Marriage Contact Chapter 11


Vince
Almost two days na akong nakakulong sa madilim na kwarto wala akong makita marahil dahil sa panyong naka piring sa mata ko at hindi ko rin maigalaw ang katawan ko dahil nakatali ako sa upuan.
” Fuck pakawalan ninyo ako mga gago! ” Sigaw ko ng malakas.
Tinawanan lang nila ako ng mga dumukot sa akin.
” Sa tingin mo patatakasin ka namin Mr Vince Lorena! ”
” Sino ba kayo at bakit dinukot ninyo ako anong nagawa ko! ”
” Don’t worry Vince malalaman mo rin later ” saad ng isa sa mga dumukot sa akin.
Maya maya pa may narinig akong tunog tingin ko galing sa phone ng isa sa mga dumukot sa akin.
” Yes madam? ”
” I’m coming ”
” Okay madam ”
” Tell me is that your boss huh?! ”
” Vince relaxed makikita mo rin siya later ”
Tinanggal nila ang pagkakagapos ko tapos ay hinila nila ako palabas ng madilim na kwarto.
Sunod sunod na nilublob ang ulo ko sa drum yata na puno ng tubig halos malunod ako.
” Ano kaya pa! ”
” Tama na nga yan baka mamatay pa yan malintikan pa tayo kay madam ”
Muli nila akong ibinalik sa pagkagapos sa upuan ilang sandali pa may narinig akong boses ng isang babae sa tingin ko yun na yung boss nila.
” Madam ano nang plano mo kay Vince? ”
” Shh… Ako bahala ”
” Ikaw ba yung boss nila huh? Bakit mo ako pinadukot? Anong kasalanan ko? ”
” Isa isang tanong lang nahihilo ako! ”
” Who are you? ”
Lumapit siya at tinanggal yung piring sa mga mata ko.
” Hello Vince Lorena ”
Napatingin ako sa kanya napaka ganda niyang babae ngunit hindi ko siya maalala.
” S-sino ka ba? ”
” By the way i’m Kirsten ”
” Kirsten who? ”
” I heard ex girlfriend mo si Almira Sanchez at balita ko may anak daw kayo ”
” Oh tapos? ”
” Ikakasal na siya kay Tyron Villaluna ”
” And? ”
” I know you still love him ”
” So? ”
” Help me paghiwalayin natin si Almira at Tyron ”
” Then? ”
” Tyron will be mine at si Almira sa’yong sa’yo na ”
” Paano kung hindi ako pumayag sa gusto mo? ”
” Balita ko may younger brother ka na nag-aaral sa isang university ano nga ba yun? Ay naalala ko na sa UST at alam ko rin ang boarding house niya ”
” A-anong gagawin mo sa kanya huh? ”
” Isang sabi ko lang sa mga tauhan ko he will be dead ”
” No! Don’t do that! ”
” Then help me ”
” Fine! Tutulungan kita sa plano mo ”
” Madali ka naman palang kausap eh so it’s a deal ”
” Deal ”
” Kapag umatras ka good bye sa Younger brother mo ”
” Please gagawin ko lahat lahat huwag mo lang idamay kapatid ko ”
” Okay madali naman akong kausap ”
” Pwede bang pakawalan mo na ako? ”
” Sige pero ipapatikim ko muna sayo ang sorpresa ko ng hindi ka tumakas sa napagkasunduan natin ”
” Anong gagawin mo? ”
” Boys kayo na bahala kay Vince ”
” Okay madam ”
Umalis na yung Kirsten at naiwan ako at ang mga tauhan niya.
Tinanggal nila ang pagkakagapos ko tapos ay sunod sunod na hinampas ng kahoy.
” T-tama na nangako naman ako sa madam ninyo na gagawin ko ang gusto niya ”
Tinigil nila ang paghampas ng kahoy sa katawan ko saka pilit na sinakay sa itim na van.
Huminto ang sasakyan sa isang talahiban tapos ay inihagis nila ako.
” Oh tandaan mo huwag na huwag tatakasan si madam dahil alam mo na ”
” P-pangako susundin ko yung boss ninyo ”
Almira
” Mie ”
” Yes baby Chloe ”
” Birthday ko na po bukas ”
” I know baby Chloe ”
” Saan po tayo pupunta bukas mie? ”
” Kakain tayo sa labas ”
” Baby is that true na birthday mo na bukas? ”
” Yes Daddy Tyron ”
” Tyron balak namin na kumain sana sa labas bukas ”
” Okay sasamahan ko kayo ”
” Naku… ”
” Wala naman masyadong gawain sa office bukas kaya im free sasama ako ”
” Talaga daddy Tyron? ”
” Yes baby Chloe sasamahan ko kayo ni mommy mo ”
” Yehey! ”
” Anong gift gusto mo? ”
” Kahit ano po Daddy Tyron ”
” Isama mo na kaya pinsan mo bukas tapos isasama ko rin si judy tsaka si lolo dad at mom pati na rin si mommy ”
” Okay lang ba sa kanila nakakahiya? ”
” Don’t worry at may alam akong resto magpapa reserved na ako para bukas ”
” Salamat Tyron ”
” Basta para kay Baby Chloe ”
********
Today its baby Chloe’s birthday at excited na siya sa party na inihanda ng daddy Tyron niya.
” I’m excited na po Mie ”
” Basta baby Chloe ngayon dapat mag enjoy ka ”
” Happy birthday baby Chloe ”
” Thank you po Daddy Tyron ”
” Almira hindi daw makakasama si dad at mom may Meeting si lolo naman nagpapahinga masama raw ang pakiramdam so si judy lang ang makakasama ”
” Okay lang naiintindihan ko naman ”
” Basta mag ready na kayo i’ll pick up you mamaya may pupuntahan lang ako ”
” Okay Tyron ”
” Baby may lakad lang si daddy pero i’ll be back to pick up you ng mommy mo ”
” Okay Daddy ”
Umalis na si Tyron bale kaming dalawa na lang naiwan ni baby Chloe.
” Baby mau surprised ako ”
” Ano po yun mie? ”
” Basta close your eyes ”
” Okay mie ”
Kinuha ko yung regalo ko kay baby Chloe at binigay ito sa kanya.
” Happy birthday to my adorable and pretty baby ”
” For me po? ”
” Yes baby ”
Tuwang-tuwa si Baby Chloe sa gift ko para sa kanya tapos niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.
” I love you po mommy ”
” I love you more baby Chloe ”
Pinaliguan ko na si Baby Chloe tapos binihisan siya ng magandang damit sumunod naman ay ako naligo at nagbihis ng magandang damit.
Maya maya pa dumating na si Tyron para sunduin kami ni baby Chloe.
” Let’s go Almira ”
” Teka Tyron saan ka ba nagpunta? ” Tanong ko sa kanya.
” May inasikaso lang ako Almira ” sagot niya sabay ngiti sa akin.
Umalis na kaming tatlo papunta sa resto sa isang mall kung saan kami kakain para sa birthday niya.
Pagdating namin sa resto nagulat ako sa mga nakita ko ang daming mga lobo at may tarpaulin pa na nakalagay ay happy birthday baby Chloe tsaka may dalawang magician.
Naroon din si Insan Kristof at Kapatid niya na si Judy nakaupo sa mesa na puno ng masasarap na pagkain at sa gitna ng mesa ang napaka gandang at laking birthday cake na napuno ng mga bulaklak na design at isang kandila.
” Happy birthday to you Baby Chloe ”...


sabay sabay nilang sabi.
” Ikaw ah Tyron may pa sorpresa ka hindi mo man lang sinabi sa akin ”
” Kaya nga surprised di ba? Ano pang essence kung sasabihin ko yung surprise ko para kay Baby Chloe tsaka tinulungan naman ako ng pinsan mo ”
” Daddy Tyron lahat po ba ito Para sa akin? ”
” Yes baby Chloe para sa’yo lahat yan happy birthday ”
Bakas sa mukha ng anak ko ang saya dahil sa unexpected birthday surprise na ginawa ni Tyron.
Naupo na kaming tatlo sa mesa kasama sila insan Judy at Kristof.
” Baby Chloe happy happy birthday to you ” bati ni Insan.
” Thank you po tita ninang ”
” Happy birthday to you baby Chloe ” bati naman ni kristof.
” S-salamat po tito Kristof ”
” Baby cutie maligayang kaarawan sa’yo basta love na love ka ni tita Judy ”
” Okay po love din po kita tita Judy ”
” Let’s eat na baby ”
Dumating na yung server dala dala yung iba pang foods na handa sa birthday party ni baby Chloe.
Pagkatapos kumain ng mga handa sa birthday party sunod ay pinanuod namin yung mga magician na inarkila ni Tyron.
” Ikaw Tyron may pa magician ka pa diyan ”
” Siyempre hindi kumpleto ang birthday kapag walang magician kaya ayan inarkila ko sila para sa birthday party ni baby Chloe ”
Tuwang tuwang si Baby Chloe habang pinapanood ang mga tricks ng magician na inarkila ni Tyron. Mas lalo siyang nag enjoy sa balloon twisting maging kaming mga adults tuwang-tuwa lalo na si Tyron.
” Yung ngiti mo diyan ibang iba para kang bata ”
” Nakakaaliw pala itong balloon twisting ”
Pagkatapos ng balloon twisting sunod naman ay ang pag blow ng birthday cake.
” Baby it’s to blow your birthday cake ”
” Okay mie ”
Sisindihan na sana ni Tyron yung kandila ng biglang may umeksenang babae na naka itim na gown.
Pagtingin ko sa babae si kirsten pala. Bakit siya nandito hindi naman siya imbitado sa celebration na ito sa tingin ko may binabalak na masama yan.
” Judy ilabas mo muna si Baby Chloe sa labas ”
” Okay ate Almira ”
Inilabas muna ni Judy si Baby Chloe mahirap na baka madamay siya sa gulong binabalak gawin ni Kirsten.
” Ano ba naman yan hindi man lang ako invited! ” Bungad niya.
” Hey you! Bakit close ka ba namin ” taray na saad ng pinsan ko.
” Puwede ba Kirsten huwag mong sirain ang araw ” sigaw ni Tyron.
” Teka lang hitad na Almira why you wear a black gown ”
” Akala ko kasi funeral party ang dadaluhan ko nagkamali ako birthday party pala by the way happy birthday sa anak mo Almira ”
” Umalis ka na Kirsten kung ayaw mong…. ”
” What Tyron ipapakulong mo ako oh come on you can’t do that to me ”
” Ilang beses ko bang sasabihin na i don’t love you ”
” I know pero hindi ako susuko you will be mine! ”
” Hoy hitad na babae tanga ka ba? Tyron Said he didn’t love you ”
” Pwede ba huwag kang makialam ”
Akmang sasampalin na ni insan si kirsten buti napigilan ko siya sa plano niya.
” Insan relaxed ”
” Umalis ka na Kirsten ”
” Bakit hindi mo akong magawang mahalin huh?! Dahil ba kay Almira?! Oh come on Tyron ano bang meron sa kanya she’s so cheap girl na mukhang pera na patay gutom pa! ”
” Leche ka! Huwag na huwag ang pinsan ko! ”
” Umalis ka na Kirsten pwede ba bakit ba pinagtutulakan mo ang sarili mo sa taong hindi ka mahal ”
” You! Kasalanan mo ang lahat magbabayad ka! ”
Bigla akong sinabunutan ni Kirsten sa buhok at hinila palabas ng resto nagulat ang mga tao sa mall sa nakita nila.
Agad akong pumiglas sa pagkakasabunot niya sabay tulak sa kanya.
” Akala mo hindi kita uurungan babae ka! ”
Lumapit ako sa kanya at pinagsasampal siya kaliwa’t kanan halos mamula ang mukha ni Kirsten.
Mas lalong dumami ang mga tao yung iba kumukuha na ng video sa cellphone nila.
” Walang hiya ka! ” Sigaw ni Kirsten sabay sabunot ulit sa akin.
Hinawakan ko ang mga kamay niya sabay kaladkad sa kanya.
” Alam mo Kirsten ilang beses bang dapat ipamukha sa’yo na hindi ka mahal ni Tyron ”
” Mang-aagaw ka! ”
” Una sa lahat hindi ko inagaw si Tyron! ”
Mas lalo akong nagalit sa kanya sinabunutan ko ulit siya ngunit gumanti din siya ng sabunot. Nagsabunutan kami hanggang sa escalator pababa.
” Witch! ”
” Desperada! ”
” Mang-aagaw! ”
” Epal! ”
” Hala dalawang babae nagpapatayan! ” Sigaw ng isa sa mga tao na nakakapanood sa amin.
Sa hindi inaasahang pangyayari nahulog si kirsten at nagpagulong-gulong pababa sa ground floor ng mall.
” Ouch! ”
” Oh my god Kirsten! ” Sigaw ko.
Nagmamadaling bumaba si Tyron para tulungan ako.
” Almira are you okay? ” Alalang tanong niya.
” I’m fine Tyron ”
” Tyron tignan mo ginawa ng babaeng yan she hurt me ”
” Kasalanan mo naman lahat dapat lang sa’yo yan ”
Agad-agad na tumayo si kirsat inayos ang sarili niya.
” Damn it! Hindi pa ako tapos sa inyo lalo ka na Almira Sanchez magbabayad ka sa ginawa mo tandaan mo yan itaga mo sa bato ” banta ni Kirsten.
” Fine! Go! I’m not scared to you! ”
Iritang umalis si kirsten habang yung ibang mga tao nagsisimula ng umalis. Niyakap ako ng mahigpit ni Tyron.
” Ayos ka lang ba talaga hindi ka ba nasaktan? ”
” Don’t worry Tyron im fine ”
” Insan where’s that kirsten gagantihan ko! ”
” Insan no need na nakaalis na siya ”
” I’m sure gaganti yun ”
” Don’t worry hindi ko hahayaang saktan si Almira ng kahit sino lalo na kay Kirsten ”
Third person point of view
Galit na galit na pinagbabato ni Kirsten ang mga gamit na nasa harapan niya. Inis na inis siya hindi niya matanggap ang nangyari kanina sa mall ang mas lalong kinagalit niya hindi man lang siya tinulungan ni Tyron bagkus mas inuna pa si Almira.
” Kirsten kalma ka nga ” saad ng kapatid ni Tyron
” How can i calm down ”
” Ikaw naman kasi sugod ka ng sugod! ” Panenermon ng kapatid ni Tyron.
” Alam mo ikaw kesa manermon ka diyan magisip ka na lang kung paano tayo gaganti kay Almira ”
” Akala ko ba may plano ka na huh? Si Vince ba yun? ”
” Yun na nga ang problema yung Vince Lorena na yun tinakot mo na hindi pa rin gumagawa ng paraan kapag talaga ako nainis uunahan ko na siya ”
” How? ”
” Dahil sa ginawa niya sa akin kanina at sa mga pasa na ito gaganti ako at itong mga pasa na ito doble ang mararamdaman niya ”
” Kung ano man yang plano mo suportado kita pero kapag nagkahulihan na ayokong madamay sko mahirap na ”
” Trust me ate hindi ka madadamay dito at hindi ito papalpak “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top