BESTFRIEND TURNS BOYFRIEND🍂 PART 3


BESTFRIEND TURNS BOYFRIEND🍂
PART 3
“Oh yan na order mo! ” sabi niya bago inabot yung tray.
“Ang daming spaghetti naman nito!” pag reklamo ko sa kanya.
“Para tumaba ka naman! Ang payat payat muna eh.” Usal niya bago umupo.
“Huyy, sexy tawag dito hindi payat!” wika ko
“Kumain ka na nga lang dyan!” reklamo niya bago sumubo ng pagkain. “Siya nga pala Kyle! Bakit dito ka? Diba dapat dun ka kaibigan mo?” tanong ni Macky kay Kyle.
“Ang totoo, nag bago na siya.” sagot niya
“Wag niyo na siyang pag usapan, kumain na tayo!” sabat ko.
Hindi ako maka paniwalang pati kaibigan niya ayaw na sa kanya. Ano ba talagang nangyayari sayo Neil?
Binaling ko yung tingin ko kay Jackie, nakatingin lang siya sakin habang naka ngisi. Tsk, saya niya.
“Wag mo nang tignan! ” usal ni Macky ng makita akong Nakatingin kina Jackie.

“Tapos na ako!” Usal ko bago tumayo.”Mauna na ako hah!” paalam ko
“Sige nah, palagi mo naman ginagawa yan! ” Sagot ni Macky habang si Kyle tahimik lang na kumakain.
Umalis na ako ng cafeteria at dumiretso na sa classroom, wala kasi akong magawa eh.
Matutulog na sana ako ng
“Lonely?” tinaas ko yung ulo ko para makita kung sino yung nagtanong.
Its Win! Ano namang ginagawa nito dito.
Tinignan ko lang siya bago...


niyuko ulit yung ulo ko.
“Puwede mo naman silang gantihan kung gusto mo! ” Dagdag niya.
“Wala na akong pakialam sa kanila! ” sagot ko.
“Talaga? ” Tanong niya kaya tinignan ko siya ng walang ekspresiyon sa mukha.
“Its been a month, naka move on nako! Kaya kung ikaw balak mong gumanti, gawin mo mag isa! Wag mo akong idamay!” Sagot ko.
“Oo, tama ka nga! Hindi ko parin tanggap yung nang yari! Ang pangit ng boyfriend tapos pag papalit lang ako sa kanya? ” Usal niya, feeling din naman nito.
“Iwan ko nga din dun kay Neil, ang pangit ng girlfriend mo pero pinalit lang sakin! ” Sagot ko kaya napa ngiwi naman siya.
“Ano ganti tayo?” tanong niya bago umupo sa upuang katabi nung sakin.
“Kung sakaling gaganti tayo, ano namang gagawin natin? ” Seryusong tanong ko.
“Mag pretend tayong inrelationship tayong dalawa! ” sagot habang habang naka ngisi.
“NO!” sigaw ko at bahagya naman siyang nagulat sa tugon ko. “Never kong gagawin yun no! ” Dagdag ko.
“Arte naman nito, pretend lang naman! Grabe ka maka NO! Parang pinandidirian mo ako! ” Sabi niya sabay pout. Ang pangit!
“Alam mo, kung gaganti ka! Wag mo namang ipahalata na gumanti ka! ” saad ko
“Sige nga, anong paraan ba yung naiisip mo?” direktang tanong niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top