EROS AND PSYCHE
written by: Luna Hera
— One shot —
Agaran ang pagtingin ko sa bintana. Agad kong binitawan ang hawak na kopita para silipin ang kung sino mang nasa labas. Tanging huni na lang ng kadiliman ang naririnig. Natuon ang tingin ko sa madilim na banda at naghintay ng kung ano roon.
“Psyche…” narinig ko ang baritono at marahang tinig sa likod.
Bago ko pa malingon ang kung sinong nagsalita ay binalot na ako nito ng mainit na yakap. Imbes na magreklamo, napapikit ako ng marahan at dinama ang kanyang yakap.
Ilang buwan na kaming magkasintahan pero hindi niya pa rin pinapakita sa akin ang kanyang mukha. Sinubukan ko siyang tanungin isang beses, pero umiling siya at pinatay ang usapan.
“Gusto kitang makita. Pakiusap, hayaan mo akong humarap sa’yo.” muling pagsusubok ko.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya, “Darating din ang araw na makikita mo ako. Huwag tayong magmadali, nasa tamang panahon ang lahat.”
Pumikit ako ng marahan. Dinama naming dalawa ang hanging panggabi habang nakasandal ako sa kanyang katawan. Kamay niya lang ang nahahawakan ko. Hanggang doon lang.
Maaga akong lumabas ng bahay para makapuntang batis. Puno na ang labahan ko kaya kailangan kong pumunta roon para makapaglaba. Pagdating sa batis ay marami rin palang naglalaba.
Naupo na ako at inilabas na ang lahat ng gagamitin. Lumapit sa akin si Maricar dala ang timba niya.
“Usap-usapan sa bayan na may aswang daw. Lumanalabas lang ito kapag gabi at marami nang nakakita.” aniya.
“Talaga? Natatakot na lumanas kung ganoon.”
“Sa tingin ko naman hindi ka natatakot.” saad ng bagong dating na si Puring.
“Hoy! Sshh.” sita kaagad ni Maricar.
Tumingin ako kay Puring, “Anong ibig mong sabihin?”
Umismid siya, “Hindi ba may asawa ka na? Ilang buwan na kayong kasal pero bakit hindi ko man lang siya nakita sa bahay mo? Bakit nag-iisa ka palagi?”
Lumunok ako at kumurap, “Bakit hindi mo ako diretsuhin?”
“Iyong asawa mo ang nakikita nilang pagala-gala dito sa bayan. Isang beses may nakarinig sa inyong dalawa na nag-uusap. Hindi mo pa nakikita ang itsura niya kahit kailan, tama ba? Paano ka nagpakasal sa aswang, Psyche?”
“Hindi totoo ang mga sabi-sabi.”
“Kaya mo bang patunayan? Sige nga! Ipakita mo sa amin ang asawa mo. Ipakilala mo siya. Para naman malaman namin kung totoo ba talaga o hindi.”
Bumuntong hininga ako, “Nananahimik kaming dalawa ng asawa ko tapos pagbibintangan niyo siyang aswang? Nakita niyo bang pumasok ang aswang sa bahay namin? Huwag kayong mangbintang na lang bigla.”
“Puring, tama na.” pigil ni Maricar.
Nagkunwari akong walang pakialam pero hindi naalis sa isip ko ang sinabi ni Puring. Kasintahan ko nga ba ang isang aswang? Pero makinis ang mukha at katawan niya kapag hinahawakan ko. Pero bakit ayaw niyang ipakita ang mukha niya?
Hindi tumigil ang mga sabi-sabi at mas lalo pa iyong lumala araw-araw. Sa bawat bintang nila sa nobyo ko, unti-unti na akong nakukumbinsi. Kaya baka ayaw niyang ipakita ang itsura niya dahil baka nga aswang siya. Balak niya akong kainin kaya niligawan niya ako kahit hindi ko pa siya lubusang kilala.
Isang gabi, naramdaman ko ulit ang yakap niya. Pinatay ko ang ilaw. Nang sandaling wala na akong makita, pinaharap niya ako sa kanya at agad na siniil ng halik. Tumugon ako at nagpaubaya nang hinila niya sa kama.
Katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos. Ayaw niyang ipahawak sa akin ang kanyang likuran. Pinipigilan niya ang kamay ko kaya naglalakbay sa bandang doon. Kapag nagtatalik kami, lagi niyang hinahawakan ang dalawa kong kamay at nilalagay sa ulonan.
Mabagal kong inabot ang kutsilyo sa gilid ng kama na sinadya kong itago kaninang tanghali. Nang nakuha iyon ay hindi ako nagbilang. Agad ko itong sinaksak sa kanya. Naramdaman ko ang pagdaing niya.
Umalis ako sa kama at agad na binuksan ang ilaw pero natigilan ako sa bumungad sa akin. Isang makisig ngunit kakaibang nilalang. Ang makapal nitong kilay ang unang nakita ko pero ang higit na nakaagaw ng pansin ko ay ang bagay sa likod niya. Isang pakpak.
Sapo niya ang duguang dibdib habang bumabangon. Binalot ako ng pagsisisi. Sinubukan ko siyang hawakan pero umatras siya na parang natatakot.
“Anong… anong klase kang nilalang?”
“Bakit...