Shy Girl


Ako si Jessica Mae Gomez at namatay lang yung mga parents ko nung nakaraang linggo at iyon ang dahilan kung bakit mahiyaain ako.
Nakatira ako sa bahay ng bf ko. Siya na ang nag-alaga sakin mula nung mamatay sila mams at paps. Patay na rin ang lola ko. Mahal na mahal ako ni lola kaya patitirahin niya ko pero si tita nalang ang natira at ang kanyang pamilya. Inangkin nila ang bahay ng lola ko.

Isang gabi ay nagluluto ako ng marinig ko ang malakas na untog sa kuwarto namin. Agad akong umakyat at nakita kong hinimatay ang bf ko. Niyugyog ko siya pero hindi parin siya gumising. Bumaba ako sa kusina at pinatay ang stove. Pumunta ako sa sala at tumawag sa Sunny West Hospital. Sinabi nila na pupunta sila agad. Umakyat ako sa kuwarto namin at sinubukan kong iangat yung bf ko.

Ilang minuto ay dumating na rin ang ambulansya....


Pinapasok ko sila at dinala nila sa ambulansya ang bf ko. Nakisakay narin ako para masiguro na okay ang bf ko.

Ilang oras akong umupo sa waiting chair at tinawag ako ng doktor. Pinapasok na ako sa kuwarto at sinabi sa akin ng doktor na may lung cancer ang bf ko. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama at umiyak habang hawak ang kamay ng bf ko. Tinanong ko ang doctor kung pwedeng dito ako magpalipas ng gabi pero pinauwi narin ako.

Pag-pasok ko sa pinto ay nandon ang mommy ng bf ko. Niyakap ko siya pero sinampal niya ko. Sinisisi niya ko sa pagkakasakit ng bf ko. Sinabihan niya rin ako na lumayas at wag ng bibisita sa ospital.

Wala nakong ibang maisip na puntahan kundi kila Macy. Si Macy ay ang bestfriend ko at ilang years na rin kaminga magkasama. Naglakad ako at nakapunta narin sa hintayan ng taxi….

To be continued






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. May Part 2 bhaa

  2. Jean Claire sagadraca

    Bitin

Leave a Reply


top