WHEN I MET YOU
•Author: Yours truly
~TEN YEARS AGO~
“Kung tayo’y matanda na, sana’y di tayo magbago kaylan man nasaan man, ito ang pangako ko.🎶” Isang himig na kanta para saakin nag iisang minamahal.
“Mahal salamat sa pag-aalaga saakin kahit di mo naman ito dapat gawin ay andito ka parin sa aking tabi upang samahan akong lumaban.” Malumanay na sabi ni Theresa, ang aking kasintahan.
“Mahal wala kang dapat ipagpasalamat saakin basta’t para sayo ay gagawin ko ang lahat ng ito maging masaya ka lamang.” Hinagkan ko siya sa kanyang noo tsaka ko niyakap.
“Mahal mauuna nako’t upang bukas ay madaling araw ako makapunta rito sainyo.” Paalam ko kay Theresa at sa kanyang Nanay at Tatay.
“Mag-iingat ka Mahal paalam.”
Ang huling kataga na iniwan saakin ni Theresa ang mga katagang hindi kona ulit madidinig pa.
Nabalitan ko kinaumagahan na pumanaw na si Theresa sa isang taon niyang paglaban sa sakin na Cancer ay siyang bumitaw at namayapa na.
~AFTEE FIVE YEARS~
“Hoy! Bat naka tunganga ka na naman dyan Jude?” Tanong saakin ni Nathalie ang isa sa mga co-workers ko dito.
“Alam kona inaalala mo na naman yung ex muno? Ano tama ako diba?” Tsh..mga babae naman talaga kung makatanong parang alam yung buong background ng isang tao.
Nilayasan ko si Nathalie pumunta ako sa Office namin at doon ako nagmukmok.
Sa limang taon alam kung lumipas diko parin makalimutan si Theresa kahit ako’y tumanda pa.
“Good afternoon guys!” Biglang bungad sa office namin si Sir Drex ang Manager o HR namin.
“Due to the pregnancy excuses of Miss Hannah Mendrez, let me introduce to all of you our sub-worker she will replace of Miss Medrez for the meantime, but I don’t think that will be only a replace because she already applied here and yeah she was qualified.She will start tomorrow morning. So that’s all thank you!”
Sir Drex walked out.
“Uy, Jude yung replace kay Hannah oh nakatingin sayo.” Sabi ni Axiel saakin kaya napatingin ako sa direction nung sinasabi niya. Nagkatagpo yung mga mata namin nung babaeng replace kay Hannah para namang may kung ano sa mata niya na napaiwas kaagad ako ng tingin.
“Hello sir Jude, pwede bang sumabay kumain sainyo?” Nandito kami ngayon sa dining room.
“Ay sus, yun lang ba Zein hali ka maupo ka rito.” Tinaasan ko ng kilay si Axiel dahil sa trato niya rito alam kung iba ang tumatakbo sa isip ng lalaking to eh, palibhasa daming chix araw-araw.
“Sige mauna nako sainyo, may aasikasuhin pako.” Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinungo yung office namin.
“Tshh. Mga babae naman talaga.” Bulong ko sa sarili ko.
“Hoy lalake ka, bat mo iniwan sa ere tung si Axiel at Zein sa dining room alam mo naman sigurong manyak tung si Axiel diba?” Tiningnan ko si Christian o mas kilala bilang Christina sa gabi.
“Paki ko dun siya tung gustong sumabay eh.” Sinapak ako ni Christian kaya napakamot ako ng ulo.
“Ano ba!–” Mag sasalita pa sana ako ng akmang babatukan na naman ako nito kaya napaiwas kaagad ako.
“Bobo kaba boy? Or sadyang tanga ka lang? Isang buwan na dito si Zein at dahil sa katangaan mo or shunga kalang talaga na hindi mo nahahalata na may gusto...