” Sandali lang! Hintayin mo naman ako. ” Halos maputol na ang hininga ni Leslie sa kakahabol kay Lee. Sila kasi ang nagkasamang dalawa nang mahiwalay sa ibang kasama.” Ha…ha….” Habol ng kanyang hininga. Takbo at lakad kasi ang ginawa nila para lang makalayo sa mga humahabol na mga tauhan ni Chairman.
Huminto si Lee sa ilalim ng malaking puno. Narinig niya naman si Leslie pero dahil sa alam nyang kapatid ito ni Rodney,malamig ang pakikitungo niya.
Tahimik na nakatanaw sa malayo. Nag iisip ng kung ano. Dumating si Leslie at tuluyang umupo saka nagpahinga.
” Nasaan na kaya sina kuya?” Tanong niya.
” Bakit kasama mo si Viel? ”
Tumingala si Leslie sa nakatayong si Lee.
” Isinama ko siya. Namasyal lang kami. Hindi ko naman akalain na…na may haharang at tatangay sa min. ”
” Kasalanan mo kung bakit nangyari ito. Kung hindi mo siya kinuha sa klase niya ,hindi mangyayari ito. Gulo lagi ang dala nyong magkapatid sa buhay ko.”
Sa narinig na iyon ni Leslie mula kay Lee. Nag init ang tenga niya.
” Teka lang! Anong ibig mong sabihin?! Anong gulo lang ang dala naming magkapatid?! May atraso ba sayo kuya ko?!” Sa pagkainis,nagawa niyang tumayo at lapitan si Lee. Hindi nga niya alam kung ilang distansya na lang ang pagitan nila.
” Oo! Malaki ang atraso ng kapatid mo sakin!” Galit na tugon ni Lee. Hindi rin niya namalayan na nasobrahan yata ang kanyang paglapit kay Leslie. Na para bang malapit nang magkadikit ang dulo ng mga ilong nila. Nanlilisik na mga mata na para bang nais niyang kainin ang huli.
” Hoy! Hindi ko alam kung ano ang atraso ng kuya ko sayo. Pero tama bang isali mo ko?!”
” Kasali ka na rin. Kasali ka dahil ikaw ang dahilan kung bakit natangay ang anak ko!” Sa galit ay pati laway niya ay napatalsik sa mukha ni Leslie. Buti na lang pala nakapag toothbrush siya bago nagplanong sumugod sa hideout ni Chairman.
” Teka lang! Wala namang ganyanan! Mataas ang araw pero inuulan mo ko ng laway mo!” Hindi biro yon para kay Leslie.
Natauhan naman si Lee kaya lumayo siya sa babae.
” Pero ,teka! Anak mo?! Si Viel ba?!”
” Oo!”
” Sa pagkakaalam ko si Larry ang papa niya. Pati nga kuya ko papa rin ang tawag niya. Tapos ,ikaw…heto..sinasabing anak mo si Viel. Papano?!”
” Ako ang tunay na ama ni Yong! Ang batang tinatawag nyong Viel!”
“Eh,papano nga?!”
Tumigil si Lee. Ayaw niyang ikuwento kay Leslie ang tungkol don. Hindi rin naman magtatagal,kukunin niya si Yong at isasama. Magbabagong buhay.
” Wala ka na ron.” Nasabi na lamang ni Lee saka tinalikuran si Leslie.
” Teka lang!” Hinawakan siya ni Leslie sa balikat at pilit na pinaharap. ” Di ba sabi mo,kasalanan ko kung bakit nangyari ito? Sige…anong gusto mong kabayaran? Sabihin mo.” Lakas loob niyang sabi. ” Pero ligtas naman na si Viel. Nasa kay Larry na siya ngayon. Nakita ko kanina bago tayo nagkahiwa hiwalay.”
” Hindi pa ligtas ang anak ko hanggang hindi tayo nakakalabas dito.” Diin ni Lee sa kanya.
” So anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo na. Isama mo na rin ang kasalanan ng kuya ko sayo sa ipapagawa mo sakin. Para naman matahimik na iyang utak mo.” Desidido si Leslie na gawin ang anumang sabihin ni Lee sa kanya.
” Sigurado ka?!”
” O..oo!” Nag aalinlangan man pero gagawin niya iyon.
Umiwas ng tingin si Lee sa kanya. Saka tumingin ulit.
” Nakikita mo yang mataas na punong iyan? Umakyat ka doon at pagkatapos,tumalon ka!” Tinuro ni Lee ang mataas na puno na nasa di kalayuan.
Napalunok si Leslie. Mataas iyon.
” Ha?”
” O,dali na!Gagawin mo kung anong gusto ko diba?!”
” Oo! Kung sa pagtalon ko ay mapapatawad mo ko pati na si Kuya Rodney. Hindi naman siguro masama kung malumpo ako ulit at mananatili na lang sa wheelchair ng tuluyan sa tanang buhay ko.”
Iniwan ni Leslie si Lee. Naglakad patungo sa punong sinasabi ng huli na aakyatin niya at tatalon.
Pero hindi pa man siya nakakalayo ay sinundan siya ni Lee at pinigilan ang braso.
” Sandali!”
” Bakit?!”
” Hindi pwede iyan. Sabi mo nakaranas ka na ng pagkalumpo…”
” Oo. Pero pansamantala lang. Akala ko nga pang habang buhay na. Pero parang sa gagawin ko ngayon,hindi lang ata ako malulumpo kundi mamamatay pa.”
” Kaya mong gawin iyon?” Maya maya ay naging kalmado na si Lee.
” Oo. Para sa nagawa kong gulo at para na rin sa atraso ng kuya ko sayo…kung ano man iyon.” Nakayuko niyang tugon.
Nagpa iling iling si Lee.
“Halika na nga. ” Hinawakan niya ang kamay ni Leslie at saka hinila pabalik sa puno.
” Teka lang!” Iwinaksi ni Leslie ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito.” Wala namang hawakan ng kamay. Kakakilala ko pa lang sayo ah!” Sabi niya.
” Tsk!” Yun lang ang tanging tugon ni Lee sa kanya. Umupo ito at ipinikit ang mga mata nang makasandal sa malaking puno.
Maya maya ay nilapitan siya ni Leslie at kinausap.
” Talaga bang anak mo si Viel?”
” Ayokong pag usapan.”
” Gusto ko lang naman malaman. Malapit sa puso ko si Viel. Akala ko nga si kuya Rodney ang papa niya....