Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 24


Subalit kinabukasan ay bumalik ang lagnat ko…
Akala ko ay makakapasok na ko ngayong araw ng Huwebes pero hindi parin pla..
Di tuLad ng nakaraang araw na d ko kayang tumayo,ngayon ay kaya ko nman pero nahihilo ako..
“wag ka ng pumasok, “si Long..
“pero tatlong araw na kong di pumapasok “,sabi ko
“hayaan mo na. Kung gagaLing ka mamaya edi pwede ka pa nmang pumasok bukas. Wag mo ng pilitin pa ang sarili mo at baka mas lalo kang magksakit.. Magoahinga ka nlng muna jan para di ka mabinat “,halata sa boses niton ang pag aalala.
“alam na kaya nila tito at tita sa bahay na may Lagnat ako? ” tanong ko kay Long..
“Di ko lang alam “sabi ni long..
Kumakain kame ni Long ng agahan ngayon bago sya pumasok sa paaralan at ako naman ay para maka inom. Na ng gamot.
“Long? Naipasa mo na ba yung card ko kay maam? ”
“oo nman nung Lunes pa. Nung binigay ko nga yung excuse letter mo parang di sya naniniwalang may sakit ka. “sabi nto
“hayaan mo na. “,sabi ko naman dito..
Umalis na si Long at naiwan akong mag isa sa boarding house. Di tulad ng dati na komportable akong natutulog kahit alam ko nmang nagbubulakboL lang ako ay iba na ngayon yung nararamdaman ko..Nanghihinayang na ko ngayon sa mga araw na lumipas na wala ako sa schooL. Ganun talaga siguro kong Nanjan na sa dibdib mo ang tinatawag na KONSENSYA..
Yung mga kaboardmates kong kaibigan ko dati sa sugalan ngayon ay pinagtatawanan na ko. Kesyo nagkasakit daw ako kse nahinto daw ako sa pagsusugaL..
Na kailangan daw ng vitamins ng katawan ko at yung tinutukoy nilang...


vitamins ay ang pagausugaL.. Di ko nalng sila pinapansin kapag ganyan sila sa akin.. Lilipas din nman yang mga pang aasar nila sa akin.
Pagkatapos uminom ng gamot ay natuLog na muna ako .baka sakaling paggising ko ay magaling na ako.
Bago ko ipikit ang mga mata ko ay nanalangin muna ako..na sana ay hayaan NYA na patunayan ko sa kela tito na nagbago na ko kaya wag NYA hayaang malaman nila tito ang mga pagkakamali ko..
At nakatuLugan ko na ang aking mga pagmumuni muni.
“tara kain na tayo “,
Boses ni Long ang gumising sa akin..
Tanghali na pla at kakauwe lng nto galing sa paaraLan.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at masaya ako kse ok na ko.
Bumangon na ako. Nakita kong bumili pla sya ng Lutong uLam..
Naupo na ko para makakain.. At makainom ulinng gamot mamaya para tuluyan na nga kong gumaling..
Kinabukasan ay Okey na ko.. Kaya masaya akong mag asikaso.. Masigla akong nagbihis at magsuklay ng buhok..
“ito na yun Esang…bumawe ka na.. Mag aral ka ng mabuti at wag ka na ulit maliligaw ng Landas .”,turan ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.
Sumulyap ako sa orasan. At 7:50 na. Ok lang nman yun kse magtatricycle kme ni Long ngayon. Di na daw muna ako maglalakad at baka mabinat ako ..kapag sumakay ka kse ng tric. Ay wala pang 5 minutes ay nasa schooL ka na..
Nauna na si Long sa labas ..inantay nya nalang ako sa may gate.
Isinuut ko na ang sapatos ko at akma ng lalabas ng biglang bumukas ang pinto.. Lumingon ako at ….
-itutuloy.
Ipopost ko po agad agad ang kabanata 24.1 kapag naaprob po ito ng ating mababait na admin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top