UNGOL NG SANGGOL Chapter 1


Written by admin Jane story
sa probinsya ng mangkolad may isang lugar na tinatawag nilang lakingulong dahil sa pinaniniwalaang kwento sa may dagat ng lakingulong na may kakaibang sanggol sa ilalim nito na syang dahilan kaya maraming namamatay na dumadaan doon.kaya ang dumadaan lang doon ay ang mga dayo na di pa nalalaman ang sabi sabi tungkol don.naniniwala silang isinumpa ang lugar na lakingulong.
May mag amang nakatira na malapit sa dagat ng lakingulong di nila alam ang sabi sabi dahil baguhan pa lamang sila
“Tay may narinig po ako sabi daw po malas daw po ang lugar na toh”saad ni charlie na anak ni ismael
“Anak san mo naman narinig yan?”tanong ni Ismael sa anak
“Don po sa kabilang baryo narinig ko lang po habang umiigib ako ng tubig”sagot ni Charlie
“Anak wag kang maniwala sa mga ganyan walang malas sa mundo tayo lang ang gumagawa ng kamalasan natin
sa buhay”paliwanag ni ismael sa anak
“Pero tay sabi pa nila marami na daw namatay dito malapit sa atin dun daw po sa dagat ng lakingulong”saad pa ni charlie
“Baka naman nag kataon lang”saad ni Ismael
“Basta nak wag kang maniniwala sa mga malas malas.tayo lang ang gumagawa ng kamalasan natin.”dag dag pa nya
“Opo Itay”saad nya
“O maiwan muna kita mangingisda lang ako Jan sa dagat para may maiulam tayo”pag papaalam ni ismael sa anak
“Tay sama ako di ko kayang mag isa eh”saad ni charlie
“Ganon ba o sige sumama kana kalalaking tao duwag”pabiro nyang sabi sa anak
“Si itay naman oh”saad ni Charlie
“O tara na”hinawakan ang kamay ni charlie saka binuksan ang pinto
Pag bukas nila sa pinto may matandang lalaki ang bumungad sa kanila
“Magandang tanghali po lolo sino po sila”magalang na tanong ni ismael
“Hanggat maaga pa umalis na kayo dito kung ayaw nyong mamatay”saad ng matandang lalaki at agad ng umalis
“Po?”
“Sandali lang po lolo..lolo”sigaw ni Ismael pero di na sya nilingon
“Itay bakit tayo pinapaalis”tanong ni charlie sa ama
“Di ko nga rin alam nak eh”sagot ni ismael
“Tara na tay gutom nako eh”pag yaya ni charlie sa ama
“O mabuti panga”saad nya sabay na umalis
Pumunta sila sa dagat ng lakingulong pero ni isang isda wala silang nakuha
“Itay wala tayong nakuha bakit ganon”tanong ni Charlie
“Di ko nga rin alam nak”sagot ni Ismael
“Samahan mo na lang ako sa may bayan dun na lang tayo bumili ng makakain”saad ni Ismael
“Siege po tay pero malayo po yun diba”saad ni charlie
“Oo pero gugutumin tayo kung di tayo mag tiyatiyaga”saad ni ismael
“Sige po tay”saad ni charlie
nagpunta na nga sila sa may bayan para bumili ng makakain
“Tiba kayo...


ang bagong lipat na malapit sa dagat ng lakingukong”tanong ng tindera
“Ahh opo kami nga ho”sagot ni Ismael
“Naku mag iingat kayo palagi.isinumpa daw ang lugar na yon “payo ng tindera
“Panong isinumpa hu ba”tanong ni Ismael
“Meron daw dong masamang maligno na nagtatago sa ilalim ng dagat.marami na daw namamatay na dumadaan doo n tuwing bilog ang buwan”sagot ng tindera
“Ganun hu ba di naman po kami lumalabas kapag gabing gabi na”saad ni Ismael
“Talaga hong wag kayong lalabas lalo na pag alas dose ng madaling araw dahil magsisimula na ang sumpa”saad ng tindera
“Ahh sige ho mauna napo kami salamat ho sa payo”saad ni Ismael at agad na umalis
Umuwi na sila sa bahay para kumain
“Tay andaming nagsasabi na umalis daw tayo dito ano ba talagang meron?’tanong ni Charlie sa ama
“Abay ewan ko kahit ako naguguluhan yung iba sabi maligno yung iba naman malas yung iba sumpa ano ba talagang meron sa lugar nato”saad ni ismael sa anak
“Kaya nga po tay e natatakot po tuloy ako”saad ni Charlie sa ama
“Saka na lang natin isipin yan bilisan mo nang kumain dyan at maghugas ka na tapos maglilibot libot tayo”saad ni ismael sa anak
“Pero tay delidakado daw po”saad ni charlie
“Aalamin nga natin kung anong meron”saad ni ismael
“Ganon po pero tay kaylangan nating mag ingat”saad ni charlie
“Alam ko yun nak kaya nga magdasal tayo”saad ni Ismael
“Opo itay bibilisan ko na po”saad ni charlie
Natapos na silang kumain hinugasan ang pinag kainan at sabay na umalis
“Tay ang lawak naman po dito”saad ni Charlie
“Tay nahihilo po ako”saad ni Charlie
Nasa dagat kase sila sakay ng bangka
Hinawakan ni ismael ang noo ni charlie nagulat sya ng biglang sobrang taas ng lagnat nito
“Nako nak nilalagnat ka umuwi na tayo”natatarantang saad ni ismael
“Tayy yung ulo ko-“naputol ang sinasabi ni charlie nang bigla syang himatayin
Pumunta sila sa mangagamot para ipagamot si Charlie. may pagka albularyo ang mangagamot nayon.nagulat si Ismael sa sinabi ng mangagamot
“Dumaan huba kayo sa dagat ng lakingulong”tanong ng manggagamot
“Opo nandon lamang kami habang nakasakay sa bangka.masigla pa naman ang anak ko kanina tapos bigla na lang nilagnat
“Naku wag na wag kayong dadaan dun.kaya sya kagagawan ng nanay ng sanggol ang kalagayan ng anak mo inabala nyo sila galit sila sa mga dumadaan don ayaw nilang naabala sila.kaya maraming namamatay don dahil inaabala nila ang nasa ilalim.binigyan lang kayo ng babala ng nasa ilalim”paliwanag ng manggagamot
“A-anong sanggol ho?”tanong ni Ismael
“Merong nakatira sa ilalim ng dagat nayon sabi daw nila mag Ina ang nakatira don pero iba sila sa atin.wala pang nakakakita sa kanila”sagot ng manggagamot
-itutuloy-
Pcttro






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top