san po kayo papunta mam? “tanong ng gwardya na nagbabantay nang makarating ako sa Entrance ng Villa.
“bisita po ako ni Calvin.” sagot ko
“nako mam, wala pong Calvin dito. ” saad nang isa pang gwardya.
“Calvin Klein? .. “paglilinaw ko pero kaagad ding naputol ang pag uusap namin nang may bumusinang kotse palabas ng malaking gate mula sa loob ng Villa.
*Beep beep!
Kaagad itong pinagbuksan ng gwardya.
“Aya! ” masiglang tawag sa pangalan ko ng lalaking mula sa kotse.
Napataas ang kilay ko dahil hindi ko sya makilala, mukhang nahalata nya iyon kaya’t ibinaba nya ang sunglass na suot nya.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit kung saan naron ang kotse nya ay halos mapunit na ang labi nito sa labis na pag kakangiti habang naka dungaw sa bintana animo’y naka kita nang kung ano sa harapan nya.
‘nag paris lang naging bigatin na ah, Bugatti ang kotse nya at iyong pinaka latest pa!’
“Nako Sir Ck, ano nyo po ba sya? ” kamot ulong tanong ng Guard.
“She’s my special someone. ” tatawa-tawang saad ni Calvin.
mabilis akong pumasok sa kotse nya.”did you miss me?”nakangiti sya habang hinahaplos ang buhok ko.dahilan nang bahagyang pag iwas ko “you change a lot baby”aniya pa.
‘Ilang buwan lang kaming hindi nagkita ay napakadami na nyang pauso.’
“itigil mo nga ang lenggwahe mo…anong nangyare?bakit parang anglaki naman yata ng eyebags mo?”nakangiti kuno ngunit pang iinis ang pakay ko.
Nakangisi sya nang kabigin ang kotse paatras, bago mag salita kasabay ng pag taas ng gilid nang labi “eyebags can’t cover how handsome i am.”kumpyansado.”right baby?”sabay Wink! Kasunod nang matinis na pag halakhak nya.
‘kaya siguro sya naka sunglass ‘
“Mukhang pati ang malakas na hangin sa Tower ng Paris ay nadala mo. ” pambabara ko na ikinahagakgak nya ng husto. ” and please Stop calling me Baby, im not your baby anymore.” saad ko tsaka ko sya siniringan.
“hahahahahhaa” muling humagalpak ang tawa nya. “i’ll call you baby it weather you like it or not, Hindi mo talaga ko namimiss no? ” nakanguso waring saad nya.
Hindi ko na lamang sya inimikan hanggang sa makarating kami sa Pad nya.
Tulad parin ito ng dati, Kulay Grey at makakapal na bakal ang Gate na naroon, kusa iyong bumukas nang may pindutin si Calvin sa button ng kotse sa harapan nya.
Pagkapark ay bumaba ako, napangiti ako nang wala paring pag babago sa harapan ng bahay nya, green parin ang mga bermuda grass na pumalibot sa kabuuan nito naroon pa din ang dati naming tambayan na mesang may dalawang mahabang upuan at may malaking payong sa gitna.
nauna kong pumasok dahil alam ko naman na
H. A. Y. A. S. E. I. N parin ang passcode nya, hinubad ko ang sandals ko at nagsuot ng tsinelas pambahay.
“kung ayaw mong umuwi…kahit puntahan mo na lang ako dito palagi ” nakangiting aniya ngunit mababakas ang lungkot.siguro’y napansin nya ang pananahimik ko kaya ginulo nya ang ulunan nang buhok ko.
“nag iinom ka na?”ako naman ang nag salita sa pag kakataong iyon nang makita ang nag kalat na bote ng alak sa mamahaling carpet nang sala nya.
“my old friend returned from italy….so he came here to drink.”
‘naalala ko tuloy yung siraulong nag ligtas sa’kin
“come, have a sit.”minuwestra nya ang mahabang sofa kaya naupo ako.nag pa-papasok na pala sya ngayon ng kung sino-sino dito.babae nya siguro!
Matapos ang mahabang kwentuhan ay nag lakad sya papasok sa kwarto.”I brought somethimg for you? ” excited na aniya bitbit ang mga PAPER BAG’S sa pagkabilang kamay nya. Oo with ‘S
“ano to?”kunot noong tanong ko nang ilapag nya iyon sa harapan ko.
“i told you before,….dadalhan kita nang kahit kaunting pasalubong.”
Ano daw?kaunti…Nakataas ang kilay ko nang lingunin ko sya.”kaunti pa ba’to?! e..halos matabunan na’ko o!”angal ko.
hindi talaga na kakatuwa!
“wag ka nga!..alam mo ba na araw araw akong sumasadya sa iba’t ibang mall para ibili ka nyan.”
“wala akong pake! hindi ko tinatanong.”
“ano?..hindi mo ba talaga ko na miss?” demand na naman na aniya.
Sa loob nang apat na bwang pamamalagi nya sa ibang bansa ay napaka rami nyang bitbit na kwento, nariyang ayain sya nang mga kaibigan nya para mag bar pero ayaw daw nya dahil naaalala nya ko palagi. ” Minsan ay niyaya nila kong mag Barr, ang isa kong kaibigan ay mag table kaagad ng dalawang babae.” nakangiwing aniya.
bakit Si Raizen ang pumapasok sa isip ko?
“kaya naasiwa ako at umuwi kaagad pakirdam ko kasi ay nakikita kita baby~” kunwari ay maiiyak na sya tsaka nya ko niyakap. ” naiisip kita palagi, baka galit ka padin sakin ganun….” pinakawalan nya ko. ” i miss you a lot baby. ”
gusto ko din i-kwento kung gaano ko sya na miss pero kailangan kong itago iyon dahil hindi naman kami magkapatid. ‘Hindi ko sya Kuya..’
‘nakakalungkot lang dahil wala syang alam sa tunay na sitwasyon, Nakakapanghinayang ang katotohanan na wala kaming koneksyon sa isa’t-isa. ‘
*Kriiing!
Napalingon ako sa phone ni Calvin na nakapatong sa mesa
‘ESTEVAN calling’
“haisst bat ngayon ka pa nang iistorbo! “angal pa ni Calvin bago nya damputin ang phone.
“Hello? “sagot nya sa linya. “nako may bisita ako eh, nasa mall ka?anong ginagawa mo dyan?… Oh sige pupunta ko…. sige..sige. ” nilingon ako ni Calvin. “Baby? ” nakangusong tawag nya sa’kin. “Mag palit ka ng damit, punta tayo saglit ng mall pwede? ”
Sinamaan ko sya ng tingin pero kalauna’y bagsak parin ang balikat kong tumayo at nag tungo sa malawak na Comfort para magpalit ng damit.
‘wala na talaga, hindi ko na sya makakasama ng matagal ‘
“Hang on bro! ” sigaw pa ni Calvin sa cellphone hawak ang habang manibela ng kotse papunta sa mall na pinag...