Ang utangera kong kapitbahay


Ang utangera kong kapitbahay
Author:Lindsay Agguidd🌻
Ilang dekada na akong naghihintay na mabayaran ng utang ng aking walang hiyang kapit-bahay. Isang araw ay naglakas-loob akong pumunta sa kanilang bahay upang maningil ng utang. Nakailang katok na ako bago bumukas ang pintuan ng kanilang bahay.
” Baka pwedeng bayaran mo na ako ngayon , kakailanganin ko kase ang pera eh. ” Malumanay na sabi ko sa aking kapit-bahay.
” Ilang beses ba kitang dapat pagsabihan na sa katapusan na dahil wala akong pera ngayon?! ” Inis na sabi nya sa akin.
” Eh puro ka katapusan eh , gusto mo tapusin ko na buhay mo?! ” Galit na sabi ko sa kanya.
” Hindi ka...


ba talaga makapaghihintay?! ” Nakapameywang na sabi nito.
” Aba ikaw pa ang galit eh ikaw nga ‘tong may utang sa akin?! ” Bulyaw na sabi ko rito at dinuro ko ito.
” Nag-skandalo ka na naman sa pamamahay ko ipapa-pulis kitang hayop ka! ” Pagbabanta nito.
” At ipapa-Tulfo din kitang bwakang-inang shit ka ang kapal ng kalyo mo sa mukha! ” Pagbabanta ko rin rito at napatda sya.
” Oy ikaw naman di ka mabiro , wait teka lang kukuha muna ako ng pera sa loob. ” Mahinang sabi nya.
Tulfo lang pala ang katapat ng fucking kapit-bahay ko eh kaya sa susunod na magpapa-utang ako si Tulfo na ang papasingilin ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top