Habang palapit nang palapit si Amari sa Puntod kung saan naroon ang Kapatid na si Cannarie ay pabigat ng pabigat ang pakiramdam nya tila ba may batong nakapatong sa dibdib nya, handa na sanang tumulo ang luha nya ngunit kusang huminto iyon nang makita nyang naroon ang pamilyar na babae, ” Do i Met you Before? “walang emosyong ani Amari.
“Sino ka? ” inosenteng tanong ng babae na naroon sa puntod ng kapatid nya.
” Do i have to introduce my self with a Stranger? ”
Bagaman sarkastika ang bitiw nya sa linya ay wala syang nakuhang sagot sa babae.
“Ikaw ang kapatid nya? Ako yung dino-nate’an ng puso nya. ”
Para kay Amari ay malaking insulto iyon, pakiramdam nya kasi ay ipinagmamalaki ng babae na sa kanya napunta ang puso ng kapatid kahit pa hindi ito ang pakay nito.
Ayaw nyang madala sa bugso ng damdamin nya kaya’t pinakawalan nya ang buntong hininga nya tsaka namulsa. “Punuin mo ng masasayang ala-ala ang puso ng kapatid ko, at kung pwede.. Hwag mong hahayaang magtanim iyan ng poot at Galit. ” aniya tsaka naglakad palayo, balak nya sanang magdrama pero nasira ang plano nya dahil sa babaeng iyon wala syang nagawa kundi tumungo sa dagat at maglibang.
Kinuha nya ang Jetskie na pagmamay-ari nila at dinrive ito sa dagat ng walang suot na lifevest,ang lungkot na nadarama nya kanina ay binaling nya sa jetskie na sakay nya.
Naging mabilis… hindi… napaka Bilis ng pag da-drive nya dito halos tumatalon-talon na nga ang katawan nya sa upuan dahil sa alon na sumasalpok sa ilalim, ipinikit nya sandali ng mariin ang mata nya nang muling bumalik ang ala-ala kung paano nabaril anf kapatid nya pero napadilat din sya nang may magsalita sa tabi nya.
“Ohh… Dreaming in the middle of this Beautiful Ocean?Ano yun bagong pakulo? ” ito ang binatang tinamaan nya ng tsinelas sa ulo kanina lamang. ” Hoy Tomboy ka ba? ” muling anito nang...