CHEATER”


CHEATER”
“Jake ano yang hawak mo?” tanong ko sa boyfriend ko, nung mapansin ko ang maliit na kahon na hawak nito.
“Ah wala” malamig nyang sagot
Agad nyang ipanasok sa kanyang bag ang kahon
“Maliligo lang ako may lakad pa kami ng kaibigan ko” saad nito
“P-pero may lakad din tayo ah”
“Next time na, mas importante ito” galit nyang sagot
Hindi ko nalang ito pinilit pa at nanahimik nalang ako sa gilid.
Habang naliligo si jake ay agad kong tiningnan ang laman ng kahon.
Nakita ko sa loob ng kahon ang isang napakagandang kwintas. Sa unang tingin ay napangiti ako dahil sa ina akalang akin ito!!!
“Saji” pangalang nakalagay sa kwintas
“S-saji? bakit pangalan ng kaibigan ko ang naka lagay?” Mahinang tanong sa sarili
Hindi ko nalang masyadong inisip ang mga bagay na iyun at muli ko ng ibinalik sa bag ang kahon ng kwintas.
“Aalis na ako” pagpapa alam ni jake
“Mag iingat ka” malambing kong saad
Hahalik pa sana ako sa kanya ngunit umalis na ito.
Habang naiwan akong mag isa sa bahay ay di ako mapakali, nahihirapang huminga na tila ba may mali sa mga nangyayari.
“Saji, pwede kabang makausap? Kailangan ko lang ng karamay ngayun” tanong ko sa bestfriend ko sa chat
Nag intay ako ng mga ilang minuto ngunit wala itong sagot, kaya naisipan kong puntahan sya sa kanilang bahay.
“Tita anjan po ba si Saji?” Tanong ko sa mama nya
“Hindi pala kayo magkasama? Ang sabi nya kasi may lakad kayo” paliwang nito
“Ganun po ba? Sege po alis nalang ako” pagpapaalam ko
Matapos kong puntahan ang mama ni saji ay naisipan ko namang mag tanong sa mama ni jake
“Tita?” Katok ko sa pinto nila
“Oh Axe ikaw pala, anong ginagawa mo rito?”
“Anjan po ba si jake tita?”
“Andon sa Bordinghouse...


nya, ang sabi nya wag ko daw ipagsabi kahit kanino” saad ni tita
“Nag away ba kayo eha?” Dagdag pang tanong nito
Napailing lang ako at umalis na sa bahay nila.
Pinuntahan ko si Jake sa sinasabi no tita at dahan dahan kong nilapitan ang bahay at di ko ina asahan ang mga maririnig
Nakarinig ako ng naghahabolan na hininga at malakas na pagtunog ng mga labing nagdadampi.
Agad kong sinipa ang pintoan upang malaman ang mga kaganapan sa loob
“J-jake, S-saji a-anong ibig sabihin nito?” Nauutal kong tanong sa dalawang walang saplot at tanging kumot lamang ang nagsisilbing panakip sa kanilang katawan
“Axe let me explain” nanginginig na saad ng traydor kong kaibigan
Hindi ko na mapigilan ang pag agus ng mga luha dahil sa mga nakita.
“Explain? Maipapaliwanag mopa ba ito Saji?” Naginginig sa inis kong tanong
Sa sobrang galit ko ay nilapitan ko sya at sinampal ng sobrang lakas dahilan para mapatagilid ang muka nya
“Axe wag mo syang sasaktan” sigaw ni Jake sakin
“Wow? So sya di pwedeng saktan tapos ako pwede? Ganun ba jake?” .
Hindi ito sumagot sa akin at yumuko lang sya
“Fine magsama kayo mga ahas” galit na galit kong saad
___
Naabotan ako ng dilim sa paglalakad sa gitna ng kalsada habang patuloy lang sa pag iyak
“Bakit nyoko niloko?” Malakas kung sigaw habang nakatingin sa langit
Kumidlat at bumuhos ng pagkalakas ang ulan na tila ba alam ng langit ang sakit na aking nararamdaman
“Kung dipa dahil sa kwintas diko malalaman na tinatraydor nyo na pala ako”
Mas lalong lumakas ang ulan kasabay ng pag agos ng aking mga luha
Inantay kong hahanapin ako ni jake para magpaliwanag.
Ngunit walang dumating na Jake, kaya napaluhod nalang ako sa gitna ng kalsada habang patuloy sa pag iyak!!!
❦︎Written by✍︎:: Maxine Wrights






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top