Meant to be? Chapter 51


{ACE POV}
Muli na akong nagtatrabaho sa kompanya ni papa. Kasi minsan nagpupunta dito si Alodia. Madalang na kaming magkita na ipinagtataka ko.
Kahit ang pagkikita namin ng anak namin, pumapalya na sa schedule. Syempre nagduda na ako sa kanya sa nangyari sa asawa ko. Kaya lihim ko na syang pinamamatyagan.
At ang pananahimik nya ay nagpapahinala sakin ng husto.
Kaya ngayon nag paalam ako kay Nice sa text na didiretso ako sa kompanya. Nag half day kasi sya dahil masakit daw yong tyan nya. Di na daw nya ako inisturbo dahil may klase ako. Sabi ko sana sinabi nya para naihatid ko sya.
Gusto ko mang umuwi pero buo na ang pakay ko kay Alodia. tetyempuhan ko sya dahil sabi ng secretary, pupunta daw yon ngayon..
Langhiya.. Kailangang ko pang pakisamahan.. Pero wala akong maisip na ibang paraan na effective.
Lasing na sya, ng dumating kahit alas 7 pa ng gabi. Sabi nong secretary halos lasing kung bumisita dito ang babaeng to. Ang layo2 nya sa dating Alodia.
“Ace?. Ace ikaw ba yan? ” sigaw nya ng bumungad sa pinto. Agad syang lumapit at niyakap ako.
Habang yakap nya ako sa leeg, nag beep yong cp ko.
– are you free tonight.
Text ni Laila.
– No.. I’m sorry, pagod din kasi aq.
– okay.. I love you Ace
– Laila.. Namimis interpret mo yong friendship sana na gusto kong mamagitan satin at nong babaeng sinasabi ko sayo. Gusto ko kasi kayong paglapitin. Kasi wala pa syang masyadong friends.
– but Ace akala ko ba..
– we’re already in stage of getting to know each other right. . . Pero di moko hinayaang mag explain kanina. Hindi yon para sayo yong halik na yon.
Ibang babae ang nasa isip ko habang kahalikan ka. May iba akong mahal
Matagal ko na syang mahal. At may sekreto kami na gusto kong sabihin sayo. Pero gusto kong ikeep mo.
– ano? You can’t do this to me Ace. Pero Alam ko namang joker ka. Bye love you.. Mwah!
Haisst buhay..
🌱🌱🌱🌼🌱🌱🌱🌼
{FLASH BACK }
Ace.. Pwede mo ba akong samahan sa room ng mga cleaning utilities. May dare kasi kami ng mga friends ko na mag pipicture ako na nakajanitress.. Ok lang ba.
May sasabihin din kasi ako sayo..
Ok shall we?
{NICE POV}
Hinanap ko si Ace para malaman nyang andito na sina Alvin. Naka off siguro kasi ang cp nya. Walang alam ang tropa nya sa nangyaring insidente sa akin.
Pinagtanong ko siya sa mga kaklase at kakilala nya. Pero wala silang alam.
Nang may tumawag sa aking babae.
Looking for Ace Lacson?
Sosyal naman neto..
Itinuro nya ang isang room ng mga cleaning utilities..
———
“Ace.. Kunan moko ng picture ha..”
“Laila.. Baka namis interpret mo yong sinabi ko nong isang araw. Hindi yon–”
“Ace look! May color pink na janitress uniform wow!”
“Haisst..”
“Simula nong dumating ka sa buhay ko. Ayoko nang mag inarte. Gusto ko na lang walang make up palagi at maging simple lang. Maging totoong tao, ang laki ng binago mo sakin Ace.
Thats why I love you so.”
Kaya nga gaya kasi nong babaeng sinasabi ko sayo simple lang sya. Alam kong makakasundo kayo.
Pero Nagulat si Ace nang
Dahan dahang lumapit si Laila at nagkusang humalik..
Nakikita nya si Nice kay Laila at dahil sa pagkamiss nya dito . Di sadyang natugon nya ang halik nito.
At unti unting bumukas ang pinto. Pero di na nila pansin yon. Kaya malaya silang pinapanood lang ni Nice habang naghahalikan.
Parang tood syang di na gumagalaw sa kinatatayuan. Pumatak ang luha nya ng makitang gumalaw ang kamay ni Ace wanting more with Laila. Tatanggapin nya kung sineduce ito ng babae at makikita nyang itutulak nito kaya di sya agad umalis para antayin yon. Pero ang sakit lang dahil pakiwari nya sya yong kahalikan ni Ace sa paraan ng paghalik nito. Pero ibang babae yon? Ibinaling nya na ba sa babaeng yon ng ganon kadali ang lahat ng samin. Sa kanya lang pala.
Napatabon na sya ng bibig nang di pa umaawat ang dalawa. Patakbo na syang umalis. Habang tagaktak ang luha. “He found her new love. Klarong klaro yon!”
🌼
“Ace.. Ako ang unang dumating sayo.. Lumayo. Man ako pero ikaw lang ang nag iisa dito. Pero ikaw ang dami mong nilaro.”
“I hate you! kasi ikaw yong dahilan kung bat ako nagkaganon. Ang torpe torpe ko nga sana diba.
Tapos ano? Ayaw mo pa akong hayaang lumigaya sa iba. Matapos mong ibaon sa hukay yong satin. At nong di ko na gustong hukayin at buhayin uli. Ikaw itong magkakaganito.”
Haisst. Lalandiin ko diba. Ang hirap naman nito.
“Pero Alodia.. Baka iiwan ko na rin si Nice.. Dahil may mahal na syang iba. Yong Gray na yon!”
.” Ace!!, sabi ko na sayo diba. Ako lang ang dapat maging una at huli mo.”
Pumayag akong sumama kay Alodia sa penthouse nito.. Hindi ko sya ginalaw..nilagyan ko ng sleeping pills ang iniinom nya. Tsaka ko hinalungkat ang mga gamit nya lalo na ang kanyang cellphone.
Nakita ko nga ang conversations nila ni Khate.
Ang totoo nagduda na ako. Masakit lang...


talaga sakin na isiping baka nilapastangan na sya ng Gray na yon, at imposibleng di sya nanlaban.. At ngayong malinaw na sakin ang lahat.. Iipunin ko ang mga ebedinsya ng hindi nila nalalaman. Kailangang magawan ko ng paraan ang cellphone na to.
Tinakasan ko si Alodia. Nabasa ko rin sa text na yong bata nasa bahay nong yaya nya. WaLanghiya talaga.
Naghanap ako ng imitation ng cellphone nya at bukas ko na ito paplanuhin.
Tinawagan ko si Nice na kina Alvin ako matutulog dahil Naki birthday ako.
Konting tiis na lang mahal.. pasensya ka na..
Gustong gusto ko na syang uwiin at yakapin. Ang dami kong pahirap sa kanya. Babawi na lang ako..
Tinawagan ko uli sya..pagdating ko mula sa mall..
Matagal pang magigising si Alodia.
“Hello sweetie..
Hindi sya kumibo.
” Sweetie.. I’m sorry… Magsalita ka naman.”
” Mahal?”
” Matutulog na ako Ace.”
” Pasensya na ha. Bukas pag uwi sa school mamamasyal tayo. Hmm? Miss na miss na kita. Patawarin moko Nice, patawarin mo ko..”
Napaluha ako sa konsyensya ko. Mahal na mahal ko sya. Pero nagawa ko syang saktan. Naalala ko yong hinagis ko yong cell phone sa kanya. Masakit yon e. Ang tanga ko. Damn me!!
Nong nagdala ako ng babae.. Nilampasan ko lang sya. Pero ako yong nasasaktan non. Dahil Sa tuwing sinasaktan ko sya. Doble yong sakit sa akin.
” Patawad din Ace.. Kaso tinaniman mo ng punyal yong puso ko. Di maalis alis ng pag sosorry mo
Nagmakaawa naman ako na paniwalaan mo. Sinubukan kong magpakatatag at lumaban. Pero di ko na kontrol ang puso ko na sobrang dinurog mo.”
Gusto ko na munang ipahinga to. Mag iingat ka palagi. Mahal kita. Minahal kita.”
“mahal Nice.. Babawi ako..please Huwag mo akong iiwan mahal!
Sobrang pasalamat ko dahil lumaban ka. Sa kabila ng nagawa ko.. Mahal na mahal kita alam mong di magbabago yon.
Please mahal..parang awa mo na huwag mo akong iiwan..”
“Goodnight na Ace. I love you..” pumiyok na sya dahil umiyak na.
Nice please..uuwi na ako ngayon.. Andyan na ako.. Mahal please? Sweetie?
End of call..
Anak.. Sigurado ka na ba talaga..
Opo tay.. Akin na po yang bag, mabigat po yan. Salamat tay..lagi nyo akong suportado.”
“Syempre..”
Bumaling si mang Anton sa paligid. Alam nyang nasasaktan ang anak sa paglayo at pag iwan nito sa minamahal. Pero tinitiis nito. Napaluha na rin sya. Habang nasa tabi ng anak na nasa labas ng bintana ng bus ang paningin. Sumabay pa ang ulan.. Sa luhang pumapatak din sa pisngi nito na pilit tinatago sa ama.
Uuwi na sana ako ng magising si Alodia.
Inakay ko syang matulog uli.. Tiniis ko ang pangungulit nya. Buti nakatulog din sya ng yakapin ko.
Umiiyak ako.. Si Nice yong gusto kong kayakap ngayon. Pero bakit andito ako.. Bakit umabot kami sa ganito. Ang sabi ko pa sa kanya.. Ipaglaban nya ako, lumaban sya.. Mahal nya ako.. Pero nag iba ako.. Nagpadala ako sa galit ko. Paano na kung tuluyan nya akong iwan.
Hindi ko kaya.. Napakawalang kwenta ko.
Bakit ko hinayaang masaktan ko sya.. Paano ko sya nagawang saktan.
Tinawagan ako ni Alvin.
Bro bat ka nagsinungaling..
Hmm?
Tumawag sakin si Nice, syempre umoo ako na andito ka kasi yon yong sabi mo sa kanya. Kaso nong tumawag ka.. Tumatawag din ako.. Gusto nyang marinig ang boses mo sa tabi ko..
Nahalata ata nya na nagsinungaling ka.
Bro kanina.. Sabi nong babae nakita daw kayo ni Nice sa may utility room, tapos nag iiyak na daw tumakbo si Nice.. Sinong kasama mo don.. Babae ba.
What!!???
Linawin mo nga!!
.. Bigla akong kinabahan..
Mabilis akong nagbihis at lumabas ng bahay.
Dala dala yong cellphone. Kung kelan andito na yong ebedinsya.. Tsaka pa..
Tinawagan ko si manang ces.. Pero di ko makontak. Binilisan ko ang takbo ng sasakyan. Masama ang kutob ko. Di ko na makontak ang asawa ko..
Tinawagan ko uli si Alvin.. Kung bat di nya agad sinabi sakin. Sabi nya tsaka pa daw nya nalaman dahil nga ngduda sya kaya niyaya nya yong babae na nakita sa school at sa bar. At don pa nya nalaman. So nasa bar sya. At narinig ni Nice na maingay don at sa akin dito napakatahimik.
Pagdating ko tinakbo ko diretso sa kwarto namin. Wala sya?
Sa kabila, wala.. Nag sisisigaw na ako nang makitang wala na yong mga damit at gamit nya. Napahagulgol ako ng makita ang sulat sa kama.
I love you. Goodbye. Yon yong nasa ibabaw.
Binuksan ko..
At di ko na natapos.. Patakbo akong lumabas.
Mahal ko!!!!!!!
Mahal ko!!!!!!
Huwag mokong iiwan!!! Bumuhos ang ulan.. Naglupasay ako sa gate… Nanghina ako.. Di ko magalaw ang katawan ko.. Inalalayan ako nong guard. Ang sabi nya pinakain muna sya ng tatay ni Nice at nag sub sa gate. Pero umalis na pala sila.
Pagtayo ko.. Dumiretso sa sasakyan.. Nanikip na ang dibdib ko.
Pinigilan ako ng gwardya dahil umuulan at delikado.
Wala na akong paki.. Dahil wala akong kwenta.
Wala na ring kwenta ang buhay ko. Ngayong tuluyan nya na akong iniwan.
Pinaharurot ko ang sasakyan. Kahit di. Ko. Alam. San magsisimulang maghahanap.
Ang sakit sakit..tiningnan ko yong frontseat
At muling inalala ang mga labi nyang nakangiti. Mahal ko….. 😭






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top