{KEVIER’S POV}
Pababa ako ng hagdan nang bumungad sa’kin sa sala si Ksatreyah. Kausap nito ang mama ko, as usual. Napailing na lamang ako at dumiretso sa kitchen.
Agang-aga sisirain na naman yata niya ang araw ko.
Binuksan ko ‘yung ref at kumuha ng bottled water.
I was about to open it nang may bigla na lamang yumakap sa’kin mula sa likuran ko.
Napatiim bagang ako sapagka’t alam ko kung sinu ang halipandas na ‘to.
“I miss you Kev.”
Halos pabulong na saad nito na halatang ninanam-nam ang pagkakayakap sa’kin.
B’wesit talagang babaeng ‘to.
Kahapon lang kami hindi nagkita at masaya na sana ako.
Pero heto na naman siya.
Tss.
Bahagya akong kumalas sa yakap niya at naglakad patungo sa ‘taas kung saan ang k’warto ko.
But as always,
Nakasunod siya.
Welcome na welcome eh no?
“Hindi mo ba ako na miss?”
Ayan na.
Napatigil na ako nang mabosesan ang inis ng babaeng ‘to.
Napabuntong hininga ako at nilingon ito.
How I wanted to tell her na kahit kunti ay hindi ko siya na miss.
Pero naiisip ko si Mia.
Siguradong magwawala na naman ‘tong pesteng babaeng ‘to oras na hindi niya magustuhan ang magiging sagot ko.
At si Mia?
Siguradong si Mia na naman ang pagbubuntunan nito ng galit.
Ang Sarap niyang durugin.
“May gagawin pa ako, sak-”
“At ano naman ang gagawin mo? Tatawagan mo ‘yung babaeng ‘yun?”
Taas kilay na putol nito sa sasabihin ko.
Napabuntong hininga na lamang ako at nagpigil ng galit.
Ga’nun nalang ang pagtataka ko nang bigla na lamang ako nitong hilahin sa braso at ito pa mismo ang nagbukas ng pinto ng kwarto ko, pagkuwa’y pumasok na hila-hila ako sa braso.
“Ksatreyah anu ba?!”
Matalim ang tinging iginawad ko dito nang e-lock nito ang pinto.
I maybe looked coward nang humakbang ito palapit sa’kin at ga’nun din ang pag-atras ko.
Nababaliw na nga...