Isang Pagkakataon


Hai ako nga pala si julie 13 years old ako ay grade 8 student may taglay rin naman akong kagandahan kaya maraming nanliligaw subalit walang na tipuhan.Isang araw habang akoy naglalakad ay nakita ko ang isang lalaki na nakaupo at napansin ko siya medyo gwapo naman sya tingin ko mabait rin siya iwan ko ba bakit ang lakas ng kabog sa aking dibdib nagpapahiwatig ba ito na gusto ko siya.Pagkatapos ng araw na iyon ay lagi ko na siyang naiisip di siya mawala sa aking isipan.Tinanong ko ang aking isang kaibigan tungkol sa kaniya at kung anong pangalan niya at don nalaman ko na ang pangalan niya ay elmo masaya ako na sa wakas ay nalaman ko rin kung anong pangalan niya.Araw araw ko siyang nakikita para na nga akong stalker na kung san sya pupunta don din lilingun ang aking mga mata iba talaga no kapag gusto mo ang isang tao hahanap hanapin mo siya.

Sa di inaasahan ay may ipakikilala ang aking isa pang kaibigan na gusto daw akong makilala.Akoy nagulat sapagkat siyay walang iba kundi ang lalaki na aking nagustuhan walang iba kundi si elmo akoy natuwa subalit may dalang kaba.Siyay Unang nagpakilala sinabi niya hai ako nga pala si elmo ikaw anong pangalan mo at agad naman akong sumagot at sinabi na ako naman si julie masaya akong makilala ka at don magsisimula ang aming pagkakaibigan na baka ay magkagustuhan sa isat isa.

Simula ng araw na iyon ay palagi ko na syang kasama kasabay kumain umuwi at kamiy magkwekwentuhan sa isat isa di mawala ang saya na aking naramdaman na sinong mag aakala na crush ko ay magiging kaibigan ko.
Mabait din pala siya maalaga kaya mas lalo akong humanga sa kaniya sabi pa niya mag ingat ka palagi ha kung may problema ka nandito lang ako handang dumamay sayo ako naman kinilig na para bang nagpapahiwatig din siya na may gusto siya o kaya akoy mahalaga sa kaniya.Lumipas ang mga araw at buwan mas lumalim pa ang aming pagkakaibigan masaya na kaming dalawa na magkasama at nagdadamayan sa isat isa.

Isang araw habang kaming dalawa’y naglalakad ay huminto siya at di ko akalain na magtatapat siya sa kung anong tunay niyang nararamdaman sa akin sabi niya julie kung sakaling may gusto ako sayo sasagutin mo ba ako sabi ko depende may gusto kaba sa akin sagot niya oo may gusto ako sayo matagal na i ikaw may gusto ka rin ba sa akin sabi ko naman ahm oo gusto rin naman kita.Nakita ko sa mga mata niya na siyay masaya na gusti ko rin siya ako rin naman masaya na gusto nya rin ako.At don nagsimula syang manligaw pinatunayan niya na mahal niya ako di rin nagtagal ay sinagot ko rin naman siya.Masaya kaming dalawang nagmamahalan sweet sa isat isa nag susurpresahan at naglalambingan minsan may kunting tampuhan at selosan subalit naaayos naman akoy masaya kuntinto na kasama si elmo siya rin naman masaya at kuntinto na siya sa akin.

Subalit akala ko ang aming pag iibigan ay walang hangganan subalit ito palay magwawakas ng pabigla bigla dahil isang araw...


may sinabi ang aking kaibigan na may iba na daw si elmo di naman ako naniwala kinompirma ko muna subalit narinig ko mula sa mga labi ni elmo na totoo nga may iba na sya at ang babae rin palang ito may matagal ng gusto sa kaniya.Na tanong ko sa kaniya na hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ibinigay ko sayo may pagkukulang ba ako sabi niya wala patawarin mo ako.Umiyak ako ng umiyak at siya pilit niya akong pakalmahin sinabi ko nalamang sa kanya na segi maghiwalay nalamang tayong dalawa don kana lamang sa bago mo sanay maging masaya kayo agad akong tumayo at lumakad papalayo sa kaniya.Mahirap ang salitang aking binitawan subalit akoy may pinanghahawakan na kung kami mang dalawa ang para sa isat isa ay magiging kami rin naman ulit.

Simula ng araw na iyon ay wala na akong balita sa kanila tinoon ko na lamang ang aking sarili sa mga bagay bagay lalong lalo na sa aking pag aaral para naman maibsan ang sakit na aking nararamdaman at ako parin ay umaasa na balang araw magkikita kaming muli at sanay sa pagkakataong iyon ay kami ay para nasa isat isa kung hindi sila ang nakatadhana sa bago niya kung sila man ay tatanggapin ko.

Habang hawak ko ang aking cellphone at binuksan ko ang aking messenger ay nakita ko ang pangalan ni elmo siyay nag message sa akin ng hai ako naman nagtaka kung bakit siya nag message kaya ni replyan ko siya ng hello oii musta nag reply naman sya na ito ok lang single na ulit ikaw nagulat ako nang sinabi niyang single na siya wala na sila ng girlfriend niya.Ahm ako ito ok lang din at don nagsimula nanaman ang aming komunikasyon sa isat isa di parin siya nagbago sweet parin maaalahanin iwan ko ba para bang bumalik ang pagtingin ko sa kanya tila walang nagbago.kaming dalalway araw araw na nag kukumustahan sa isat isa at nagtatawagan para bang nagpapahiwatig ito na pwede maging kami ulit at ibalik ang dati naming pagmamahalan.

At yun nga sinabi niya na pwede ba maging tayo ulit sabi ko maipapangako mo ba na sa pagkakataong ito ay hindi mona ako sasaktan at ako na ang huli mong mamahalin sabi naman niya na oo maipapangako ko sayo julie sabi ko segehh tayo na ulit at sanay itong isang pagkakataon na ibinigay ko sayo ay wag mong sayangin at don naging kami na ulit nadugtugan muli ang aming naudlot na pag iibigan.Mas lalo pa siyang naging mapagmahal at maalagain at sweet at gentleman kaya masaya na kaming dalawa at ngayon kaming dalaway masaya na nagmamahalan at pinapahalagahan ang isat isa araw araw kaming nagsasabihan ng ilove you in short everyday we love each other.

Totoo nga pala no na pag firstlove mo at mahal mo ay pagbibigyan mo pa talaga ng isang pagkakataon kahit gaano kapa talaga niya nasaktan basta maipakita rin niya na hindi kana niya papakawalan pa.

Hangad ko sanay road to forever na ang aming pagmamahalan.

Salamat sanay magustuhan niyo at may aral din kayong makukuha again salamat.. .






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top