HIS LOVELY OBSESSION Kabanata 2


“Wala kang karapatan na tratuhin ako ng ganito. Hindi mo ako kilala. Kung gusto mo ng babaeng magpapainit sa gabi mo, pasensya na dahil nagkamali ka ng nilapitan. Hindi po ako gano’n.”
Hindi niya inabalang punasan ang kanyang basang mukha. Nakatingin lang siya sa akin.
“Kung wala na po kayong sasabihin, aalis na lang po ako.” malumanay kong sabi.
“You have the courage to turn your back on me after what you’ve fucking done, huh.”
Nilingon ko siya. “Ano po ang gusto niyo? Manatili ako rito para patuloy niyo akong insultuhin.”
Napahilamos siya sa kanyang mukha. “Damn it!” malutong niyang mura.
“Why are you so angry, then? Kung hindi totoo ang paratang ko sa’yo, hindi ka magagalit ng ganito. You sounds guilty.” aniya.
“Galit ako dahil minamaliit mo ang trabaho ko. Galit ako dahil hindi mo ako nirerespeto. Galit ako dahil sa’yo. Sinabi ko ang mga ‘yun hindi dahil guilty ako o kung anuman ang tawag mo roon kundi dahil iyon ang totoo.” mariin kong sabi.
“Shut the fucking up.”
Tumango ako. Tinalikuran ko na siya pero humarap muli nang may mapagtanto.
Kinuha ko ang puting panyo sa bulsa ko at inabot sa kanya.
Kunot noong tinignan niya ako. Pagkatapos bumaba ang tingin niya sa panyo.
“Punasan mo ‘yang mukha mo. Humihingi ako ng tawad sa nagawa ko kahit ikaw naman talaga ang may kasalanan,” Labag sa kalooban kong sinabi.
Mahirap na baka isumbong niya ako kay Madam Kemery. Hindi ko na alam kung saan hanggan ang galit niya sa akin, baka nga palayasin na niya ako ng tuluyan dito.
Nakatitig lamang siya sa akin. Hindi siya gumalaw para kunin ang panyo.
Naiilang tuloy ako sa paraan ng titig niya. Nang hindi ko na kayang salubungin ang tingin niya ay inilapag ko ang panyo sa mesa. Atsaka ko siya tinalikuran at hindi na lumingon ulit.
Sa gitna nang trabaho ko, malakas ang kabog ng puso ko dahil baka anumang oras ay ipapatawag ako ni Madam Kemery dahil sa ginawa ko sa mayaman at ipinagmamalaki niyang si Mr. Defuente.
Kung tutuusin hindi ko naman talaga kasalanan. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko sa mga paratang niya sa akin.
Nang mag-a-alas tres na ay nag-out na ako. Kinakabahan pa ako dahil baka bigla na lang may tumutok ng baril sa akin sa labas dahil sa ginawa ko kay Mr. Defuente.
Malinaw pa sa isip ko ang naging reaksyon niya no’ng sinampal at binuhusan ko siya ng alak sa mukha. Mas lalong nagliyab ang galit sa kanyang mata. At kung hindi pa ako umalis no’n sa harapan niya ay baka tuluyan na akong naging abo sa klase ng titig niya.
At ngayon ko lang napagtanto na may dala pala siyang baril. Naalala ko pa no’ng walang pag-aalinlangan niyang itinutok ang baril kay Mr. Ruiz. Hindi din malabong gawin niya sa akin ‘yun.
Pinanggigilan kong kinagat ang pang-ibaba kong labi habang pinapagalitan ang sarili.
Sana pinigilan ko na lang ang sarili ko kanina at hinayaan ko na lang ang mga masasakit na salitang ibinato niya. Hindi naman bago sa akin na makarinig ng ganoon salita pero bakit sa kanya? Sobrang apektado ako?
Tapos ngayon malaki ang problema ko kung paano ko lulusutan ang lalaking iyon kung sakaling babalikan niya pa ako. Sana na lang talaga hindi na siya magpapakitang muli.
Nakahinga ako ng maluwag nang walang Saint Defuente ang nabungaran ko sa labas. Ligtas naman ako na nakauwi sa bahay. Naligo rin ako pagkatapos. Nakatulog din agad dahil may pasok pa ako mamayang alas nuebe.
“Aviona!”
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Tyron, ka-klase ko sa isang subject. Hindi ko namalayan nakasunod pala siya sa akin.
“Kumain ka na?” aniya sabay kamot sa kanyang batok. Dahil sa sobrang puti niya, nakita kong unti-unting pumula ang magkabilang pisngi niya.
“Hindi pa. May tatapusin pa ako sa library, eh. Bakit?”
“Akala ko hindi pa. Yayain sana kitang mag-lunch sa canteen. Libre ko,” sabay ngiti niya sa akin ng matamis.
Nahihiyang tumingin ako sa kanya. Pang ilang beses na ba siyang nagyaya sa akin? Hindi ko na matandaan. At pang ilang beses ko na rin siyang tinanggihan? Ewan ko din.
Sa dami kong ginagawa araw-araw, hindi ko na matandaan kung sino-sino ang tinatanggihan ko. Mas priority ko kasi ang pag-aaral.
“Salamat, Tyron. Pero kailangan ko pa kasi na tapusin ‘tong binigay ni Mrs. Ferrer. Pasahan na kasi mamaya.” sabi ko sabay angat sa folder na hawak na naglalaman ng proyekto ko para ipakita sa kanya.
Kaunti na lang ang hindi ko pa natapos. Hindi ko kasi nakayanan kagabi dahil sa antok at pagod sa trabaho.
Bumagsak ang balikat niya. Nakonsensya naman ako dahil pang-ilan na akong tumanggi sa kanya.
“Sige. Sa susunod na lang.” naunahan na niya ako kaya tinanguan ko na lang siya bago tinungo ang library.
Mabilis dumaan ang kamay ng orasan at hindi ko namalayan pauwi na ako sa amin. Kasalukuyan akong nagpapalit ng damit para sa night shift ko sa bar na pinapasukan.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko no’ng hindi ko namataan si Mr. Defuente. Pero pagkaraan ng ilang oras, nagkamali pala ako.
“Sa VIP room ka, Aviona. Sabi ni Madam Kemery.” Bungad sa akin ni Sasa, waitress din.
Napalunok ako. Bigla na lang kumabog ang puso ko sa kaba sa...


hindi ko alam na dahilan.
Teka nga, Aviona. Hindi ka pa naman nakakasigurong siya ang nasa silid na iyon, di ba? Bakit kabado ka diyan? ani ng isip ko.
Pagbukas ko nang pintuan ay bumungad sa akin ang tatlong lalaki, isa na doon si Mr. Defuente. Mukhang hindi nagkakalayo ang agwat niya sa dalawang kasama.
Agad nabaling sa akin ang tingin nila nang maramdaman nila ang presensya ko.
Nakita ko kung paano ako hagurin nang tingin ni Mr. Defuente. Sakto lang ang lamig dito sa loob ngunit pinagpapawisan ako sa klase ng tingin niya.
“You two can go now,” ani Mr. Defuente sa dalawang kasama.
“Kararating lang namin tapos palalayasin mo na agad kami.” sabi no’ng mukhang mas bata sa kanila.
“I thought you just want to know my whereabouts.” sabi ni Mr. Defuente. Atsaka niya tinungga ang baso na may alak. Nakita kong tumaas-baba ang adam’s apple niya dahil sa pag-inom.
Swabe niyang dinilaan ang kanyang pang-ibabang labi at tumingin sa akin.
“Mama wants to know. Not us. Bakit ba kasi umalis ka agad? Kilala mo naman si Mama, gusto no’n kumpleto tayo sa party niya.”
“Nah. Not my cup of tea.” baliwalang saad ni Mr. Defuente.
“Nandito na rin kami. Sasamahan ka nalang namin, Saint.” wika no’ng mas bata sa kanilang tatlo.
Doon na ako binalingan ng tingin no’ng dalawa. Tila naman ako napako sa kinatatayuan ko. Inaamin ko marami na akong nakitang gwapo mula sa telebisyon at mga customer dito pero hindi ko akalain may mas pang nag-uumapaw ang angkin ka-gwapohan nang makita ko sila.
“Don’t look at her.” banta ni Mr. Defuente sa dalawa ngunit nginisian lang siya ng dalawa.
“Why not? She’s beautiful. May mata kami para titigan siya.” ani ng isa na agad naman sinang-ayunan nung mas bata.
“Don’t lose my patience, Kairus.” mariin ganti niya sa nangangalang Kairus.
Tumayo ‘yong mas bata sa kanilang tatlo. “Hi. I’m Silas. What’s your name?” nakangiti siya sabay lahad sa akin ng kanyang kamao.
Nahihiya pa ako no’ng una kung tatanggapin ko ba ang pakikipagkamay niya pero kalaunan ay tinanggap ko din ito.
“A-aviona po, Sir.” aniko.
Ngumisi naman siya. Nagulat ako no’ng may umagaw sa kamay ko kay Silas.
“Kairus here,” ani no’ng umagaw sa kamay ko.
Matamis akong ngumiti sa kanila nang makita kong nginitian nila ako. Malayo sa palaging nakabusangot na mukha ni Mr. Defuente.
Ngayon ko lang napansin sa malapitan ang itsura nila. May pagkakatulad ang mukha nila. Sa makapal na kilay, parehong matangos ang ilong, at malalim na mata. ‘Yun nga lang mas malambot tignan ang mukha ni Silas, siguro dahil siya ang mas bata sa dalawa…..
Naputol ang pag-iisip ko nang may umagaw muli ng kamay ko. Bahagya akong nagulat nang si Mr. Defuente iyon.
“Don’t touch her.” bulyaw niya sa dalawa.
“Why so possessive, brother?” natatawang tanong ni Kairus.
Tinapunan niya ng matalim na tingin si Kairus. Atsaka niya ako hinila palabas.
Narinig ko pa ang halakhakan no’ng dalawa. Mukhang pinagtri-tripan si Mr. Defuente at hindi ko alam kung bakit.
Naguguluhan ako sa mga kinikilos ni Mr. Defuente. Bakit niya ako hinila palayo? Akala ko ba galit siya sa akin dahil sa nangyari no’ng gabi na ‘yun.
“Why are you smiling at my brothers?” tanong niya agad pagkatapos padabog niyang isinarado ang pintuan.
“Kapatid mo sila?” tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kanyang kilay. “Why? May gusto ka sa kanila?”
Nagulat ako sa sinabi niya. “Ano? Wala. Bakit mo naman nasabi ‘yan?”
“Because you’re smiling at them! At hindi sa akin!” bulyaw niya ulit.
Napapikit ako saglit.
“G-ginantihan ko lang ang ngiti nila. A-atsaka mukha naman silang palakaibigan…..” nauutal kong sabi.
Iniiwasan kong mapatingin sa mata niya ngunit nahuhuli niya pa rin ang tingin ko.
“That two brothers of mine wasn’t friendly as you think, Aviona. Believe me. Iisa lang ang buntot namin,” mariin niyang sabi. “At bakit kay dali mo silang bigyan ng ngiti mo? Samantala ang hirap mong ibigay sa akin.”
“Bakit naman po kita ngingitian? Hindi ka naman mukhang palakaibigan.” diretsong saad ko.
Nagsalubong ang makapal niyang kilay. “Tatarayan mo ang hindi mukhang palakaibigan, ganoon ba? That’s so unfair on my part, Aviona.”
“H-hindi sa ganoon…”
“Smile for me, then.”
Kumunot ang noo ko. “Bakit kita ngingitian nang walang dahilan Mr. Defuente?”
Lumapit siya sa akin. Umatras naman ako kaya tumigil din siya.
“I told you to call me by my name. Don’t call me that way. It’s like you were pertaining to my father and my brothers.”
Oo nga pala nakalimutan kong gusto niyang tawagin ko siya sa pangalan niya na ipinagtataka ko ng lubos.
Hindi ako nagsalita dahil naguguluhan pa rin ako sa mga kinikilos niya.
No’ng isang gabi, ininsulto niya ako. Ngayon naman, gusto niya akong ngitian ko siya. Nababaliw na ba siya?
“Now show me your smile?”
“H-huh?” Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya.
“Can you smile for me?” bulong niya.
“Nababaliw ka na ba?” hindi makapaniwalang sabi ko.
Paano ko ba sasabihin sa kanya na ang hirap niyang ngitian? Mas okay sana kung sabihin niyang tawanan ko siya. Madaling gawin ‘yun dahil sa inaakto niya ngayon.
“Smile for me.” Hinawakan niya ang braso ko.
“I said fucking smile for me, Aviona!” sabi niya sa paraang hindi ko kayang tanggihan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top