CRAZY EX-WIFE” CHAPTER 3


CRAZY EX-WIFE”
CHAPTER 3
– LORRAINE –
Lumingon agad ako ng sabihin ni Mark na hiwalay na kami. Alam ko galit syA sakin pero Tama bang hiwalayan ako ng Hindi pa kami nakakapag usap ng maayos?
” Ano ? Hiwalay? Limang taon na Tayong nagsasama, ngayon kapa nagdesisyon na hiwalayan ako?! Tumatanda na tayo Kaya tigilan na natin Ang kadramahan natin sa buhay! ”
” Hindi nako masaya sayo Lorraine! Gusto ko ulit maging malaya! Gusto Kong lumayo sayo para mabuo ulit Ang sarili ko kasi sa loob ng limang taon na yon sayo Lang umikot Ang Mundo ko Kaya ngayon gusto ko ng makawala sayo! ”
” At sa tingin mo , Ito Yung pinakamadaling solusyon para Lang sumaya ka? Ang mawala ako sa buhay mo?! Kelan kapa nag umpisang talikuran at sukuan ako? Mark Ang Dami na nating pinagdaanan at kinaya natin lahat yon dahil Ang Sabi mo Basta magkasama tayo kakayanin natin! ”
” Binigay ko sayo lahat Lorraine at ngayon ubos nako! May mga bagay na kinaya natin magkasama nuon pero may mga bagay din na dapat nating Kayanin mag-isa ngayon! Kung ipipilit Lang natin Ang sarili natin sa isat-isa mas Lalo Lang tayong magkakasakitan. Alam Kong alam mo na dito na tayo pupunta Kaya tanggapin mo nalang ”
” Wala akong alam Mark! Walang-wala sa bokabularyo ko na darating tayo dito Kaya hinding-hindi ko matatanggap to! Ako lang magsasabi Kung kelan tayo matatapos! Hindi Ikaw Ang magdededisyon! Walang divorce sa pilipinas Kaya utang na loob umayos ka Mark! ”
” Pwede naman tayong maghiwalay kahit walang divorce! Kapag hinayaan na natin mabuhay nang Hindi magkasama masasanay ka Rin! Kapag Hindi na nagsasama sa Isang bubong Ang mag asawa pwede naring iconsider na hiwalay yon ! Alam Kong Ang kinakatakot mo Lang naman ay wala Kang makasama sa buhay. Wag Kang mag alala Lorraine, marami pang magmamahal at tatanggap sayo na iba . Talagang Wala ka ng maaasahan sakin Kaya mas mabuti pang umalis kana at magsimula ka ulit ng bagong buhay nang Wala ako. Tinalikuran ako ni Mark matapos nyang sabihin sakin Ang pinaka ayaw Kong marinig Mula sa kanya .
” Ay! Ang drama naman! Ano tapos na Ang palabas Lorraine? Malinaw na sayo? Ulitin ko pa? Ayaw na sayo ng kapatid ko! HAHAHAAHA”
Wala na akong nasabi at nagawa . Wala ng kahit ano pang gustong lumabas sa bibig ko dahil sinabi nya ng lahat. Sobrang sakit sa dibdib ng mga binitawan nyang salita .
” Lorraine, mas mabuti narin siguro Ito, kapag Hindi na masaya Ang relasyon hahantong talaga sa hiwalayan Kaya bago pa tuluyang lumala Ang sakit palayain na agad Ang isa-isa. Matapang ka at alam kong Kaya mo. Makakahanap kapa ng lalaking gaya ng anak ko. ”
Halos hindi ko maigalaw Ang mga paa ko paalis.
” Manang! Pakihatid nga Ang babaeng to sa labas! Baka dito pa mawalan ng Malay to! Bilis! ”
” H-Hindi na kailangan! Kaya ko Ang sarili ko! ”
Sa huling pagkakataon ay sumulyap ako sa asawa ko.
🎶 ‘ Di ko alam Kung Tama ba Ito 🎶
Lilisan ako upang maintindihan ko
Ang puwang sa puso at isipan
Kailangang gawin ngunit masasaktan
” Sige tanggap ko na ngayon na hanggang dito nalang talaga tayong dalawa. Pwede ka ng humarap sakin dahil Hindi na Kita kukulitin. Gusto ko Lang Makita Ang Ex- husband ko bago ako umalis. Pwede mo bang gawin yon? Sa huling pagkakataon Mark. ”
Humarap sakin si Mark pero Hindi nya ako matitigan sa Mata .
Sinikap Kong ngumiti sa kanya.
🎶 Iiwasan Ko’ng landas nating pinagdaanan 🎶
Pipilitin kong kalimutan ka
” Paalam Mark, Hindi ko mapapangakong makakalimutan Kita dahil Ikaw Ang pinakamagandang nangyare sa buhay ko. Kayo ng anak natin. Salamat sa pinaramdam mong pagmamahal sa mahabang panahon . You’re still the best man for me. Mag-iingat ka palagi ”
Nang balak nya ng tumingin sa Mata ko ay tumalikod nako sa kanya baka kasi Hindi ko talaga Kayanin lumayo sa kanya. Kahit na sabihin nya sakin na Hindi nya na ako Mahal may parte parin sa puso ko nagsasabing may pag asa pa kami kahit walang-wala na.
🎶 Hanggang dito nalang 🎶
Pilit ko mang ipaglaban ating pagmamahalan
Ito’y balewala sapagkat ako’y iniwan
Hanggang dito nalang , Ikaw itong nagpaalam
Alam Kong Hanggang dito nalang
Tumakbo ako palayo sa kanila. Gusto Ko na sobrang layo Ang marating ko .
It’s rainy season. Gantong panahon din ako nawalan ng Mahal sa buhay. The more na nababasa ako the more na gusto Kong ilabas lahat ng sakit. Nagagalit ako sa Mundo dahil bakit sa akin pa nangyare to. Unang nawala Ang mga magulang...


ko, pangalawa Ang anak ko at ngayon naman , Ang asawa ko. I’m so lost, to the point na nawawalan nako ng gana sa lahat ng bagay. Umaagos Ang luha ko kasabay din ng pag agos ng ulan sa buong katawan ko . Walang-wala ako . Walang tinira sakin kahit Isa!
( Flashback )
” Napakaganda ng asawa ko. Kahit na lalaki Ang magiging anak natin hon, gugustuhin ko paring maging kamukha mo. ”
” Basta may Mark sa pangalan, bolero talaga! Hahaha”
” Isang buwan nalang isisilang mo na sya Hindi nako makapag hintay hon. Magiging masayang pamilya na tayo at sisikapin ko pang maging mabuting asawa sayo. Andito lang ako palagi sa tabi mo wag mong kalimutan Yan Lorraine. Habang tumatagal Lalo kitang minamahal at hindi ako magsasawang iparamdam yon sayo ”
” AHHHHH!!! ARAY!!! Anong nangyayare? Anong nangyayare sa baby ko? ” Umagos Ang mga dugo sa hita ko
” Wala na Ang anak natin Lorraine. Patay na Ang baby naten hon ”
” Wala na tayong magagawa. Tanggapin nalang natin ”
” Tanggapin ? Lorraine anak mo Yong nawala Hindi bagay at lalong Hindi lang Isang hayop! Bakit madali lang para sayo?”
” Umiyak man ako ng dugo Hindi ko na maibabalik Ang buhay nya! ”
” Umiyak ka ngayon sa harap ko! Ipakita mo manlang sakin na nasaktan Karin sa pagkawala nya! Lorraine umiyak ka! ”
“Mark Hindi ako naiiyak! At Wala akong dapat iiyak dahil alam Kong may dahilan Kung bakit nangyare yon. Kailangan nating magsimula ulit. Pwede pa naman tayong magka anak ulit”
” Anong klase Kang Ina?! Wala Kang puso! Sarili mo Lang iniisip mo! “.
” Hindi nako masaya sayo Lorraine! Gusto Kong lumayo sayo para mabuo ulit Ang sarili ko. Binigay ko sayo lahat ngayon ubos nako. May mga bagay na kinaya natin magkasama nuon pero may mga bagay din na dapat nating Kayanin mag Isa ngayon . Kung ipipilit Lang natin sarili natin sa isat-isa Lalo Lang tayong magkakasakitan . Marami pang magmamahal at tatanggap sayong iba. Talagang Wala ka ng maaasahan sakin. Magsimula ka ulit ng bagong buhay ng Wala ako ”
” Kapag Hindi na masaya Ang isang relasyon hahantong talaga sa hiwalayan Kaya bago pa lumala Ang sakit palayain na agad Ang isat-isa”
🎶. Sabi mo sa akin , ako’y iyong Mahal 🎶
Ako’y Hindi iiwan , magsasama habang buhay
Anong nangyari sayong pangako?
Na aking pinaniwalaan, tamis ng kahapon
Di maintindihan sakit na nararamdaman
Pipilitin kong kalimutan ka
Bakit umabot kami sa ganito? Hindi ko akalain na darating Ang araw na ito.
🎶Hanggang dito nalang 🎶
Pilit ko mang ipaglaban
Ating pagmamahalan
Ito’y balewala sapagkat ako’y iniwan
Hanggang dito nalang ,
Ikaw itong nagpaalam
Alam Kong Hanggang dito nalang
” Paalam Mark. Salamat sa pinaramdam mong pagmamahal sakin sa mahabang panahon .tanggap ko na Hanggang dito nalang talaga tayong dalawa ”
🎶Malaya kana, sa’yoy paalam na 🎶
Kahit masaktan man ako
Hanggang dito na lamang Ito…
🎶 Hanggang dito na lang 🎶
Pilit ko mang ipaglaban
Ating pagmamahalan
Ito’y balewala sapagkat ako’y iniwan
Hanggang dito nalang
Ikaw itong nagpaalam
Alam Kong Hanggang dito nalang
Nanghina ako at talagang Wala ng maramdaman pang lakas. Di ko na alam pero naramdaman kong nakahiga nako sa Kung San man at bago ako tuluyang pumikit bumalik nanaman sa ala-ala ko Ang nakaraan ko
” Akala nyo ba matatakasan nyo ako?! Kahit San Kayo tumago mahahanap ko parin kayo at bago pa kayo tumago ulit papatayin ko na Kayo! ”
” Maaaaaaa!!! Paaaaaa!!! Gumising kayo! Wag nyo akong iiwan!! ” Dalawang putok Lang ng baril namatay Ang mga magulang ko. Kitang-kita ko Kung Pano umagos Ang dugo sa puso nila. Hinding-hindi ko makakalimutan Ang pagmumukha ng pumatay sa kanila. Ang mga demonyong halakhak nila at Ang paghalay nila sakin.
” Maawa kayo please? Wag nyong gawin sakin to! Pakiusap! ” Hindi nila ako pinakinggan kahit ilang beses akong nagmakaawa. Mga demonyo talaga sila. Pati ako na walang kaalam-alam sa problema nila dinamay nila. ”
” Bayad na Ang mga magulang mo samin! HAHAHAHA ”
” Patayin nalang din Kaya natin to? Para Wala ng problema? ”
” Hindi na! Sigurado namang mawawala na Yan sa tamang pag iisip ! “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top