KAPAG SINABIHAN KA NG FLAT CHESTED, IPAHAWAK MO


KAPAG SINABIHAN KA NG FLAT CHESTED, IPAHAWAK MO”
By: Marinella
“Pst Nel! Ipagluto mo kami ng meryenda.”
Iniangat ko ang tingin ko sa kuya ko, tumingin din ako sa tropa nyang naglalaro ng pusoy. Psh!
“Ikaw na, busy ako.”
Ani ko at ibinalik ang tingin sa pagbabasa.
“Ikaw na, french fries gusto ko.”
Huling sinabi nito at bumalik sa mga kaibigan nya.
Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa kusina at maghanda ng lulutuin.
“Parang tanga! Pwede naman sya ang magluto!”
“Bakit ako pa?!”
Reklamo ko habang nagluluto.
Maya maya ay natapos na ako, ngayon ay inihahanda ko ang mayo-ketchup para sa dip.
Lumapit ako sa pinaglalaruan nila at iniabot ang fries nang maramdaman kong may dumampi sa dibdib ko.
“Bastos!”
Sigaw ko na ikinagulat nila. Napadampi kase ang braso ni Luke sa boobs ko. Si Luke ay poging kaibigan ni kuya.
Tinitigan nya ako at umismid. Sungit ng haup na ito.
“Nel!”
Saway ni kuya sa’kin.
“Kuya k-kase itong si Luke!”
“Tss, arte mo. Wala namang laman yan.”
Halos mabali ang leeg ko sa biglang paglingon Kay Luke.
“A-ano?!”
Kunot noo akong lumapit sa kanya.
“Anong sabi mo?!”
Dinuro duro ko s’ya pero...


hindi ito nagpatinag.
“Flat chested”
Naningkit ang mata ko dahil sa inis.
“Bawiin mo sinabi mo!”
“Flat”
“PADER”
Nagtawanan silang lahat pati na ang kuya ko.
“Flat pala huh!”
Pagkasabi ko non ay agad kong hinila ang kamay nya at idinampi ang palad nya sa dibdib ko.
Napasinghap ang tao sa paligid dahil sa ginawa ko. Bakas ang gulat sa mata nila.
Pilit nyang inalis ang kamay nya pero hindi ko ito binitawan. Namumutla narin siya.
“Ngayon. . . Flat ba ako?”
Nakataas kilay kong wika habang mas dinidiin ang palad nya.
Natameme sya sa tanong kong iyon.
“Flat ba ako Luke?”
I said using a sweet voice. Nagtitigan kami at napansin ko ang mata n’ya na nag iinit.
“H-hindi” utal nyang sambit.
“Good!”
Ani ko at tinapik ang kamay nya. Tumalikod ako at umalis sa Sala.
“Luke, malambot ba?”
Rinig ko pang tanong nila kay Luke.
“Gsgu!”
Mura ni kuya at ni Luke sa mga kasama nila.
Iyon ang huli kong narinig nang makapasok na ako sa kwarto ko.
Napahalakhak ako at napakamot sa batok ko. So I have an effect on him. Tsk tsk!
Tandaan girls; Kapag sinabihan kang Flat, ipahawak mo.





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top