mafia boss missing wife fifteen


by: Gail Montenegro
tiim bagang na nakatitig si clark sa lalaking pababa ng matarik na hagdanan ,walang iba kundi si jordan lukes ang taong inagaw ang lahat sakanya.
“what the hell are you doing here?” malakas na tinig nito habang sinasalubong ang masakit na titig ni clark
“you know what i want,,, doctor!” salubong ang dalawang kilay nyang saad dito
matigas ang pangang nilapitan ni jordan si clark ilang metro lamang ang layo “wala kang karapatang pumunta dito kaya umalis kana” ani ni jordan
inilang hakabang ni clark ang kinatatayuan ni jordan saka ito pinadapuan ng malakas na suntok sa mukha ng bumagsak ito sa sahig ay kanya itong dinaganan at paulit ulit na pinagsusuntok sa mukha at huliy sa sikmura “hayop ka ,sinabihan na kita at naghintay ako ng ilang oras umaasa na may konsensya ka pa at ibabalik ang magiina ko pero isa hangal ,talagang ipagpipilitan at paninindigan mo ang pag angkin sa pamilya ko sa kabila ng mga katotohanan na nalaman mo…hayop….” malakas nyang bulyaw dito bago muling pinadapuan ng suntok sa mukha at sikmura umagos ang dugo mula sa gilid ng bibig nito ngunit hindi iyun sapat para maibsan ang galit na nararamdaman ko muli ko itong papaulanan ng suntok ngunit narinig ko ang pag iyak ng isang munting bata kaya dumako doon ang paningin ko naririnig kong malapit lamang kaya agad akong tumayu upang puntahan kung saan ngunit sa pagtayu ko ay syang paghila ni jordan sa hita ko at malakas na hinatak kaya nawalan ako ng balance paupo akong bumagsak sa sahig nagpambuno kami sa sahig ng tangkang silang daluhan ng kanyang mga tauhan ay mabilis syang umuling pagpapahiwatig na hayaan sila
nang makaibabaw si jordan kay clark ay agad nya itong pinadapuan ng isang malakas na suntok sa mukha ngunit matatag nitong sinalo siniko ang braso kong nakaalalay sa gilid nito at iniikot ang isa kopang kamay dahilan upang mapaaringking sya sa sakit ngayun ay ito na ang nakapailalim padapa habang nakapulupot ang isang braso nito sa likurang bahagi tinuhod ni clark ang likod nito upang di basta basta makatayu
“jusko….sir jordan!!!!” malakas na tili ng isang ginang hawak hawak nito ang isang bata habang ang kasama nitong babae ay ang isa pa nyang anak ,sa pagkakatitig nya sa mga ito ay tila hangin na lumipad ang kanyang galit nanubig ang gilid ng kanyang mga mata unti unting bumitaw kay jordan at mabilis na nilapitan ang mga ito
ginawa ni jordan ang lahat upang kaagad na makatayu hinila nya si clark palayu sa mga bata at pinadapuan ito sa sikmura na sa pangalawang pagkakataon ay sablay nanaman “ikaw……wag mong lalapitan ang mga anak ko!!!” malakas nyang sigaw sa pagmumukha ni clark nagaapoy sa galit ang mga matang tinitigan nya ito
“mga anak ko,,, ikaw ang lumayu sa pamilya ko walang hiya ka….” si clark na nagngingitngit na sa galit “alisin nyu sa harapan ko ang lalaking ito….” maawtoridad nyang utos sa kanyang mga tauhan ,kinaladkad ng mga ito si jordan palayu ,habang syay tuluyang nilapitan ang kanyang mga anak kinuha ang isa sa matanda na ayaw nitong ibigay
“wag manang… wag mong ibigay ang anak ko lumayu kayu’t ipasok sa loob ng si——-” hindi na naituloy pa ni jordan ang mga sasabihin dahil sa paninikmura sakanya ng isa sa mga tauhan ni clark….
“manahimik ka kung ayaw mong masakatan” bulyaw ni jimmy kay jordan isa sa mga tauhan ni clark
dahil sa takot tuluyang ibinigay kay clark ng matandang katulong si jaspher, ang bunso sa dalawang kambal , ng mabuhat ni clark ang kanyang anak ay niyakap...


nya ito’t hinalikan sa ulo ,kinagat nya ang ibabang labi upang pigilan ang mga luhang nagbabadya ,isa syang mafia, hindi mainam kung makikita syang umiyak ng kahit sa sino ,,,,kahit pa naisin nya, muli ay binalingan nya ang isa pa sa kambal at kinuha rin ito sa kabilang kamay hinalikan din ito sa ulo at magkaagapay na niyakap ang dalawa “mga anak ko!!!! patawarin nyu ko!!!!” mga salitang kayhirap banggitin ngunit kusang lumabas sa kanyang bibig
malakas at nagmamadaling mga yabag ang narinig nila mula sa hagdanan kaya ibinaling nya dito ang kanyang paningin ,isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni clark ng makalapit si bella sakanya ,nakikita nya ang matinding galit sa mga mata na nagpalunok sakanya ng ilang ulit ,pilit nitong kinukuha ang mga bata mula sa pagkakahawak ko ngunit hindi ko hinayaan bagkus ay agad kong inilayu ibinigay saaking mga tauhan at hinarap si bella
“honey….mga armado sila wag——” si jordan na hindi nanaman naituloy ang mga binabalak sabihin dahil sa suntok na muling dumapo sa sikmura nito
“bitawan nyu ang asawa ko!!!!!” malakas na tulak ni carla sa mga lalaking nakahawak kay jordan ,ni hindi man natinag ang mga ito kaya pilit nyang hinila ang kanyang asawa upang bitawan ng mga ito ngunit mas malalakas ang mga ito na hindi manlang gumalaw sa kinatatayuan nila kaya tuluyan syang napaiyak
nilapitan ni clark si bella at niyakap ito ng sobrang higpit “tahan na….,iyuuwi kona kayu” bulong nya dito ngunit pilit itong kumawala tinulak ako saka muling sinampal sa kabilang pisngi naman
“layuan mo ako, pati ang asawa’t mga anak ko hindi kita kilala kaya lumabayan mo kami…” umiiyak na sigaw ni carla sa lalaki ,muli nya itong sinampal ngunit sinalo nito at hinila ako palapit nilingkis ang braso nito sa aking bewang saka mariing hinalikan sa aking labi ,madiin at mapag angkin ,pinilit kong makalayu kaunti upang magawa itong itulak ngunit bigo ako bagkus ay lalo lamang nitong diniinan at nilasap habang tumatagal.
…si jordan na halos humagulhol dahil sa nakikitang tanawin ,hindi nya matanggap ang mga nangyayare ,napakahirap makita na sa harap mismo nya ay kanyang nasasaksihan kung paano angkinin ni clark ang mga labi ni carla ,hindi nya matanggap kaya malakas syang nagpumiglas upang makawala na nagawa naman nya ,mabilis nyang tinakbo si clark at carla…
,,sa halik na igagawad nya umaasa si clark na kahit kaunti ay maaalala sya ni bella sa unay pumapalag ito ngunit kalaunan ay tumutugon na pero sa hindi inaasahan ay bigla nyang naramdaman ang isang suntok mula sa tagiliran nya kaya nabitawan nya si bella at binalingan ang taong gumawa niyun si jordan mas malakas nya itong pinadapuan ng suntok na ikinalugmok nito at nang makitang lalapitan nanaman ito ni bella ay mabilis ko itong hinila saka pinangko na parang sako “dalhin nyu ang mga anak ko” utos nya sa mga tauhan bagi tuloy tuloy na inilabas si bella kahit pa nagpupumiglas ito… ,rinig pa namin ang sumisigaw na si jordan ngunit desidido syang kunin at iuwi ang magiina nya ,ng marating ang kotse ibinaba nya si bella para ipasok ngunit pinagsusuntok at pinagtatadyakan sya nito kaya nahirapan syang ipasok na kalaunan ay nagawa nya sa kabilang sasakyan ay ang mga anak nya siniguro nyang hindi maiiwan ang mga ito bago muling pumasok at umupo sa tabi ni bella
“hayup ka hayop…..” malakas na sigaw ni bella kay clark saka ito muling pinagsusuntok
“tama na bella…tama na!! gugustuhin mubang mga bata lang ang kunin ko at iwan ka kay jordan , hindi….” iling kong wika na nagpahinto kay bella at tahimik nlang na umiyak ito sa isang tabi






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top