NIGHTMARE TALES (SEASON 2)


NIGHTMARE TALES (SEASON 2)
“Tiyan”
🖊️R.V Nightmare
Magandang gabi sa inyong lahat ako si Ella at narito ako para ilahad ang aking kuwento.
Nagkayayaan kaming tatlo ng mga matalik ko na kaibigan na mag-hiking sa bundok ng Pulag.
Madaling araw pa lang ay bumiyahe na kami upang makarating ng maaga at ma-enjoy ang malamig na simoy ng hangin.
Subalit sa gitna ng aming paglalakbay ay bigla na lamang sumakit ang aking tiyan pakirandam na parang tinutusok.
Habang tumatagal ay mas lalong tumitindi ito. Mula sa tusok-tusok na sakit ay humantong sa bigat.
Animo’y may kung anong naka-dagan sa tiyan at parang may gustong kumawala sa loob.
At nang malapit na kami sa rurok ng bundok ay hindi ko na kinaya. Tumitigas na ang tiyan ko at tagaktak na ang pawis.
Napapa-luha na ako sa sobrang sakit at halos hindi na makatayo dahil sa pamimilipit.
“Patingin ng mga daliri mo,”
sabi ng isa sa mga kaibigan ko.
Agad niyang pinagmasdan ang dalawang hinliliit ko at pinagkumpara ang haba nito.
“Na-engkanto ka Ella!”
sambit nito.
Bigla na lamang umakyat ang takot sa katawan ko na nagmula sa paa hanggang ulo.
“May kilala akong albularyo...


dito tiyak kong matutulungan niya tayo!”
singit ng kaibigan ko.
Ang sakit ng tiyan ko ay nadagdagan ng takot. Pangamba na baka may na-bugaw kaming lamang lupa.
Akay-akay ako ng kaibigan ko at nagmamadali kaming makarating sa nasabing albularyo.
Sa lib-lib na parte ng bundok ang tirahan ng albularyo. Saktong nasa harap ito ng pintuan niya kaya agad kaming nakapasok.
“Oh anong nangyari?”
bungad ng Albularyo.
“Mukhang namatanda po ang kaibigan namin!”
sagot nila.
Gaya ng ginawa niya ay tiningnan din ng Albularyo ang mga hinliliit ko at makita ito ay agad niya akong pinaupo sa bangko na gawa sa kawayan.
Kinuha niya ang bote na may langis at ipinahid ang laman nito sa aking tiyan at saka minasahe.
Nang idampi nito ang palad niyang may langis sa aking tiyan ay may narandaman siya rito. Kaya agad siyang huminto at kinuha ang isang banig na gamot.
“Inumin mo ito iha,”
saad ng Albularyo.
“Ano po ‘yan?”
tanong ng kaibigan ko.
“Buscopan! Tiyan ka magaling!”
tugon nito.
Matapos niya akong painumin ay nakarandam na ako ng ginhawa na may kasamang masamang hangin.
“If symptoms consist consult your doctor,”
dagdag pa ng Albularyo.
-Wakas-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top