π‘΄π’‚π’Œπ’† 𝒕𝒉𝒆 π’ˆπ’‚π’š 𝒕𝒖𝒓𝒏𝒔 π’Šπ’π’•π’ 𝒂 π’ˆπ’–π’š π‘ͺ𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 4


“Sino ka ba?! Saka bakit mo kasama si Kate?!”.
Shemay naman, kailangan na ba akong kabahan. Nakakatakot pa naman sya…kailangan na namin umalis ngayon.
“Tara na , Axel!”. Bulong ko sa kanya. Kabang kaba na talaga ako.
“Tara na, Kate!”. Hinatak pa ako ng ex- bestfriend ko si Matt. Kinabahan na talaga ako.
” Don’t touch her!.” Nagsalita bigla si Axel at hinatak naman nya ako. Hay, salamat kala ko pababayaan nya na ko.
“Bakit sino ka ba, huh?!”. Tanong ulit ni Matt kay Axel.
“Uy, sila Lee,oh! ‘Di mo naman sinabi, Matt na kasama mo pala sila!”. Sabi ko kay Matt at lumingon naman sya kaya pagkakataon ko na ‘to. Agad ko namang hinatak si Axel at tumakbo na kami.
“Hoy,Kate! Sa’n kayo pupunta?!”. Sigaw ni Matt samin ni Axel.
Lumingon ako para malaman kung nasan na sya. Takte, hinahabol na kami. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa may nakita akong bilihan ng damit , agad ko namang hinatak si Axel papasok dun.
Pagkapasok namin doon ay agad akong nagpahinga at binitawan ko na sya. Parehas kaming hingal na hingal.
“Who’s that man?!”. Tanong sakin ni Axel habang hinahabol nya ang hininga nya.
“His my possesive bestfriend!”. Sagot ko sa kanya. Tumingin ako sa labas at nakita ko si Matt dun sa labas at naghahanap kaya agad ko naman hinatak pababa si Axel.
“Ouch!”. Napadaing sa sakit si Axel. Paano ba naman nagkauntugan kaming dalawa. Syempre nakita ko kasi si Matt,eh!.
“Sorry ! Andyan kasi sya eh.” Pagpapaumanhin ko sa kanya.
“Paano tayo aalis?huh?! “. Tanong nya sakin kaya napaisip naman ako ng paraan. Oo nga noh! Nasa loob kami ng bilihan ng damit. What if….
“Don’t tell me,..” pagbabanta sakin ni Axel dahil siguro naisip nya ang naisip ko.
“Yun nga. Mag – dress ka ako naman magtu- tuxedo.” Agad ko naman syang hinatak at hinanapan ng dress. Lahat yun ayaw nya kaya sya na ang pinapili ko. May nakuha naman sya kulay blue above the knee at may ribbon sa likod. Hanep maghanap eh. Namili na rin ako at kinuha ko na yun at sinukat at may katerno pang sumbrero para matago yung mahaba kong buhok. Sinukat na rin ni Axel yung sa kanya at pagkalabas nya.
“Wow,sexy!”. Sambit ko sa kanya. Habang sya nakangiti lang sakin. Bakla talaga! . Agad ko naman syang hinatak at hinanapan ng wig . Ang nakuha ko ay yellow na buhok at medyo kulot yun kaya bagay sa kanya.
“Ang ganda mo naman , Axel!”. Sambit ko sa kanya. Habang sya ngumingiti lang.
“I know, right!”. Sabay flip hair. Iba din. Kinuha ko naman ang make up na binili nya kanina at binigay ko sa kanya kasi wala naman akong alam sa pagmamake up. Agad naman nya itong kinuha at inayusan ang sarili. Matagal tagal din syang nag ayos at ngayon tapos na sya. Shemay, ang ganda nya. Talo pa ko sa kagandahan nya.
“You’re drooling, woman!”. Mapang asar na sabi nito sakin. With matching tone na pangbabae.
“Baliw. Hindi kaya!.”. Epal din ‘tong bakla na ‘to,eh. Maganda lang talaga sya. Agad ko naman syang hinatak palabas ng dressing room, at nagbayad na sya sa counter.
Palabas na kami ngayon at natatanaw ko pa rin si Matt sa labas kaya kinabahan ako.
“Huwag kang kabahan!”. Bulong nito sakin at pinulupot nya ang kamay nya sa braso ko. Hindi na ako tumanggi dahil nagpapanggap kaming dalawa. Habang naglalakad kaming dalawa ay hindi ko maiwasan ang tumingin kay Matt.
Paano ba naman, nakatingin din sya sa gawi namin. Kinabahan naman ako. Buti na lang at malapit na kaming makalabas ng mall. Kaya agad-agad kong tinungo ang kotse at pumasok. Hehe, natuto na kasi akong magbukas ng pinto,eh. Agad namang sumunod si Axel at pumasok na rin.
Axel’s POV
Nakakapagod naman ang araw na ‘to. Masyadong maraming nangyari. Pero ang saya kasi nakapagsuot ako ng dress at naka make-up ako. Pero paano ako magpapaliwanag mamaya. Baka magalit sakin si mom.
Hayssst!!! Bahala na nga. Basta nagpapasalamat ako sa babaeng’to dahil matagal tagal na rin nung last na magsuot ako ng ganito.
“Why that man is so possesive?!”. Bungad ko sa kanya habang ako ay nakatingin parin sa kalsada.
“Maybe he is jealous!”. Sagot nito sakin. Wow, ah! May naghahabol pa pala sa kanya kahit papaano.
Natawa naman ako sa sinabi nya kaya agad naman syang nagsalita.
“Bakit ka ba tumatawa ? Totoo naman ang...


sinasabi ko ! “. Inis nyang tanong sakin.
Sumulyap ako sa kanya at binalik agad ang tingin sa daan saka nagsalita.
“As if, na may papatol sayo! “. Mapang-asar na tugon ko sa kanya.
“Edi wow! Inggit ka na naman sa kagandahan ko. Ano ka kasi ! Kaya hindi ka maka appreciate ng kagandahan!”. Dagdag pa nito.
Medyo nainis ako kasi alam ko ang ibig sabihin. Nang ano ! Gets ko yun,eh. Dahil sa inis ko… agad ko naman hininto ang kotse dahilan para magulat sya. Syempre…ikaw ba naman na muntik tumama yung mukha mo sa dash board, matutuwa ka kaya?.
Kaya inis nya akong tiningnan … kaya inis ko rin syang tiningnan.
“What did you just say? Ung ano ?!”. Tanong ko sa kanya.
Agad naman syang ngumiti ng nakakaasar at saka nagsalita.
“Alin dun? Yung ano ba yung word na sinabi kong ano? Affected ka ba?!.” Mapang-asar nitong tugon sakin. Nagalit ako sa kanya at sinigawan sya.
“So, nang-aasar ka?”. Tanong ko sa kanya”. Nanggagalaiti kong tanong sa kanya.
“Hinahamon mo ba ko?”. Tanong ko sa kanya at hinawakan ko ang wrist nya para malaman nya kung ano ang tinutukoy ko. Medyo malapit na ang mukha namin sa isa’t isa ng bigla syang magsalita.
“Bakit?! Hindi ba ovious?!”. Nilapit nya rin ang mukha nya sakin.
Kunting galaw ng isa sa amin. Siguradong didikit ‘to. Agad ko naman hinawakan ang magkabila nyang pisngi. Ngumiti muna ako sa kanya ng nakakaloko dahil ito ang gusto ko sa mga babae…PALABAN!! … hahalikan ko na sana sya ng biglang may bumusina sa likod namin.
Agad naman nya akong tinulak ng bahagya kaya nagkahiwalay kami. Nakakaasar naman, oh! Gusto ko pa naman makita ang reaksyon nya.
Agad ko naman pinagana ang makina at pinaandar ko na ang kotse ko.
“Yes! Panalo ako ! “. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ‘to! Agad naman akong sumulyap sa gawi nya at tiningnan sya nang makahulugan at binalik ko na ang tuon sa daan.
“Ah, yun ba!”. Agad naman nyang nagets ang sinabi ko at nagsalita na ulit.
“Alam ko kasing may kotseng paparating sa likod kaya hinamon kita kasi, once na nasa likod na yung kotse na yun… siguradong bubusina yun at hindi yun matutuloy. And yes! Kasi nagkatotoo yung plano ko! Kaya 1 point sakin.
” Mahabang lintaya nya sakin. Kaya naman pala ang lakas ng loob nyang mang hamon. Hindi ko na lang sya pinansin at agad naman kaming nakauwi. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni mon siguradong magagalit yun sakin.
Agad naman kaming nakapasok sa loob at nakita ko si mom, pababa ng hagdan habang nakatingin sakin ng masama. Agad naman syang nakababa at nasa harap na namin.
“Bakit ganyan ang suot mo ?!”. Tanong sakin ni mom. Alam kong galit na si mom. Hindi ko alam ang isasagot ko. Sh*t!
Kate’s POV
Kinabahan ako sa aura ng mommy ni Axel. Habang itong si Axel naman ay halatang kinakabahan na. Kaya agad naman akong nagsalita.
“Ano po kasi Tita, may nanghahabol kasi samin na lalaki. Habol sya ng habol samin kaya hinatak ko sya sa bilihan ng mga damit. Para hindi kami makilala …pinasuot ko sya ng ganyan at ito naman po ang suot ko.” Turo ko pa sa suot ko.
Agad naman napawi ang galit sa mukha ng mommy ni Axel at napalitan ito ng pag-alala. Agad naman syang lumapit kay Axel at niyakap ito.
“I’m sorry son! Hindi ko sinasadya.” Agad namang humiwalay sa pagkakayakap si Tita Leanne.
“It’s ok mom! “. Malamyang tugon nito.
“Ok lang ba kayo? Nasaktan ba kayo?!”. Pag alalang tanong nya samin.
Agad naman akong tumango para masabing ok lang kami.
“I just want to rest mom!”. Sabi ni Axel kay Tita Leanne. Nagpaalam din ako kay Tita Leanne na magpapahinga rin ako.
Kaya agad akong sumunod kay Axel.
“Woman! Hindi ka parin bayad sa ginawa mo, ah! Baka nakakalimutan mo!”. Panimula nya.
“Patas na tayo! Pasalamat ka kasi sinabi ko yun”. Baling ko sa kanya.
“NO!!! You will taste my revenge after our wedding! Kaya be ready, woman!”.
Napalunok naman ako ng sarili kong laway. Malamang sakin..alangan naman sa kanya. Chos!. Pero kinakabahan ako. Remember? Sabi nya kaya nyang gawin ang lahat. Shemay!
——————————————————–
A/N:Hi readers kung inaakala nyo diko ito tatapusin actually completed nato sa notes ko:
Sana suportahan nyo ko hanggang dulo😊❀❀






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top