Wattpad o Ako? “oneshots”


Wattpad o Ako? “oneshots”
“Mahal pansinin mo naman ako” pangusong sigaw ko sa girlfriend ko na buong maghapon nagbabasa ng wattpad. Kung kiligin ba naman sa binabasa n’ya, tskk badtrip ka!
“Ano ba Ashley Margon, hindi mo talaga ako papansinin” tawag ko sa buong pangalan nya pero PUTEK! sinulyap lang ako ng 5 segundo at bumalik sa pagbabasa nya.
‘kainis ka ng pandak ka ha’.. inis na sambit ko sa isip ko
“Wattpad o ako! pumili ka!” pasigaw na sambit ko sa kanya pero may halong tampo yun syempre. Dikit kilay nya akong tiningnan at binaba ang binabasa nya sa lamesa. ‘tss dami mong thrill na babae ka’
“Mahal naman, patapos na ako ehh weyt lang laloves ahh” paawa epek na naman ng duwendeng toh. Syempre as the part of the plan, bumalikwas ako ng tayo at akmang ineempake ang mga damit ko. “Hoy kapre anong ginagawa mo?” sarkastikong tanong nya sakin pero hindi ko na sya kinibo at pinagpatuloy ang pag iimpake.
“Mahal naman ohh–” hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at tinanong muli “Wattpad o ako?” mahinhin pero seryosong tanong ko.
“Mahal naman wattpad ang pipili–”
“Edi tapos na tayo!” padabog na sambit ko, hehe syempre dapat hindi ko sya patatapusin sa sasabihin nya. “Mahal! wattpad ang pipiliin ko pero mas...


lamang ka” sigaw sakin ng gf ko kaya natigilan ako. Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi nya kaya akmang yayakapin ko na sana sya ng biglang — BLAGG!! “Aray, mahal naman para san yun?” pagkatapos nya ako batuhin ng pocket book nya. “Mahal, nagbago ang isip ko, ayaw kong makipag divorce sa mga asawa ko. Paano nalang kami ni Lander Storm, Valerian Volkzki, Cali Sudalga, Lysander Callahan, Evren Yilmaz, Lath Coleman, Lash Coleman, Shun Kim, Dark Montero, Ymar Stroam, Clyx Vargaz, Train Wolkzbin, Luhence Vergara, Tyron Zapanta, Thorn Colderon, Khairro Sanford, at ni Knight Velasquez?” nguso nguso nyang sambit na medyo naiiyak.
‘anak ng! sino ang nga yun?’ halo halo ang inis at pagkalito sa isip ko.
“Edi mag sama kayo nyang mga kabit mo kung sino man yan” galit na sabi ko sa kanya at sabay alis sa lugar na yun.
“tss asawa asawa,ano pala ako kabit?”sigaw ko habang naglalakad palayo pero…. “Mahal naman i love you sorry na po” pacute sakin ng gf ko, habang nakayakap mula sa likuron ko. “Hehe mahal, okay na ba ako mag acting?” palokong tanong ko sa kanya. “mweheheh”
PAK! sapak nya sakin at biglang nag walk in (oo walk in kasi nasa labas kami). Lagot ako nito huhuhu “MAHAL!” pahabol na sigaw ko sa kanya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top