LOST MEMORIES


LOST MEMORIES
Author: yrstrly
———
PROLOGUE
“ANO BA ALLYIAH! Pwede bang layu-layuan mo na ako. Sabi nang hindi kita mahal diba?!” sigaw sakin ni Calvin.
Hindi ako nagpadala sa sigaw niyang iyon sa halip hinawakan ko ang kamay niya.
“C-calvin, ‘di mo na ba natatandaan ‘yung pangako mo? Diba sabi mo magpapakasal pa tayo, diba?” Iyak kong ani sa kaniya.
Marahas niyang ibinalibag ang kamay ko, “Anong sinasabi mo?! Nababaliw ka na ba? Wala akong sinabing ganun Allyiah, wala!”
Meron Calvin, meron. Nakalimutan mo lang…
“Ayoko nang makita ka, kaya please lang Ally wag mo nag guluhin ang buhay ko. Layuan mo na ako pakiusap..” Calvin.
Pasikip ng pasikip ang dibdib ko habang nakikinig sa kaniya. Bumuhos ang luha ko sa mata at hindi ko na napigilan pang manghina.
“S-sige. Ibibigay ko sayo ang gusto mo Calvin pero sa isang kondisyon. Pwede...


bang makasama muna kita ng isang buwan bago ako kita tuluyang layuan?” lakas loob kong sabi sa kaniya. Pilit iniinda ang sakit na nararamdaman ng puso ko.”Please, yan na lang hihingin ko sayo..”
“Ally…”
“Please..just for once, pagbigyan mo ko”.. pagmamakaawa ko.
Yumuko siya at hindi umimik. Pinalipas niya muna ang ilang saglit bago nagsalita.
“J-just.. just for one month Ally. Isang buwan lang ang kaya kong ibigay sayo” huling sinabi niya sakin bago ako tuluyang iwan dito.
“Calvin, mahal na mahal kita. Alam kong mahal mo din ako pero nakalimutan mo lang. Kahit gustuhin ko mang makasama ka nang matagal, hindi na pwede. Masaya na ako sa isang buwan Calvin. Masaya akong mawawala sa mundo kung ikaw ang huling makakasama ko” litanya ko sa kawalan.
I’m Allyiah.
Eighteen.
A college student.
I have a cancer.
And i’m nearly dying.
***
TBC.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top