THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE CHAPTER 18


Maagang gumising si Kate. May tampo pa rin siya sa kanyang nanay. Bakit ba kailangan niyang magpanggap na nerd? Ang magsuot ng mga old fashioned na damit at makapal na salamin na dahilan kung bakit palagi siyang nabubully sa school.
“Anak galit ka pa ba sakin?”malambing na tanong ng kanyang ina. Umupo na lamang siya at nagsimulang kumain. Hinawakan ng Nanay niya ang kanyang isang kamay na nasa ibabaw ng mesa.
” Kate may pinagtataguan tayo. Hindi ka niya pwedeng makita. Ayaw kong mapahamak ka. Ipinangako ko sa Mommy mo na aalagaan kita.” Pagsisimula nito sa usapan.
“Nay sino po ba kasi ang tunay kung magulang? Ipaliwanag niyo sa akin ang lahat. Maiintindihan ko naman po ehh.” Kalmadong niyang sabi. Kita niya namang maluha luha na ito.
“Anak ka ng kapatid ko. Pamangkin kita. Namatay ang Mommy mo sa panganganak kaya itinakas kita sa hay*p mong ama. Masamang tao ang ama mo at kapag nakita ka niya gagamitin ka lang niya.”
“Tita ko po kayo? Magkamag-anak pa rin po tayo. Si Nanay po saan po siya nakalibing pwede po ba natin siyang dalawin? Ang tatay ko po asan po siya?” May mga tumutulo na ring mga luha mula sa kanyang mga mata.
“Anak hindi pwede. Baka makita ka ng ama mo. Hindi ka pwedeng mapunta sa hay*p na yon. Nangako ako sa Mommy mo na ilalayo kita sa ama mo.” Paliwanag nito sa kanya.
“Bakit ano po ba ang tatay ko? Bakit hindi po pwede? Baka namimiss niya na ako. Baka hinahanap niya po ako. Kahit ano pong mangyari tatay ko pa rin po siya.”
“Kapag nakita ka niya gagamitin ka lang niya sa negosyo niya at sa pangsarili niyang kapakanan. Kaya kailangan hindi ka niya matagpuan.Kaya tayo nagtatago. Kaya kailangan mukha kang nerd. Ng sa ganon di ka niya makilala.”Umiiyak na ito.
Hanggang sa University ay hindi mawala sa isip niya ang mga katotohanang inilahad ng kanyang Tita Katelyn. Tita niya pala ito.Kaya magkaanak pa rin sila. Ang pangalan pala ng Mommy niya ay Katherine. At Chua ang totoong niyang apelyido.
” Lalim ng iniisip ah!” sabi nito at sinabayan siya sa paglalakad patungo na siya sa cafeteria. Wala siyang kasabay. Hindi kasi pumasok si Cindy. May sakit daw.
“Troy may kilala bang Chua ang apelyido?” Binigyan muna siya nito ng nagtatakang tingin bago sinagot ang tanong niya.
“Wala ehh pero si dad at kuya Tyler meron. Kalaban sa negosyo.” Simpleng sagot nito.
“Ahh okay.” Sabi niya at tsaka ngumiti. Ibinalik niya na ang dati niyang ayos.
“Bakit mo pala natanong? Wag mong sabihing ipagpapalit mo ko sa Instik.” Kaya natawa na lamang siya.
“Loko hindi! Di ko kailangan ng boyfriend na singkit. Ikaw lang sapat na.” Banat niya pa.
“Sabi ko na nga ba patay na patay ka sakin eh. Ayaw pa kasi aminin.” Panunukso nito. “Oo na!” sabi niya na lang.
Maaga ang naging uwian nila. Si Troy ang naghatid sa kanya sa restaurant ng ate Fatima nito. “Congrats Kate boyfriend mo na pala ang kumag na to.” Sabi ng boss Fatima niya sabay turo kay Troy.
“Ate naman baka matauhan.”Pagkatapos ay malakas itong tumawa.” Umamin ka nga Troy tinakot mo si Kate noh? “Nag-aakusang sabi nito.
” Grabe ka ate! Hindi noh! Nakakahurt ka na ha. “kunyari ay tampo nitong sabi. Pagkatapos...


noon ay nagsimula na siyang magtrabaho.
Nagpaalam sa kanya si Troy na uuwi muna ito sa mansyon at babalik din kaagad para ihatid siya pauwi pagkatapos ng trabaho.
Napansin niya ang isang lalaki na titig na titig sa kanya lalo na sa mukha niya. Wala kasi siyang suot na salamin. Mabilis din itong umiwas ng tingin.
Ewan niya ba pero may iba siyang nararamdaman sa lalaking iyon. Finocus niya na lang sarili sa pagtatrabaho at pagseserve sa mga customer.
“Wow miss ang ganda ng mata mo.” Puna ng isang lalaki.Ngiti na lamang ang naging tugon niya. Kaagad niyang kinuha ang kanyang salamin sa bulsa at isinuot iyon.
Dapat walang makakilala sa kanya. Ayaw niyang mapunta sa ama niya. Natakot siya sa kwento ng kanyang Nanay/Tita Katelyn niya. Nalaman niya kasi kung gaano kasamang tao ang tatay niya ng sabihin nito sa kanya ang buong katotohanan.
“Babe, may problema ka?” Tanong sa kanya ni Troy.Nasa loob na sila ng sasakyan nito at inihahatid na siya sa pauwi sa bahay nila.
“Kilala ko na sinong totoo kong magulang.” sambit niya. “Si Nanay tita ko pala siya kaya si Tatay Kanor Tito ko siya. Patay na daw ang Mommy ko at yung Chuang tinanong ko kanina siya ang ama ko.” Pagkukuwento niya pa.
“Bakit gusto mo ba siyang hanapin? Yung daddy mo gusto mo ba siyang makita?Sabihin mo lang sakin. Tutulungan kita.” sabi nito at hinawawak ang isa niyang kamay.
“Wag na Troy labas ka na don. Baka madamay ka pa sa gulo ng buhay ko.” Sabi niya binigyan ito ng matamis na ngiti.
Pinagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse kaya agad naman siyang bumaba. Hinalikan niya ito sa pisngi. Papasok na sana siya sa Gate nila.
Pero bigla nitong hinila ang braso niya kaya agad siyang napaharap dito. Mabilis siya nitong hinalikan sa labi.
“Ehem. Ehem. Ehem.” Tikhim ng nanay niya.Malawak ang ngiti nito sa labi at mukhang masaya sa nakikita. “May dapat ba Kong malaman?”
“Ahh Nay si Troy boyfriend ko na po siya.” sabi niya habang nakatungo.Natatakot siya na baka magalit ito o ano. Si Troy naman ay nakaiwas din ng tingin.
“O ehh ano pang ginagawa niyo diyan? Pumasok na kayo sa loob.Akisahin mo ang boyfriend mo.” May pang-uuyam pa nitong sabi.
“Hindi na po tita. Kailangan ko na rin po umuwi. Hinatid ko lang po si Kate.” Paliwanag nito.
“Sige Iho salamat sa paghatid. Wag kang mag-alalala boto ko sayo una pa lang.”
Tuluyan na ngang umalis si Troy. Di niya maiwasan ang mapangiti.Hinalikan siya nito sa labi at kahit na saglit lang iyon ay nagdulot iyon ng sobrang kilig sa kanya.
Pero di pa rin nawawala ang pangamba sa kanya. Hindi siya pwedeng makilala ng ama niya.
Dahil sa apelyido palang nito alam niya ng makapangyarihan itong tao at kalaban pa ng pamilya nila Troy sa negosyo.
Siya si Kate Azalea Mendez or mas tama sabihin na Kate Amethyst Chua. Isa siyang Chua. Hindi siya pangkaraniwang tao pero ang ama niya na saksakan ng yaman ay dem*nyo ang ugali.
Mas gugustuhin niya pang mamuhay ng simpli kasama ang tita niya at ang asawa nito kaysa makasama ang tunay niyang ama na gagamitin lang siya pangsarili nitong kapakanan. At siyempre ayaw niyang mawala sa kanya si Troy. Kahit anong mangyari si Troy lang.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top