Munting Pangarap ni Esang Kabanata 23


Tulad ng napag usapan ay pinag aralan nga ni Long ang perma ni tita..pero bago nya daw gawin yun ay ipangako ko ko daw muna na mag aaral na kong mabuti.
Kahit di nya sabihin yun ay Yun nman talaga ang gagawin ko.
Pagkatapos nghapunan ay todo yaya mga kaboardmate ko sa akin sa na magsugal pero tumanggi ako. Talagang paninindigan ko na na magbabago na ko talaga..
Puro kantyaw sila sa akin kesyo nagpapanggap lang daw ako.. Kesyo kung kelan malapit ng matapos ang pasukan eh saka pa daw ako nag iinarte. Kesyo anong kadramahan daw ang ginagawa ko ..baka daw naanod narin daw ng baha yung utak ko at napalitan ng bago at ngayon pa daw talaga ko makapg isip para magbago.. Wala na daw akong pag asa.
Kinibit balikat ko nlng ang mga sinasabi nila. Di ko na denepensahan pa ang sarili ko at hinayaan ko nlng ang mga sinasabi niLa..
Maaga kameng matutuLog ni Long ngayon at bukas ay ang simuLa na ng panibago kong kabanata..
Nagdasal muna ako bago matulog ..
Subalit siguro talagang di umaayon sa akin ang mga bagay na gusto ko mangyare..
Kinabukasan ay subrang sama ng pakiramdam ko..
Bigla akong nagkasakit.. May ubo sipon ako ..at may Lagnat pa nga… Siguro dahiL sa pagpapaulan namin kahapo at nung nakaraang araw…
PinipiLit kong bumangon pero di ko talaga kaya.
“Gusto kong pumasok 😭 ..gusto kong makabawe. ” umiiyak na sabi ng puso ko..
Ginising ko si Long at sinabing tulungan nya kong makabangon dahiL susubukan ko talagang makapasok.
Bumangon si Long. At nag asikaso na ko para makapasok...


sa paaraLan…
Sinabihan nya akong magpahinga nLang muna..para mabilis daw akong gumaling..
Pag alis Ni Long ay dinala nya na ang card ko na may pekeng perma ksama ang aking excuse letter.
Nanghihinayang ako sa araw na to. Ito na sana yung unang araw na makabawe ako kaso mukhang minalas naman ..
Nakisuyo akong magpabiLi sa apo ni LoloNoy ng gamot.. Di ko kse talaga kayang tumayo… Ang sasakit pa ng mga kasukasuan ko..
Maghapon akong nangingig at inaapoy ng Lagnat.. Naiisip ko ung mga panahong may sakit ako na anjan si Tita para alagaan ako …
Sana nandito sya para gumaling ako agad..
Kinabukasan ay ganun parin may Lagnat pa din ako..
Malakas na namn ang uLan dahiL may paparating na nmang panibagong bagyo..
DahiL hindi pa nman nakakapasok ang bagyo ay may pasok padin sa paaraLan.. Ganun pa man ay may pagbugso bugsong pag uLan..
Pero kinabukasan ay mejo ok na ang panahon kaya natigiL na rin ang uLan… At kumalma na rin ang kuLay bughaw na dagat..
TatLong araw na kong absent . Hindi tulad ng dati na wala lang sa akin… Ngayon ay parang nalulungkot na ko..
Pero ngayon ay mejo ok na ang pakiramdam ko.. Sana ay makapasok na ko bukas.. Excited na kong makapasok bukas
Kaso kung kelan handa ka na para sa pagbabago ay may mga mangayayari talagang di mo talaga lubos na inaasahan..
‘ -itutuLoy
Highligts sa kabanata 23
Isinuut ko na ang sapatos ko at akma ng lalabas ng biglang bumukas ang pinto.. Lumingon ako at ….
Abangan 😂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top