Ang Malambot kong Pag-ibig Chapter 14


Hindi talaga makapaniwala si Abby na Officials na sila ni Vince, may basbas na ng kaniyang tatay ang pagpapakasal nilang dalawa, ngunit may guilt sa puso ni Abby, hindi niya gustong lokohin ang tatay niya, pero nandoon na daw, saka nalang daw niya iisipin kung ano ang gagawin na dahilan niya sa kanyang tatay oras na ganap nang naisakatuparan ng papa ni Vince ang ipinangako sa anak, at sana daw ay kayanin niya ang sakit na mararamdaman kapag kailangan na nilang maghiwalay ni Vince..
.
Abby : Kate saan ba tayo pupunta?
.
Sa mga oras na iyon ay, nasa byahe sila, walang idea si Abby kung saan sila pupunta ng kaibigan.
.
Kate : huwag kang magtanong.
Abby : bakit masama na ba ang magtanong?
Kate : basta abby, huwag makulit.
Abby : Siguro ipapa salvage mo na ako ano.
Kate : baliw ka talaga!
.
Nagtatawanan ang mag kaibigan dahil sa kanilang kakulitan, at makalipas ang oras ay naroon na sila sa kanilang destinasyon.
.
Abby : wow may ribbon cutting pala dito ng bagong restaurant..
Kate : oo nga meron kanina kapa hinihintay.
Abby : aba, baliw ba sila bakit nila ako hinihintay, ako ba yong magka-cut ng ribbon.
Kate : buti pa bumaba na tayo.
Abby : sige tara na maki agaw tayo ng mga lucky coins, swerte daw yun eh..
.
Excited sa pagbaba si Abby sa sasakyan, maraming tao roon at hanggang sa nagulat na lang siya at dahil naroon ang tatay niya.
.
Abby : Tay akala ko po umuwi na kayo kanina nong nagpaalam kayo, sabi ninyo uuwi na po kayo ah?
Ernesto : Hindi pa anak.
Abby : eh bakit po kayo nandito, at sino pong kasama ninyo?
Ernesto : mga kapatid mo at si Alvin.
Abby : po!! Nandito din po sila?
.
At nakita nga niya ang mga kapatid, nagsilapitan ang mga kuya niya at nakababata niyang mga kapatid, at yumakap sa kanya.
.
Abby : kuya kelan ba kayo dumating dito?
Wally ; kanina lang. Pinasundo kami ni sir alvin, nauna lang si tatay samin na pinasundo ni sir alvin.
Abby : ganun ba.
Ernesto : oo anak.
.
At hanggang sa naroon na si Alvin.
.
Alvin : mabuti at dumating ka na abby, kanina ka pa namin hinihintay.
Abby : sir, eh bakit naman po hinihintay ninyo ako?(nagtatakang tanong)
.
Alvin : Syempre naman, pwede bang umpisahan ang ribbon cutting nitong restaurant na wala pa yong owner.
.
Napanganga si Abby, parang naguluhan siya sa narinig niya, pero naintindihan naman niya yong sinabi ni Alvin, tumatahip ang dibdib niya, ano daw ba ang ibig sabihin ni Alvin na hindi pwedeng umpisahan ang ribon cutting haggat wala pa ang may ari.
.
Alvin : surprise!! Ang restaurant na ito ay iyong pag aari.
.
At noon ay maliwanag na maliwanag na narinig ni Abby ang sinabi ni Alvin.
.
Abby : S-sir! Paano pong naging ako ang may ari niyan?(nagtatakang tanong)
Alvin : Dahil isa kang mabuting tao, hindi mo ako iniwanan kahit na sa mga panahon na sinusungitan kita, nandiyan ka pa din, hindi iba ang turing ko sayo Abby kundi kapatid ang turing ko sayo at sa lahat ng anak ni Yaya, kaya tanggapin mo ang aking handog, para sayo at para kay tatay Ernesto at para sa mga kapatid mo, at para na din sa minamahal kong yaya na itinuring ko nang parang nanay..
.
Nag uunahan ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ni Abby, hindi siya makapagsalita, sa sobrang iyak niya dahil sa kaligayahan..
.
Nilapitan siya ni Alvin at Niyakap siya nito..
.
Alvin : tahan na Abby, pati tuloy ako naiiyak sayo.
.
Pati ang tatay ni Abby ay umiiyak na din pati ang mga kapatid niya, kahit si Kate ay umiiyak din dahil sa kaligayahan para sa matalik na kaibigan.
.
Abby : sir alvin, hindi ko alam kong paano kita mapapasalamatan, sobrang napakalaking bagay nitong ibinibigay mo sa akin.
Alvin : maliit na bagay lang yan. Ibang tao nga natutulungan ko ikaw pa kaya na kapatid ang turing ko.
.
Muli na namang bumuhos ang luha ni Abby.
.
Alvin : huwag ka nang umiyak, kanina pa naghihintay si Father, umpisahan na nating ang Ribbon cutting.
.
At inumpisahan na nila ang ribbon cutting. Halos hindi ma makita ni Abby yong ribbon na ika- cut niya, dahil sa hilam na hilam ang luha niya sa sobrang kaligayahan, Habang pumapasok sila sa loob ng restaurant na kasabay ang Pari na nagbabasbas ay tulo ng tulo ang mga luha niya, parang nakalutang sa alapaap si Abby, hindi siya makapaniwala na sa kanya iyong reataurant na iyon, sabi ng isip niya na sana daw ay kung panaginip iyon ay huwag na siyang magising pa, At hanggang sa natapos na ang blessings, abala si Abby sa kusina, kinikilala niya lahat ng kanyang mga staff, masaya siyang nakikipag usap sa mga makakasama niya sa restaurant, ni sa hinagap ay di niya naisip na mangyayari iyon, ang akala nya hanggang pangarap lang iyon, pero hindi pala, nangyari ang mga pangarap na binubuo niya sa kanyang isip, at dahil iyon kay Sir Alvin niya.
.
Kate : happy?(tanong niya sa kaibigan)
Abby : sobra! Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan si Sir Alvin.
Kate : Kaya alam mo, sobra akong humahanga sa asawa ko sobrang bait, wala na akong masabi, kaya nagpapasalamat ako sa Diyos dahil pinagtagpo Niya kami. Salamat kay Tatay, kay Anita, kay Maria at kay Jessie at Erica.
Abby : ano, nagpapasalamat ka dun sa bruhang babae nayun!!
Kate : oo nagpapasalamat ako sa kanilang lahat, dahil sa kanila, nakilala ko ang aking Knight in shinnig armour.
Alvin : mukhang ako yong pinag uusapan ninyo ah.
Kate : oo sweetie ikaw nga.
Abby : Sir Alvin, hindi ko po alam kung kakayanin ko itong obligasyon na ito.
Alvin : abby hindi lang basta obligasyon itong restaurant, diba pangarap mo ito!
Abby : opo, pero wala pa po akong masyadong kaalaman sa pagpapatakbo nito. Ang alam ko lang ay magluto.
Alvin : Abby, nandito ako at ang asawa ko na gagabay sayo, sigurado naman ako na kayang kaya mo yan, wala ka bang tiwala sa sarili mo?
Abby : at saka sir, sobra naman po kayong manorpresa nakakahimatay, alam nio po wala talaga sa hinagap ko na magkakaroon ako ng restaurant, alam nio po yong karinderia lang ay okay na pong panimula yun.
Alvin : Paano naman magagamit yong pagka chef mo kung Karenderia lang ang meron sayo.
Kate : oo nga naman abby may punto naman si Sweetie dun.
Abby : pero sir Alvin, maraming salamat po sa inyo, kayo po ang tumupad sa mga pangarap ko.
Alvin : walang anuman yun abby, aking kapatid.
.
At dahil dun ay tumulo na naman ang mga luha ni Abby.
.
Alvin : paano, mula ngayon ay ikaw na ang bahala dito, alam kong mapapalago mo pa itong resaturant na sa tulong ng iyong mga staff mo dito, alam kong kayang kaya ninyo yan.
.
Natutuwa naman si Abby dahil pinalalakas din ng mga staff niya ang kanyang loob, kinabisado na niya ang mga pangalan ng mga makakasama niya sa kitchen at ang lahat ng mga employer niya..lumipas ang napakahabang oras abala si Abby sa kitchen, hindi pa niya natatapos ang culinary course niya ay madami na siyang alam na iluto..dahil sa sobrang hilig niyang magluto ay natuto naman siya agad, at duon ay magagamit na niya ang kanyng natutunan, at mas paghuhusayan pa niya upang mas madami siyang maibahaging masasarap na pagkain sa kanyang restaurant, at hanggang sa...


lumipas pa ang oras, pagod na ang lahat pero masasaya pa din sila Abby at ang kanyang mga Kasangga sa restaurant na iyon..sa unang araw pa lang ay mga nagkahulihan na sila ng loob, natutuwa si abby dahil masisipag at mababait ang mga Angel niya sa restaurant niya, at sa sobrang busy ni Abby ay hindi na niya naalala si Vince, pansamantalang nakalimutan nya ang nagpapagulo sa puso at isip niya. Naalala lang ni Abby si Vince nang wala na silang mga costumer, alas onse na ng gabi noon at handa na siya sa pag-uwi, paglabas niya ng pinto ay nakita niya sa labas ang kotse ni Vince, at ng makita siya ni Vince ay bumaba si Vince sa kotse at sinalubong si Abby.
.
Vince : Hi.(nakangiting bati niya)
Abby : H-hi.!
.
Nagtaka si Abby dahil wala yatang love si Vince, hindi yata siya tinawag na love nito, at Hanggang sa nagulat si Abby dahil nakita niya rin si Macky doon.
.
Macky : Hi Abby!(naka ngiting bati niya)
Abby : H-hi.
.
Nginitian din ni Abby si Macky, ngunit si Abby ay parang nakakaramdam ng panlulumo, dahil naroon na ang totoong mahal ni Vince.
.
Vince : pasensiya ka na ha kung hindi ako nakapunta kanina nong ribbon cutting.
Abby : Alam mo din?
Vince : oo, sinabi sakin ni Kate, tumawag kasi ako kay kate kanina kaya ko lang nalaman.
.
Nakaramdam ng tampo si Abby, bakit daw siya ay hindi man lang tinawagan.
.
Macky : sayang naman, mukhang close na kayo, gusto ko pa namang kumain sa reataurant ninyo.
Abby : Oo, sa katunayan pauwi na ako.
Vince : Halika na ihatid ka na namin.
Abby : hindi na nakatawag na ako ng taxi, sige ha una na ako sa inyo,
.
Mabilis na naglakad si Abby palayo sa dalawa, tamang tama naman na parating na yong taxi na pinatawag niya sa gwardiya, tinatawag siya ni Vince ngunit di na niya ito pinansin pa. Basta ang alam ni Abby nasasaktan siya sa mga oras na iyon dahil kasama ni Vince ang totoong mahal nito. Mabilis na sumakay si Abby sa taxi na ipinatawag niya sa guard, at pagkasakay niya sa taxi sinara na niya agad ang pinto.
.
Abby : kuya tara na po, bilisan nio napo.
.
Nakaramdam ng panibugho si Abby, naiinis ang pakiramdam niya, hindi niya alam kung kanino talaga siya naiinis, kay Macky daw ba, o kay Vince, o sa sarili niya.
.
Abby : ginusto mong mangyari sayo yan eh, dapat kasi hindi mo hinayaang mahulog ang loob mo kay Vince!!(sermon niya sa sarili)
Abby : sayo nagmula lahat ng bigat ng nararamdaman mo, dahil sa pagmamahal mo kay Vince ayan ka ngayon nasasaktan!(kastigo niya ulit sa sarili)
Abby : ikaw yong gumawa ng sakit ng ulo mo kaya kasalanan mo yan!!!
.
Naramdaman na lang niya na may mga luha ng umaagos sa pisngi niya, at hanggang sa hindi na niya pinigilan ang emosyon, iniyak na niya ng iniyak ang bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib, nag alala ang taxi driver dahil sa pag iyak ni Abby, at Hanggang sa nagbubuhos na siya ng bigat na nararamdaman sa taxi driver, tutal naman daw ay hindi siya kilala ng driver kaya ikinuwento niya lahat, ngunit hindi ang pagkakakilanlan nilang dalawa ni Vince.
.
Abby : kuya, pasensiya na po kayo ah, ang bigat lang po talaga sa pakiramdam yong sitwasyon ko ngayon, biruin mo nagmahal ako, pero yong mahal ko hindi ako mahal, may mahal siyang iba.
Driver : sige lang iiyak mo lang diyan, dadating din yong araw na magiging maayos din ang lahat.
Abby : hindi na dadating yun kuya, pagdating ng araw ay malamang na magkakahiwalay na din kami ng landas, dahil babalik na siya sa totoo niyang mahal.
.
Hindi maubos ubos ang luha ni Abby, talagang ibinuhos niya sa taxi driver ang kanyang problema, nakikinig lang ng mabuti sa kanya ang driver.
.
Driver : isipin mo na lang na yong bigat na nararamdaman mo eh may kapalit naman mabuti yan pagdating ng araw.
Abby : kuya hindi, dahil yong sinasabi mong araw ay yun na yong huli naming pagsasama, maghihiwalay na kami ng landas, doon na siya sa totoong minamahal niya!!
Driver : sabihin na nating ganun nga ang mangyayari, pero may mga bagay na di mo akalain na magbabago, paano kung matutunan ka din niyang mahalin.
Abby : kuya di mangyayari yun, ayokong umasa., masakit lang.
Driver : Kung ayaw mong umasa, e di maniwala ka na lang na mangyayaring mahalin ka nang mahal mo.
Abby : Kuya, parang ganoon din eh, parang umasa na din ako kapag naniwala ako na mamahalin niya ako.
Driver : may mga bagay talaga dito sa mundo na mahirap paniwalaan, mahirap umaasa na mangyayari, pero may bagay din na magugulat ka na lang na, ayun na nasa iyo na yong gusto ng puso at isip mo, na abot kamay mo na yong pangarap mo. At nooy ay natigilan si Abby, totoo nga naman yong sinabi ng driver dahil yun na nga lang daw restaurant ay isang malaking halimbawa ng hindi inaasahan biyaya. Sa isip niya maaring mamahalin siya ni Vince!
.
Driver : okay ka na ba?
Abby : opo kuya, maraming salamat po sa inyong pakikinig sa mga hinaing ko sa buhay.
Driver : wala yun, basta ang isipin mo na lang na lahat ng nangyayaring pagsubok sa buhay mo ay malalagpasan mo din yun, basta maging matatag ka lang at huwag panghinaan ng loob, kung talaga na hindi talaga kayo para sa isat isa, kailangan mong tanggapin yun, dahil baka may taong nakalaan talaga para sa iyo.
Abby : tama po kayo diyan, masaya po ako na masakay ako sa inyong Taxi kuya-
Driver : kuya Joebert hija, pwede mo din akong tawaging tito Joebert.
Abby : ah t-tito Joebert, ako nga po pala si Abby.
Joebert : Abby.
Abby : opo.
Joebert : Abby, pwede ko bang malaman ang lalakeng tinutukoy mo?
Abby : Nako pasensiya na po, hindi ko po maaaring sabihin ang pangalan niya, pasensiya na po talaga.
Joebert : okay lang Hija..
.
Nagpahid ng luha si Abby dahil malapit na syang bumaba, hanggang sa pinahinto na ni Abby ang taxi sa tapat ng gate nila.
.
Joebert : Napaka ganda pala ng bahay mo Abby.
Abby : ay hindi ko po yan bahay, bahay po ng amo ko po yan.
Joebert : ganun ba.
Abby : opo, heto nga po pala yong bayad ko.
Joebert : Ay hayaan mo na abby, huwag mo na akong bayaran.
Abby : ay hindi naman po pwede yun, naghahanap buhay po kayo, mahirap po yatang humanap ng pera ngayon.
Joebert : okay lang hija, huwag ka ng magbayad, tutal naman pauwi naman na din ako. Sige na Hija.
Abby : nakakahiya naman po kung hindi nio kukuhanin ang bayad ko.
Joebert : eh kung sinabi mo sana sakin na sa iyo ang bahay na iyan ay tatanggapin ko ang bayad mo.kaya sige, para makapag pahinga ka na.
Abby : maraming salamat po tito Joebert, masaya po akong makilala kayo.
Joebert : ako din abby.
.
Bumaba na si Abby sa taxi l..
.
Abby : maraming salamat po ulit, ingat po kayo.
Joebert : Salamat Hija.
.
Pumasok na si Abby, dahil ipinagbukas na siya ni mang bernie, at samantala naman ang taxi driver ay may tinawagan sa telepono..
.
Joebert : Ate Joanne( sa telepono) kailangan nating mag usap.
.
Itutuloy..
.
Pasensiya na po ngayon lang ako nag update, mamayang gabi po ihahabol ko ang 15..Maraming salamat po.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top