MY TWIN SISTER’S
PROLOGUE
“Mommy tama na po please.” Naiiyak na saad ng kambal nito si Aurora Matapos ay marahan hinila ang braso ng Ina.
“Pwede ba Aurora huwag kang sumabat!” Sigaw naman pabalik ng ina nito sa kaniya.
At humarap sa anak naman n’yang si Ara at Dinuro niya ito.
“Ikaw! Wala ka nang ginawa kundi ang maglakwatsa at sumama dyan sa mga kaibigan mo!” muling sigaw niya sa anak wala nagawa ang magkambal napayuko na lamang ang mga ito matapos ay sinalo lahat ng masasakit na salita na lumalabas sa bibig ng kanilang Ina.
‘Ara kaya mo ito. Papasok lalabas,’ pagtukoy nito sa mga sasabihin ng ina.
“Sana talaga. Sana si aurora nalang ang lumabas dito sa sinapupunan ko wala pa kaming problema ngayon!”
‘Ganyan naman palagi, isa lang akong problema sa kanila’
Parang libo libong karayom ang tumusok sa dibdib niya matapos marinig ang sinabi ng Ina. Mas nais pa nito ang kambal niya kaysa sa kaniya.
“Mommy please don’t say that, tommorrow is our day, right? So please Mom, stop it. please kahit ngayon lang po maging okay naman po tayo.”
Biglang saad ng kambal n’yang si aurora tinignan niya ito.
Hindi nga kakayanin nito na makita siyang umiiyak. Nakaramdam siya ng tuwa dahil dito kung nasasaktan siya dahil sa pagtrato sa kaniya ng kaniya Ina. Saya naman ang nararamdaman niya dahil sa mayroon parin siya kambal na handa s’yang ipagtanggol.
“Hinding-hindi yun mangyayari aurora hangga’t andito yang babaeng yan.”
‘Ano bang mayroon sa ‘kin mommy?’
“Mommy sorry po hindi po totoo yun gawa gawa lang po talaga ni…” malakas na sampal ang natamo ni gabriella mula sa Mommy niya dahilan para mapatigil siya.
“Mommy, ano ba? Tama na Mommy please!” Nagpapanik na sigaw ng kambal niya.
Umiling lamang ang kanila ina, animong dissapointed sa kambal niya. Matapos ay binalik ang tingin sa kaniya. Inirapan lamang siya nito.
“Nakakasawa na pakinggan yang mga kasinungalingan mo ara.”
sarkastik na saad nito.
“Tsk!” Saad muli nito ng makita nanginginig na nakatingin sa kaniya ang kambal nito na si aurora.
“Magsama kayo dalawa, mga walang kwenta!” Galit nitong sabi at malakas na tinapon ang babasagin na flower base sa gilid lamang nito.
Nakahinga sila ng maluwag nang makaalis ito.
Ngunit umiiyak pa rin si hindi niya inaasahan ito. Napakadaming tao ang handa siyang sirain, at gawan siya ng kwento kaya ngayon ay naghihirap siya.
“Ate… ate sorry wala akong nagawa,” naiiyak na saad ni Aurora. Sinisi nito ang sarile sapagkat pakiramdam niya ay wala siya nagawa para sa kambal.
Niyakap naman siya ng kambal.
“Magiging okay rin to Aurora ‘no, okay lang ako,” saad nito sa kaniya.
‘I’m not okay, dahil ang hirap ang sakit sakit, sarili kong Ina nagawa akong pagbuhatan ng kamay?’ Nalulungkot na saad naman ni ara sa isip nito.
“Ate?” Nagtatanong nito sa kambal.
“Shshs… I’m okay, everything is gonna be okay, ” sagot naman ni ara sa kaniya.
Hindi na ito sumagot pinunasan lamang nito ang mukha sa pagkat pawis at basa ito sa luha.
Ang ganda ganda ko talaga.
Ito na ang araw namin ngayon nang kambal ko.
Nakangiti pang saad ng dalaga sa isip niya habang nakaharap sa salamin.
“Ang ganda ganda talaga nang anak ko oh,” saad ng kanilang ina na kapapasok lang sa kanila dressing room.
“Mommy naman eh alam ko naman yun,” nakangiti sabi naman sa kaniya nito at tinaas pa ang buhok. Dahilan para matawa ang kanilang ina.
“Ako lang naman ina mo na maganda, pangalawa ka lang.” Napairap naman si Aurora animong hindi pa matanggap ang sinabi ng ina. Maya-maya rin ay humarap siya kay ara na nasa gilid lang niya.
“Look mommy! Ang ganda ganda rin ng kambal ko oh,” saad niya ngunit hindi naman nito tinignan ang kambal niya na si Arabella.
‘Mukhang galit pa rin si mommy’
“Aasikasuhin ko muna yung mga bisita sa baba Aurora, girl, gandahan mo pa ah!” Saad niya sa baklang nagmake-makeup sa mga ito.
Sana ako nalang si aurora siguro ganun rin si Mommy sakin! Aasarin, ngingitian, aalagaan, ipapagmalalaki. Napayuko si ara dahil sa naisip niya.
Sadya sigurong hindi ganun. Lalo’t ni minsan ay hindi...