πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ΰΌ„ ✍︎ ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ π•‹π•Žπ”Όπ•ƒπ•π”Ό ✍︎


“ANO na naman?” tanong niya kay Rain na prenteng nakaupo sa bench.
“Look at the surrounding.”
Napakunot ang noo ni Claire at sinunod ang sinabi.
“Oh? Ano meron sa surrounding?”
“Linisin mo.”
“Ano?” nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwala si Claire na narinig.
“Bingi ka ba?”
“H-Hindi pero, I-I mean, lilinisin ko tong buong area na to?” iniisip pa lang niyang gagawin pero napapagod na siya.
“Bakit? May reklamo ka?”
Huminga si Claire ng malalim para pakalmahin ang sarili. πŸ’­ Ang sarap nitong sapakin hanggang sa hindi na makatayo. πŸ’­
“Madami pa kasi akong gagawin Rain, hindi lang naman pagiging utusan mo ang buhay ko, eh. Estudyante rin naman ako.”
“Not my problem.” matipid na sabi nito at saka tinalikuran na siya.
Naiinis na lang si Claire na nagpapadyak sa sahig.
“Ineng.”
Napatingin siya sa lumapit sakanyang lalaking may kaedaran na.
“Bakit po?”
“Ito ang walis at dustpan. Ayun naman ang basurahan na paglalagyan mo ng mga nawalis mo.”
Napabuntong-hininga na lang si Claire at nagsimula nang maglinis.
πŸ’­ Tuwing uupo ako, biglang nagtetext sakin si Rain na ituloy ko raw ang ginagawa ko at wag titigil. Nakakaloka siya, akala yata niya sakin robot. πŸ’­
Napatingin siya sa paligid, nakita niya si Rain na nakaupo sa di kalayuan at nainom pa ng tubig.
“Ayos din siya ah, mukhang sinasadya niyang inggitin ako.”
Makalipas ang mahigit na 30 minutes yata na pagwawalis natapos din siya.
“Nakakapagod.” hinihingal niyang sabi at umupo sa bench.
“Si Rain yata ang cause of death ko.”
Napaawang naman ang mga labi ni Claire nang may isang grupo na nagtapon ng mga plastic at kung ano ano pa.
“Hoy! Ayan lang ang basurahan di pa ninyo magawang itapon ng tama! Anak mayaman ba talaga kayo?!”
“Ang yabang mo, samantalang aso ka lang ni Rain.” nakataas ang kilay na sabi ng kung sinong babae.
“Kung aso ako ni Rain, ikaw mukhang aso!” nakapamaywang na sabi niya.
πŸ’­ Akala naman niya ikinaganda niya ang pagsuot ng maikling palda. πŸ’­
“Ano?!” namula sa galit na tanong ng babae.
πŸ’­ Akala niya yata aatrasan ko siya porket anak mayaman siya. Hindi na ako takot sa mga katulad niya dahil di hamak na mas demonyo si Rain ng sampung beses. πŸ’­
“Hayaan mo na siya babe.” sabi nung isang lalaking kasama nito.
“Hindi ako papayag na basta nalang niya ako aawayin.”
“Ganito na lang gawin natin……” lumapit ang lalaki sa basurahan.
Napasinghap lahat ng mga estudyante nang bigla nitong sipain ang basurahan at nagtalsikan ang lahat ng mga winalis niya.
“Kilalanin mo rin kasi yung kinakalaban mo.” nakangising sabi ng lalaki. At nagtawanan silang magkatropa at umalis.
Huminga siya ng malalim saka napapikit ng mariin.
“Are you nuts?” nanigas si Claire nang marinig ang boses ni Rain sa likod niya.
“Kaya ka napapahamak dahil diyan sa pagtatapang-tapangan mo.”
Hindi niya nilingon si Rain, hindi rin siya nagsalita. Kapag nilingon niya ito, ay makikita ni Rain ang nagbabadyang luha na gusto nang pumatak. Kapag nagsalita siya, maririnig nito ang garalgal na boses niya. Hindi na niya alam ang gagawin niya.
“Cutie Girl!”
Napalingon siya kay Mark na naglalakad papalapit sa kanila. Tuluyan nang bumagsak ang luha niya. Kinagat niya ang ibabang labi habang patuloy sa pag agos ng luha niya.
Nagtataka si Claire kung bakit nakangiti si Mark hanggang sa makalapit ito na kitang kita na umiiyak...


siya.
“Rain, hihiramin ko muna si cutie girl. Ako na lang ang maglilinis niyan mamaya.” nakangiting sabi ni Mark kay Rain.
Natigilan si Claire nang walang babala na binuhat siya ni Mark, pero hindi siya pumalag. Gusto na din niyang makaalis doon. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ni Mark. Siguradong mababasa yun sa mga luha niya.
“No.”
Natigilan si Mark sa paglalakad. “Alam mo Rain, bakit hindi kana lang magfocus kay Angenica? Inuubos mo ang oras mo kay Claire na dapat kay Angenica mo nilalaan.” seryosong sabi ni Mark.
“Wag kang makialam.” malamig na sabi ni Rain.
“Kung hindi importante sayo ang taong kinakawawa mo hindi ako makikialam, pero si Claire ito, eh.”
Humigpit ang kapit ni Claire kay Mark nang marinig niya ang mga hakbang ni Rain na palapit sakanila.
“Akin na.” seryosong sabi ni Rain.
“No.” matigas na sabi ni Mark.
“Alam mo kung paano ako magalit, Mark.” kinakabahan na si Claire sa patutunguhan ng paguusap nila. Naramdaman din ni Claire na marami na saka nilang nakikiusyosong estudyante. Gusto na niya talagang makaalis.
“Alam mo na hindi ako natatakot sayo, Rain.”
Ngayon lang niya nakita si Mark na ganito kaseryoso. “M-Mark…..” tinignan ni Claire si Mark at napabuntong hininga ito at kumalma ang ekspresyon.
“Mauuna na kami Fuenteblanca.”
Tinalikuran na nila si Rain at naglakad palayo habang buhat pa rin si Claire.
Nagpunta sila sa bench kung saan madalas silang tumambay, marahan siyang ibinaba at pinaupo ron.
“Bibili lang ako ng tubig at pagkain, anong gusto mo?” tanong ni Mark at kumuha ng panyo sa bulsa at pinahid ang mga luha ni Claire.
“K-Kahit ano…..” sabi ni Claire at tipid na ngumiti. Tumango si Rain at saka umalis para bumili.
Natigilan si Claire nang may humawak sa kanya sa braso at hinila siya patayo.
“Rain……” madilim ang mukha ni Rain habang nakatingin sa kanya.
“B-Bitawan mo ako!” nagpumiglas siya pagkakahawak sa braso niya.
Napatili siya nang buhatin na parang sako saka naglakad habang buhat siya.
“Bitawan mo ko! Nakakainis ka! Hayaan mo naman akong magpahinga, hindi ako robot noh?! Ano ba?! Bitaw sabi!” Patuloy sa pagpupumiglas si Claire.
“Kapag hindi ka tumigil diyan! Ihahagis kita makikita mo. Napakagaan mo!”
Napatigil naman si Claire sa paglilikot. Nakarating sila sa hide out. Pabagsak siyang pinaupo sa couch, napadaing si Claire at napahawak sa beywang.
πŸ’­ Walanghiya talaga ang lalaking to. Nakakainis na! πŸ’­
Nagpunta si Rain sa kusina. Inirapan siya ni Claire at kinuha ang cellphone at tinext si Mark.
π™ΌπšŠπš›πš” πš™πšŠπšœπšŽπš—πšœπš’πšŠ πš—πšŠ, πš‹πš’πšπš•πšŠ πšŠπš”πš˜πš—πš πš”πš’πš—πš’πšπš—πšŠπš™ πš—πš’ πšπšŠπš’πš—. π™±πšŠπš‹πšŠπš πš’ πšŠπš”πš˜ 𝚜𝚊𝚒𝚘 πš–πšŠπš–πšŠπš’πšŠ. π™Έπš•πš’πš•πš’πš‹πš›πšŽ πš”πš’πšπšŠ! 😊
Napapitlag siya ng padabog na ilagay ni Rain ang tubig sa mesa at pati na rin ang plato na may kanin at ulam na menudo.
“Kumain ka.”
Umupo ito sa medyo malayo sa kanya. Tinitigan ni Claire ang ulam at kanin.
πŸ’­ Baka may inilagay na naman si Rain sa pagkain. πŸ’­
“Kumain ka na sabi!”
Napapitlag si Claire. Tinignan niya ito ng masama. “Ito na nga eh!” Nagsimula na siyang kumain.
Nilasahan niya ang pagkain, mukhang wala siyang nilagay na iba sa pagkain.
Tumingin si Claire kay Rain na nagbabasa ng kung anong libro.
“Wag mo ng ituloy yung nililinis mo, pahinga ka ngayon.” sabi nito saka tumayo.
Tila hindi makapaniwalang tumingin si Claire.
“You can leave after that.” matipid niya sabi nito at pumasok sa kwarto nito.
πŸ’­ Bakit bumait yata siya? πŸ’­






Share On Whatsapp

"7" Comments
  1. [url=https://flexeril.store/]cyclobenzaprine 15mg without prescription[/url]

  2. [url=https://lamotrigine.cyou/]lamictal 25mg drug[/url]

  3. [url=https://seroquel.cyou/]buy seroquel 25mg without prescription[/url]

Leave a Reply


top