Dangerous Love Chapter 4


Dangerous Love❤️
💮Chapter 4💮
Kinaumagahan ay nag aalmusal na sina Don.Salazar, Mr. Alex Salazar, mrs. Janet , si Jordan at Si Aiden.
“Balita ko dad, si Jordan ang gusto nyong magpalago sa bagong restawran na bubuksan nyo ngayon?”
Sabi ni Mr.Alex
“Mabuti namn at nagising na kayo sa katutuhanan na mas may pakinabang si Jordan sa Companya nyo kaysa paborito nyong apo na si Aiden na puro sakit lang sa ulo ang binibigay nya syo. ” Sabi ni Janet ang ina ni Jordan.
Tahimik lang na kumakain si Aiden.
Samantalang isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ng matanda.
Nang matapos mag almusal ni Jordan ay tumayo na sya sa hapagkainan.
“Kailangan kona pong umalis ng Maaga. ”
Umalis na si Jordan.
“Anong plano mo sa buhay Aiden. Tingnan mo si Jordan lahat gagawin mapatunayan lang na karapatdapat syang maging taga pagmana pero ikaw kung wala kang ginagawa? ” Sabi ni Don.Salazar kay Aiden.
“Sinabi ko naman sa inyo wala akong paki alam sa companya o sa mana nyo. Wala akong paki alam kung lahat nyo ibigay sa lalaking yun. Nawalan nalang ako ng ganang kumain. ”
Tumayo na si Aiden para umalis.
“Saan ka naman pupunta?” Galit na sabi ng matanda
“Ipagpapatuloy ko parin ang paghahanap ko kay Roxanne. ”
Natawa nalang si Mrs.Janet.
“Oh c’mon. . Aiden dalawang taon monang hindi nahahanap ang babaing yun. Sumoko kanalang sa paghahanap sa kanya. Wala ka rin lang namang mapapala sa paghahanap naghahanap ka sa wala”.
“Mahahanap ko sya kahit saan man lupalot sya nagtatago. ” Tuloyan nang umalis si Aiden..
” Tingnan mo nga ang ugali ng anak mo. Nagmana talaga sayo..” sabi ni Janet kay Mr. alex.
” Kung tinikop mo lang sana ang bibig mo di sana maayos na nag aalmusal ang dalawang yun.. pati ako nawalan din nang gana..”
Umalis na din si Mr.Alex at naiwan lang sa hapagkainan si Don.Salazar at Janet.
“Kailan mo parin ipagpipilitan ang sarili mo sa pamamahay na ito. ”
“Well. . Wala akong balak umalis dahil may karapatan din akong manirahan dito dahil ako ang ina ni Jordan. At balang araw pakakasalan din ako ng anak nyo. ”
“Hinding hindi yun mangyayari”
“Talaga lang huh. Kahit anong gawin nyo magiging parti din ako ng pamilya nyo. At malapit na akong maging si Mrs. Janet Salazar. ”
Pang iinis nya sa matanda.
Hindi nakatiis ang matanda kaya iniwanan nalang nya ang babaing iyon.
Hindi talaga nya gusto ang babaing yun para sa anak nyang si Alex. Kung hindi lang sana namatay ang Dauther in law nya. Wala sana ang babaing iyon sa mansyon na ito.
Napangiti lang si Janet sa pag alis ng matanda. Gustong gusto talaga nyang inisin ang matanda.
“Sisiguraduhin kung mapupunta lahat sa ng mana sa anak kong si Jordan.”
Samantalang kakabukas lang ng Restawran at marami rami na rin ang inimbatahan nila para event na iyon.
Masamang nakatingin si Summer sa mag ama na sina Mr.Alex at Jordan na nakikipag kwentuhan sa mga costumer na nandoon.
Biglang may lumapit na kasama ni Summer.
” Hoy! Summer Parang ang sama ng tingin mo sa mag amang yun”.
” Naku hindi ganito lang talaga ako tumingin. ”
” Ang dami pa nating aasikasuhin. ”
Matapos ang event sa Restwaran na iyon pina uwi mona sila ng maaga. Pero bukas...


na bukas ay maaga silang papasok dahil magsisimula na silang magtrabaho doon.
Bago pumunta si Summer sa Bar ay dumalaw mona sya sa nanay nya sa hospital. Pinatulog mona nya ito bago pumunta sa Bar
“Nanay… Wag ho kayong mag alala. Malapit na akong makaipon ng pampa opera nyo. Kunting tiis nalang po. Pagaling po kayo. ”
Kinumotan nya ng maayos ang nanay nya at umalis na sa Hospital para magtrabaho sa Bar.
” Hindi parin ba kayo nakakakuha ng pamalit saakin? “Tanong ko kay Clara.
“Wala pa kasing nag aapply. Please habang wala pang nag aapply na pumalit sayo. Manatili ka mona dito. Para naman mas malaki pa ang maiipon mong pera para sa nanay mo.”
“May punto ka doon. Malaki nga ang maiipon ko kung wag mona akong umalis dito.”
” Tama yan Sisssy. . Wag kang mag aalala hindi na mauulit ang nangyari sayo noong isang araw. ”
“Sana nga hindi na iyon maulit pa. ”
Matapos ang pag uusap ng dalawa ay pupunta mona si Summer sa CR kaya lang hindi nya inaasahan na makikita nya doon si Aiden. Sinasabi na nga ba nya na magkikita sila sa lugar na ito.
Pero kailangan parin nyang iwasan si Aiden. Malaki ang atraso nya kasi sa lalaki. Hindi kasi maganda ang unang pagkikita nila.
Galit na galit naman si Aiden sa kausap nyang lalaki.
“Hanggang ngayon wala parin kayong magandang balita kung paano natin mahahanap si Roxanne.”
“Wala talagang alam ang pamilya nya sa pagkawala ni Roxanne. Ilang buwan na akong nagmaman man sa bahay nila para makakuha lang ng information pero wala talaga. At ito pa ang nalaman ko tungkol kay Roxanne”
“Siguraduhin mong magandang balita yang sasabihin mo. Kundi lagot ka saakin” Galit na sabi ni Aiden.
“Ayy kung ganon wag konang sabihin. Tungkol pa naman ito kay Roxanne.”
“Ide sabihin mona”
“Eh sabi nyo pag hindi maganda lagot ako sa inyo.”
“Okey binabawi kona ang sinabi ko. Sabihin mona ang tungkol kay Roxanne. ” Pilit na pinapakalma ni Aiden ang sarili nya na wag magalit.
“Nalaman ko kasi na Ampon lang pala si Roxanne. Ibininta si Roxanne ng ina nya sa mayamang mag asawa na iyon. Hindi kasi sila mag ka anak kaya inampon nalang nila si Roxanne. ”
“Oh. . Anong connection ng nalaman mo tungkol kay Roxanne . May maitutulong ba yan sa paghahanap natin sa kanya?. ”
“Wala naman. . Pero naisip ko na baka pumunta o nagtago si Roxanne sa mga tunay nyang mga mGulang”
” Ang tanong sino ang mga magulang nya.” Inis na sabi ni Aiden.
“Yan ang kailangan kong malaman. O sya sigi kailangan ko nang umalis. Babalitaan nalang kita pag may nalaman pa ako”
Umalis na ang lalaking kausap nya at mag isa lang umiinom si Aiden.
May babaing lumapit kay Aiden.
“Hi.. hondsome gusto mo ba ng kausap” pang aakit nyang sabi kay Aiden.
“Can you please. . Stay away from me . Hindi ko kailangan ng kausap.” Galit na sabi ni Aiden sa babai
“Che diyan kana nga.”
Umalis na ang babai.
Nagpatuloy lang sa pag inom ng alak si Aiden.
Kailangan mona nyang magbanyo bago umowi.
Habang papasok sya sa CR ay hindi nya inasahan na makakasalubong nya si Summer.
Gulat na gulat naman si Summer ng makitang nagkasalubongan sila ni Aiden.
To be continue.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top