VANESSA CHAPTER 9


_____________
“Jego tuloy ka ” pag yaya ni Vanessa sa binata ng maka uwi na sila sa bahay na tinitirahan nila.
“Nay nandito napo kami ” ani ni Jessa ng maka pasok narin.
“Moma/mama ” magkasabay na sabi ng Kambal at masayang sinalubong si Vanessa
“Mga baby ko, kumusta naman po. Hindi niyoba pinahirapan ang nanalOla at paLolo niyo? Naka luhod na ani ni Vanessa sa mga anak at isa isang hinalikan sa pisngi na ikinahagikgik ng kambal.
“Moma sino po siya? Siya napo ba ang papa namin? ” ani ni Stepani ng pamansin nito si Jego sa kaniyang Likod.
” mama? ” sambit naman ni Stepen na may pag tatanong ang mga mata nito.
” ah eh Hindi mga anak. Siya ang Tito Jego niyo. Pinsan siya ng Papa niyo. ” sagot niya sa mga anak.
Lumuhod naman si Jego at pinantayan ang Dalawang Bata na naka tingin lamang.
“Hello ang cuCute niyo naman. ako ang Tito Jego niyo. May dala akong ice-cream sabi ng mama niyo paburito niyo raw to. ” naka ngiting sabi ni Jego sa kambal na ikina tuwa naman ng dalawa ng makita ang dala nitong ice-cream
“Wow talaga po. ? Saamin po lahat ito? ” masayang tanong ni Stepani habang tinitignan ang laman ng malaking Paperbag na may lamang madaming Chocolates at ice-cream na may ibat ibang Flavors
“Opo sainyo po lahat yan ” sagot naman ni Jego at tuwang tuwang naka tingin lang sa nakangiting dalawang bata.
” mga anak ano yung turo ni mama kapag may nag bigay po sa inyo ?” Tanong ni Vanessa sa kambal. Habang naka ngiti.
“Wala ba kayung sasabihin sa tito Jego niyo? ” sabi niya ulit, nag tinginan muna ang dalawang bata at sabay na tumango bago hinarap si Jego.
“thank-you po, Tito ” sabay na sabi ng dalawang bata at niyakap ang naka luhod na binata. Sabay rin itong humalik sa magka bilang pisngi ng binata bago bumalik sa Tabi ni Vanessa
“Napaka sweet niyo naman. Pag araw araw kayung mabait araw araw rin akong mag papadala rito ng maraming Chocolates “. Naka ngiting sabi ng binata sa Dalawang bata.
“Oh siya mag bibihis muna ako. Mga anak dun muna kayo sa paLolo niyo. Jego dito kalang, Jessa asikasuhin mo muna si Jego ” ani ni vanessa at tumayo na
Lumapit naman si Jessa na may Dala Dalang Juice at pritong saging at pritong kamote
“Mag miryenda ka muna kapre ” ani ni Jessa ng mailapag niya na ang inihanda para sa binata.
Kapre ang tawag ni Jessa kay Jego dahil narin sa napaka tangkad ng binata at hanggang Tiyan lang siya nito. 5’4 lang si Jessa habang 7 ft at 3inches naman si Jego.
“Thankyou T-Bird ” sagot naman ni Jego. Na ikina pikon naman ng mukha ni Jessa.
“He wag moko ma t-Bird dyan hindi ako ibon. !” Pikon nitong sabi na ikinatawa naman nj Jego
“Ayaw mong tawagin kitang tomboy kaya T-Bird nalang ” naka ngising sabi ng binata.
“OHh may Bisita pala tayo. , Jessa bakit hindi mo manlang nasabing may Boyfriend kana pala. Aba napaka Gwapong binata , taga saan kaba iho? Ngayon lang ata kita nakita dito sa lugar namin .” ani ni nanay pising na nagpa pula sa mukha ng Dalaga.
“Good Afternoon po, taga maynila po ako, ako ngapo pala si Jego Sandoval , pinsan kopo ang Asawa ni Vanessa ” nakangiting sabi ng binata sa Ginang.
“Aba’y bisita ka pala ni Vanessa iho . Akala ko’y boyfriend ka ng anak ko ” ani ng matanda na ikina ngiti naman ng binata.
“Ah eh hehe kung ganon po, pwede kopo bang ligawan ang anak niyopong si Jessa nay? ” magalang na sabi ng binata.
” aba’y walang problema saakin iho. pero sa anak ko siya ang tanungin mo kung mag papaligaw naba yan. Hindi konga alam kung babae batong si Jessa ko. ” kumakamot sa ulong sabi ng matanda na ikina pikon naman ni Jessa
“Nay babae po ako. ” sabat niya
“Oh siya mag luluto muna ako. Ikaw na bahala sa bisita mo este bisita ng ate vanessa mo ” ani ng matanda at iniwan na ang dalawa
Tahimik lang ang dalawa ng maka labas ng silid si Vanessa. At Nag palit narin ito ng pambahay
Lumapit si Vanessa sa dalawa at tinignan naman niya si Jessa na nag papahiwatig na gusto niyang maka usap ang binata kaya naman naka intinding tumango si Jessa at tumayo na.


/> “Vani makikinig ako , bakit ka nawala ng mahigit tatlong taon . At bakit ka hindi bumalik ? ” basag ni Jego sa katahimikan. Huminga muna ng malalim si Vanessa at nag umpisang mag kwento.
“Nung araw ng kasal ko, naka sakay na ako nuon ng Helicopter na mag dadala saakin sa isla, ng nasa itaas na kami , nakita ko sa pinanggalin Kong Rooftop hotel yung lalakeng palaging nag tatangka sa buhay ko. Yung kumidnap saamin ni Sebastian nung Highschool Pa kami at yung lalaking paulit ulit na nag tatangkang pumatay saakin at nag tangkang gahasahin ako ay yun din ang lalaking may kagagawan ng pagsabog ng sinasakiyan Kong Helicopter , nagising nalang ako na nasa Hospital na pala ako ,sabi nila nakomatos ako ng 7months at mabuti nalang hindi naapektuhan ang pinag bubuntis ko , dahil sa ng yareng yun. Mahigit tatlong taon akong nagka Amnisia at nung isang araw lang bumalik ang lahat ng ala-ala ko at mamayang gabi naisipan Kong tawagan si Daddy ” pag kukwento niya sa binata
“Sino naman ang lalaking yun? “Tanong ni Jego
“Si Martin, siya ang lalaking palaging nag tatangka sa buhay ko. At siya ang ama ni Rita , kaya malakas ang kutob Kong may kinalaman sina Margarita at Rita sa lahat ng nang yayare saakin. At bago naganap ang ng yare saakin ay napag alaman korin na nilason ni Margarita si Mommy para makuha niya si Daddy at ngayon ay gusto nila akong mawala. Para masolo nila lahat. Ang lahat kayamanan namin ni Daddy. Ako ang nag iisang taga pag mana kaya alam Kong gusto ng mag ina nayun na mawala ako para sa kanila malipat ang mga naiwan ko. ” pag kukwento niya.
Muli nanaman bumalik sa kaniya ang ng yareng pag sabog
FLASHBACK !!
ng maka sakay na si Vanessa ng Helicopter natanaw niya sa Rooftop ng Hotel na pinanggalingan niya ang isang lalakeng lumabas sa likod ng Pinto at kumaway Pa ito sa kaniya at kahit na palayo na siya sa Rooftop na yun ay halata sa mukha ng lalake na naka ngisi ito at nagulat pasiya ng mapag sino ito.
“Martin ” sambit niya ng makilala niya ang lalake. at nag umpisa nasiyang kabahan at manlamig .
Sobrang taas narin nila , nasa kalagitnaan na sila ng Karagatan at wala na siyang natatanaw tanging asul na dagat lang ang kaniyang nakikita. Habang nag dadasal siya na sanay walang mang yareng masama ay naka Rinig siya ng tunog mula sa ibaba ng kaniyang upuan . Sinilip niya ito. At ganun na lamang ang panlalamig at paglakas ng tibok ng kaniyang puso dahil sa takot at kaba. May Bombang naka lagay sa ilalim ng kaniyang upuan at isang minuto na lamang ito.
“Manong – mang Franco may -may Bomba , May Bomba Ho ! ” sabi niya sa matandang nag papalipad ng helicopter.
“Ho! ” gulat na sabi ng matanda.
” manong isuot niyo po ito. Tatalon po tayo. Bilis ” utos niya at maging ang nag mamaneho ay natataranta narin at mabilis na isinuot ang inabot niyang nag iisang bagay lamang para hindi malunod kung sakaling tatalon sila ng dagat. Pero nag iisa lamang yun kaya mas pinili niyang ibigay nalang ito sa Matanda.
” dyusko iha. Matanda na ako. Hindi na ako marunong lumangoy. Natatakot ako iha tumalon. . Ikaw nalang ang mag suot nito. Kung hindi man ako maka ligtas iha. Ikaw na ang bahala sa pamilyang maiiwan ko. Sabihin mo narin sa kanila na mahal na mahal ko sila. ” sabi ng matanda na naiiyak na. Kaya napaiyak narin siya.
“Hindi Manong. Mahigit 40 years kana saamin kaya lakasan niyopo ang loob niyopo .aatend papo kayo sa binyag ng apo niyo po , bilis Manong ” sabi niya habang umiiyak na, at nakita niyang 10 seconds nalang ang Bomba.
“MANONG ” malakas na sabi ni Vanessa at hinawakan ang Kamay ng Matanda at huminga sila ng malalim bago nilakasan ang loob na sabay na Tumalon sa Dagat. Pag Talon palang nila ay siya naring pag sabog ng Helicopter . Dahil sa lakas ng alon sa pag bagsak nila sa Tubig ay napabitaw siya sa kamay ni Manong Franco.
END FLASHBACK !!!
//to be continue…..
*****
ABANGAN KUNG ANO ANG MAGIGING REACTION NI SEBASTIAN SA MALING BALITA NA PINALABAS NI MARGARITA TUNGKOL SA BANGKAY NA NASUNOG.
MANINIWALA KAYA SI SEBASTIAN NA PATAY NANGABA SI VANESSA? 🤔






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top