TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 1
Pagkatapos ang nangyari kahapon ay hindi ibig sabihin na titigil na ako. Kaya nandito ako sa library para hintayin siya.
Inangat ko ang palapulsuhan ko. I glanced at my watch again for the ninth time. Alas kwatro na ng hapon. Halos dalawang oras na ang nakalipas ng matapos ang klase namin.
Ilang oras na lang ang dumaan ay magdidilim na naman ang paligid. Magsasama na naman ang buwan at maraming bituin. Without the stars, the moon was sad and alone in the middle of the dark.
‘Saktong patapos na’ko sa binabasang hiniram ko, that I didn’t even understand each of every words inside the book I was holding. Kumbaga, dekorasyon lamang sa lamesang kanina ko pa inuokupa.
Mabilis kong isinarado ang librong hawak nang makita ko si Travis. Hinintay ko muna siyang manghiram ng libro atsaka ko siya lalapitan mamaya.
Nakita ko siyang pumunta sa isang sulok ng library, kung saan ang mga lumang libro. Kumunot ang noo ko, ito ang unang nakita kong pumasok siya doon. Sigurado ako dahil kahit kailan hindi nawawala ang paningin ko sa kanya dito sa library. Or did I just miss something? May nakaligtaan ba ang mga mata ko? Baka naman may kailangan talaga siyang libro doon.
Hindi ako nakapagtiis at sinundan siya doon. Mas lalong kumunot ang noo ko at magkasalubong na ang kilay ko nang makita walang tao roon. Wala rito si Travis. Saan siya pumunta? Namamalikmata lang ba ako kanina? Pero impossible hindi ako nagkakamali, siya ang nakita ko kanina. Nakita ko pa siyang napatingin sa gawi ko kanina.
“Ano’ng ginagawa mo dito? ‘Di ba kanina pang alas dos ang uwian niyo, Candace.” Nagulat ako sa boses niya galing sa likod ko. Napahawak pa ako sa mismong dibdib ko.
Kagat ang ibabang labi humarap ako sa kanya. Nandito siya, sa harapan ko mismo. Paano? Pinagtataguan niya ba ako? Pero wala akong makita na pwede niyang pagtaguan. Pahapyaw kong pinaglakbay ang aking paningin, puro mga aklat ang nandito, at may isa pang daan sa pinakasulok sa may kadiliman na bahagi, na ngayon ko lang napansin. Baka doon siya galing.
“A-ahm. Kasi,” hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga titig. I didn’t know what to say. I swallowed my tongue in fear. He gave me a dark meaningful look.
Hindi ko mabasa ang nakarehistrong ekspresyon sa kanyang mukha, bukod sa nakikitang madilim niyang titig sa’kin. Hindi ko rin mawari ang bumabalot sa boses niya. Atleast, hindi kagaya kaninang umaga na boses iritado.
Hinayaan ko ang sarili kong titigan niya ako. Wala akong mahanap na salita. Hindi ko kayang ibuka ang bibig ko para magsalita. Kumakabog ang puso ko sa pinaghalong gulat, saya at hiya dahil sa presensiya niya sa harapan ko.
Mas nangingibabaw nga lang ang hiya dahil sa pagsunod ko. Sana kainin na lang ako ng mga librong ‘to.
“Say something, little one. You left your tongue out there, huh.” he said in a deep voice, and the side of his lips twitched.
“Travis!” Someone called him. Nilingon namin siya ni Travis. Si Kage, isa sa mga kaibigan niya, at may bitbit na dalawang libro. Nakangisi siya habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Travis.
Nakahinga ako ng maluwag nang dumistansya si Travis at hinarap ng tuluyan ang kaibigan.
Pero wait lang ha, bakit ang epal ng mga kaibigan niya. Nandoon na e, mag-uusap na kami e. Bwis*t talaga!
Travis gave me one last glance bago siya sumunod kay Kage.
Great! What a great day! One of his friends ruined my day again!
“BUT courting him is not the only way to make him yours, Candace.” Keith said sincerely. Mataman ko siyang tinitigan. Maganda si Keith, kaya lang dyahe...
Magnanakaw ka! Delete mo ‘to! HINDI SA’YO ‘TONG STORY!!!!!