BEWARE THAT GIRL CHAPTER #01


Nakalipas ang ilang taong pagtatrabaho ni Jasmin sa isang kilalang bar ng kaniyang tiyahin marami ang nagbago sa takbo ng buhay niya. Isang waitress kasi siya at gabi lang ang pasok kaya naisipan mo na niyang mamasyal sa tabi ng dagat . Malapit lang kasi ang apartment niya kapag wala kasi siyang gawin sa bahay nagtatambay lang siya sa may dagat. Ulila na si Jasmin tanging tiyahin na lang ang natirang kamag- anak ng dalagita. Nag- aaral siya tuwing araw kapag gabi naman nag tatrabaho. Kaya linggo lang araw na makapagpahinga siya. Marami rin siyang babayaran para sa upa o di kaya sa pag- aaral. Naitaguyod naman niya ang sarili sa pamamagitan nang pagtatrabaho para may panustus sa araw- araw.
Naglalakad ako ngayon para magpahangin Ang init na kasi lalo na ngayong panahon. Ang sarap sa pakiramdam sa bawat hampas nang alon kasabay ng pag ihip na malamig na hangin parang gumagaan ang pakiramdam mo.
Habang dinadama niya ang bawat ihip ng hangin, natanaw niya ang isang lalaking papalapit sa kanyang direksiyon.
“Miss, pwede mag tanong?” tanong ng lalaki habang nakapamulsa sa kanyang pantalon.
“Oo,ano po yun?” taka kong tanong sa lalaking may katangkaran din sa akin.
“Miss,may kakilala ka bang Crisanto ang pangalan?”napaisip ako parang narinig ko na yang pangalan na yan pero di...


ko alam kung saan. Ano kaya ang sasabihin ko parang di ko naman kilala ang taong yun.
“Ah, sir ipagpaumanhin niyo po wala po akong kilalang Crisanto ang pangalan” tama kaya ang sinabi ko baka pagsisihan ko. Ay bahala na sa totoo di ko naman kilala yun.
“Ah,ganoon ba miss wag kang mag po sa akin e ka edad namin kita pero salamat na lang sige una na ako” pagpapaalam nito. Napangiti naman ako kasi ngayon lang ako nakipag- usap sa tao maliban na lang doon sa bar bawal ang pipi doon baka mapagalitan ako ng tiyahin ko. Di maitanggi sa sarili ko na may itsura yung lalaki muka siyang imbistagador ay ewan ano kaya tawag dun. Kaya naisipan ko na lang umuwi baka mapagalitan naman ako ni tiya Belen kapag na late na naman ako mamaya.
Narito ako ngayon sa kusina nag luluto sa kakainin ko. Pagkatapos kong nagluto naligo kaagad ako para mas maaga akong makarating doon. Alam ko naman yung tiya ko parang armalayt kapag sermonan ako. Pero mabait naman talaga si tiya Belen dahil lagi niya akong pina-alalahanan na doon na lang daw ako sa bahay nila para makatipid ako sa gastos. E ayaw ko naman na pabigat ako sa kanila kaya minabuti kong tumayo sa sarili kong paa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top