iniisip ko kung anu naman ang aaplyan ko bukas..para may pag ka abalahan na ako!! At para makatulong narin ako. Sa aking ina, naisip kuna rin ito noon pa kaso wala akung maisip ehh..bahala na bukas.. ngayon matulog muna ako dahil inaantok ako..
Humiga na ako sa aking higaan at yakap ko ang bilog na unan at pinikit ko ang dalawa kung mata.. Sa aking pag tulog..ay may napanaginipan ako at may nakikita akung lalaki. Hindi ko gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil may kalayuan ito. Nakatayo lang siya sa garden at kumaway kaway pa siya sa akin.. nilalapitan ko siya pero siya ay lumalayo din naman siya sa akin. Ewan ko kung bakit siya lumalayo. Sa akin nag salita naman ako..! Kuya bakit ayaw mong lumapit sa akin nang makita kita, at makilala kita at makausap ka..bakit sa tuwing lumalapit ako sayo ay lumalayo ka. Kilala moba ako..kuya?
Nawala ang taong yon nang ginising ako ni mama ailyn nang marinig niya akung nag sasalitang tulog!!
Anak Cathleen gumising ka. Bakit ka nag sasalitang tulog.,.nagising ako sa pag yog yog at sa boses ni mama. Kaya tinanung ko siya?
Bakit ma. Anung ginagawa mo dito sa kwarto ko..! Nanaginip ka Cathleen..may napanaginipan po kasi ako mama..may lalaking kumakaway sa akin at hindi ko siya maaninag. Kapag nilalapitan ko siya ay lumayo naman siya. Kaya nag pasya akung kausapin siya.. kaso wala akung sagot na marinig sa lalaking yon mama,,
Pag kwekwento ko sa aking ina..
Nag taka ako bakit napanaginipan ko ang lalaking yon..sinu yon at wala akung idea kung bakit bigla siyang pumasok sa aking panaginip. Hindi kaya siya ang ama ko bakit bigla nalang siyang pumasok. At ang pinag tatakahan ko lang naman kung bakit kumaway siya sa akin,kahit na maaninag kupa siya ay hindi korin naman alam kung anung mukha nang aking ama, iniisip ko sa aking sarili kung buhay paba siya oh patay na..pero wag naman sana,dahil gusto kopa siyang makasama at makayakap. At maramdaman ang yakap nang isang ama…!
Bigla nalang tumulo ang mga luha ko.. dahil sa aking iiniisip!! Iwinaksi ko naman ang ulo ko. At napag pasyahan kong tumayo nalang sa pag kahiga at hindi na bumalik sa pag tulog ko dahil baka mapanaginipan ko siya ulit.
At lumabas na ako sa aking kwarto. Tinignan ko ang orasan “4:30pm“na pala kaya andito na si “mama” ailyn pumunta ako sa kusina para mag momomog. Nakita ko si mama hinuhugasan ang karneng baboy..pag katapos kung mag momomog ay naisipan kung mag timpla nang kape. At nag salita si mama,,anak ehh timpla mo rin ako nang kape..sige po ma,,!! At naitimpla kuna nang kape si mama ay inabot kuna man sa kanya..ma, ito napo ang kape...