The Broken Wife Chapter 33


Serenity
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga dahil simula nang umalis kami sa aming bahay ay ito na yata ang sunod na nakatulog ako ng mahimbing dahil sa mga nangyari sa amin. Lumabas ako ng aking kwarto at naamoy ko na agad ang amoy ng kape na siyang nagpakalam sa aking sikmura. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko na sina Linda at Janice na abalang nagluluto ng almusal para sa aming lahat. Si Maria naman ay nasa bakuran at kasama niya ang mga batang naglalaro.
“Oh, kape ka muna.” Alok ni Janice sa akin. “Si Ryker gising na ba siya?” Umiling ako sabay kumuha ng isang baso at isang sachet ng kape.
“Hindi pa. Mukhang natutulog pa siya kaya hindi ko na rin muna siya ginising.” Tumango naman si Janice at tinuloy niya ang kanyang ginagawa.
Nag-alok ako na tutulong na pero sinabi sa akin ni Janice na patapos naman na kaya inayos ko na lang muna iyong hapag-kainan at naglagay na ng mga pinggan at mga kubyertos. Tinulungan ko na rin na maglagay ng ibang pagkain sa hapag kainan at saka tinawag na sina Maria sa labas upang kumain na. Agad naman silang pumasok at nauna ang kambal na tumatakbo papalapit sa amin. Sabay silang umupo at kukuha na sana sila ng pagkain nang sinita ko sila.
“Ryder, Ryleigh did you wash your hands?” Napatigil naman silang dalawa at sabay na tumakbo palapit sa lababo at tinulungan naman sila ni Maria na maghugas ng kanilang mga kamay.
Tamang-tama naman na lumabas na ng kwarto si Ryker at nagkukusot pa ito ng kanyang mga mata. Tinawag na namin siya sa hapag kainan at sabay-sabay na kaming umupo para magsimula na kaming kumain. Maganda ang salu-salo namin at nagtatawanan kaming lahat na akala mo ay wala kami ni isang problema. Nang matapos kaming kumain ay inutusan ko na si Maria na paliguan na muna ang mga bata.
Ako naman ay naligo na sa aming kwarto ni Ryker. Pagkatapos kong maligo ay hinanap ko ang mga tao rito sa bahay at napansin ko na medyo tumahimik ang buong kabahayan. Pumunta ako sa may bakuran sa likod at nakita ko si Janice na nakaupo lamang habang nakamasid lamang siya sa malayo. Ang mga kambal ay nasa may swing kasama ulit si Maria at ang iba ay hindi ko na alam pa kung nasaan na sila. Lumapit ako kay Janice sabay umupo sa kanyang tabi at saka napangiti sa isa’t isa.
“Ang ganda rito noh?” tanong niya sabay tingin sa buong bakuran niya.
Tumango naman ako. “Yes. It’s so beautiful here. Hindi ko alam na may bahay ka pala rito sa Ilocos. Janice? Pasensya ka na at ikaw ang binulabog ko ha? Wala na kasi akong iba na matawagan at mahingan pa ng tulong.”
Ngumiti siya at inabot ang aking kamay sabay pinisil ito ng marahan. “Ayos lang iyon. Isa pa kaibigan kita at para na rin kitang kapatid. Hindi ko lang lubos maisip na nagkaroon ka ng ganitong problema at ganito na pala kalala na halos magtago na kayo. Hindi ko lang maintindihan ng mabuti paano ulit kayo napunta sa sitwasyong ito?” tanong ni Janice.
“It’s about the ex-fiancee of Ryker, Laila. Simula nang makilala ko siya ay nagsimula lang siya noong una ng pananakot hanggang sa umabot na lang kami ng ganito. Noong humingi ng tulong si Ryker sa kanyang kaibigan ay napagalaman ko na siya iyong gustong manakit sa aking pamilya.” Napailing si Janice sa aking sinabi pero pansin ko rin na nagtataka rin siya.
“Oo. Nabanggit mo nga sa akin na iyong kaibigan ni Ryker ay siyang nagbigay ng kahon na may lamang daliri ‘di ba?” Tumango ako. “Kaso ang ipinagtataka ko lang ay bakit ngayon lang naghiganti si Laila at Mark kung matagal naman na...


kayong kasal?”
Napaisip din ako bigla sa sinabi ni Janice dahil kung tutuusin ay dapat noong liniligawan pa lang ako ni Ryker ay sana dumating na si Laila para pigilan ang aming kasal pero umabot pa ng ilang taon ang relasyon namin ni Ryker bago nila kami ginulo. Mas lalo tuloy ako nahihilo sa mga nangyayari at ngayon na may napansin si Janice ay iyon nanaman ang aking iniisip.
Lumipas ang buong araw na wala namang nangyayari nang pagsapit ng gabi ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at nawalan bigla ng kuryente. Agad ko namang pinatulog sina Ryder at Ryleigh dahil biglang umiyak si Ryleigh nang mawalan ng kuryente. Pumunta silang dalawa sa aming kwarto at saka humiga sa aming gitna. Masyado ring madilim kaya siguro umiiyak si Ryleigh kaya naman sinabi ko kay Ryker na siya na muna ang magpatulog sa kanila at kukuha lamang ako ng kandila sa baba.
Pagbaba ko ay nakita kong may nakasindi nang kandila sa ibabaw ng mesa ng hapag-kainan. Mukhang bumalik na rin sa pagkakatulog ang iba kaya naman hinanap ko na lang kung nasaan ang iba pang mga kandila. Nang mahanap ko ito ay wala akong makitang posporo kaya naman binuksan ko na lang iyong gasul at doon sinindahan ang kandila. Habang sinisindahan ko ang kandila ay dinig ang malakas na kulog at kidlat. Pabalik na sana ako sa aming kwarto nang makita ko ang isang anino na galing sa labas ng bahay. Bigla akong napalingon at nakita kong wala namang tao sa labas ng bahay. Isinawalang bahala ko ito dahil siguro sa madilim at umuulan ay kung anu-ano na ang aking nakikita. Pabalik na sana ako sa aming kwarto nang may marinig akong kumalabog sa may mismong main door ng bahay. Paglingon ko ay gano’n na lang ang gulat ko nang may nakatayong tao roon.
“Ahhhh!” sigaw ko ng ubod ng lakas at halos mabitawan ko pa ang hawak kong kandila.
Biglang nagsilabasan ang mga tao sa kanilang mga kwarto at lahat sila ay nabulabog ko. Linapitan ako ni Ryker at gano’n din si Janice na nakasuot na ng kanyang pajamas. Agad kong yinakap si Ryker at saka umiyak na nanglalamig ang aking mga kamay.
“What’s wrong? My love, look at me. What happened?” Bigla namang bumalik ang ilaw at pagtingin ko sa pinto ay wala na iyong tao roon.
“Girl, bakit ka sumisigaw? May nangyari ba?” tanong ni Janice.
Lumabas din ng kanilang kwarto sila Maria at agad nila akong nakitang umiiyak. Pinaupo nila ako at saka binigyan ng isang baso ng tubig at pagkatapos ay sinabi ko iyong nakita ko sa may pinto kanina na lalaki. Agad namang pina-check ni Ryker kay Kuya Robert ang buong paligid ng bahay upang makita kung may tao nga sa labas. Pagbalik niya ay sinabi niyang wala siyang nakita pero umiling ako dahil hindi ako naniniwala na wala siyang nakita.
“I swear. I saw someone outside. It’s not just my imagination.” Napailing naman si Janice.
“Pero bes imposibleng mangyari iyon dahil nakita niyo naman iyong gate ‘di ba? Isang private property ito at hindi basta-bastang binubuksan ang gate na iyon dahil may password iyon.” Umiling ako at pinilit ko na may nakita talaga akong lalaki sa labas kanina.
“Janice nakita ko kanina na nakatayo siya diyan sa labas na para bang pinagmamasdan niya tayo. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil madilim pero alam ko ang aking nakita.” Umiiyak na ako habang nagpapaliwanag sa kanila.
Agad naman akong yinakap ni Ryker at pinatahan sabay nanahimik silang lahat at nagtinginan. Tumango si Janice ng marahan at sinabing id-double check niya ang buong property kung may nakapasok ba para makita kung may tao nga noong gabing iyon.
– Isip time. Char. Sino mahilig dito s suspense thriller? 😂
Enjoy po. –






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top