BEWARE THAT GIRL CHAPTER #02


Kararating ko lang sa bar na pinagtatrabahoan ko ang dami na palang customers kaya agad akong tinawag ni tiya Belen. Sana naman di na ako pagagalitan nito.
“Oh, napa aga ka yata ngayon Jasmin” nagtataka ako sa sinabi ni tiya e paanong napaaga ako nang dating e late akong 5 minutes. Kaya minadali kong gawin ang trabaho ko. Ano kaya nakain ni tiya ngayon parang nasa magandang mood ata siya ngayon. May mga kaibigan rin akong katrabaho ang iba nag- aaral pa katulad ko. Pero di talaga ako palakaibigan dahil di naman ako makikipag- usap kong hindi importante ang usapan. Pangarap ko kasing mag pulis di ko nga alam kung ano ang pumasok sa isip ko na kunin ang course na yun. Malapit ko na kasing matapos ang last semester ko.
Mayamaya pa ay, may nahagilap sa aking mata parang pamilyar yung lalaking nakaupo doon sa dulo ng mesa. Baka siya yung lalaking kausap ko kanina. Ba’t kaya siya nandito sabi kase niya may hinahanap siya. Natigil ako sa pagmuni-muni ng magsalita ang katrabaho kong si Kate.
“Oy, kanina ka pang palinga-linga diyan may hinahanap kaba?” napatingin ako sa kanya saka umiling baka ano naman ang maisip nang isang to.
Natapos na ang trabaho namin at nag uwian na ang ibang katrabaho ko. Napagdesisyonan ko na ring umuwi kasi malapit nang mag dyes nang gabi baka may madaan na naman akong mga lasing sa kalye. Katulad na lang noong nakaraang araw buti na lang may tumulong. Hay naku...


iba na talaga ang panahon ngayon. Nagpaalam na ako kay tiya para umuwi dahil bukas may pasok pa ako. Pumasok na naman sa isip ko yung lalaki kanina bakit kaya niya hinanap yung lalaking nag ngangalang Crisanto. Baka may atraso o di kaya may nagawang masama. Sa tingin ko palang sa lalaking yun parang taga- imbistiga siya. Ay ano ba naman niyan sa dinami-dami kong inisip ba’t iyon ang pumasok sa isipan ko.
Habang nasa daan ako may naaninag akong anino sa gilid nang pader. At kakaiba talaga parang may binugbug pa itong tao. Mas lalo akong kinakabahan babalik na lang kaya ako sa bar parang natatakot na akong umuwi. Pinatatag ko ang sarili ko kaya ko namang lumaban dahil tinuruan kaming depensahan ang sarili namin. Ang kinatakot ko lang baka may baril o ano kaya kutsilyo. Dyusko ayaw ko pang mamatay ang dami ko pang babayaran sa upa. Napabuga na lang ako ng malalim dahil wala na akong naaninag na kung ano kaya binilisan ko ang paglakad dahil malapit na ring gumabi.
Nakarating akong sa apartment kong nanginginig parin ang paa ko. Di ko kasi maalis sa isip ko ang nagyari kanina. Ito na nga ba ang sinabi ko kailangan ko na kasi sanayin ang sarili ko sa lugar nato. Napabuntong hininga na lang ako saka kumain at umakyat na sa kwarto ko para matulog. May pasok pa ako bukas baka lutang na naman ako nito. Kaya natulog na lang akong may gumugulo sa isipan ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top