NINAKAW NA SANDALI Continuation again… CHapter 4


“Sasali ka sa singing contest Miss?”bungad tanong agad Kay Bella ng babaeng naka-assign sa Paglista ng mga sasali sa Singing Contest
“Oo naman po Mam. Bakit po ba bawal ba ang pangit na contestant?”diretsahang sagot ni Bella sa babae mukhang nadisganar ito sa kanyang hitsura
LALO na at bumulong pa ito sa katabi nito na tila humihingi pa nang sang-ayon dito.
“ANong pangalan?” Maya-Maya ay tanong nito sa kanya
“Arabella Mendez,24 of age,5’3 ang height at-”
“Okey na. Oh cia..next.”
Napabusangos si Bella nang Hindi na siya pinatapos ng babae sa kanyang sinabi. Agad na siyang umalis dito at hinanap niya agad ang kaibigan.
“Nasaan na ba ang babaeng yon?”parang Tangang kausap niya rito sa sarili
Matao pa ang labas ng Munisipyo dahil mukhang hinihintay pa ng mga ito na lumabas ang iniidolo ng mga ito na si Shanaira.
“Miss Shanaira!” Dinig ni Bella na sigaw ng isang batang babae
Nagpalinga-linga siya kung Nasaan ang isang Shanaira na itinatawag ng batang babae. NGunit walang Shanaira na NASA paligid at pinagkakagulohan.
Ganon na lamang ang gulat niya, na sa kanya patungo ang batang babae.
“Miss Shanaira picture po tayo.”
“Ha?”
“Naku Miss..pasensya na. Mukhang napagkamalan ka nitong anak ko na iyong idol...


niya.” ANANg ina ng bata na agad nakasunod sa anak nito hinila agad nito palayo ang bata sa kanya
DAHIL sa pagkabigla ay hindi malaman ni Bella ang dapat ikilos sa nangyari na ito sa kanya. Siya Tuloy dito ang pinagtitinginan ng ilang Tao.
Nasaan na ba ang magaling niyang kaibigan?
“Si Chacha ba ang hinahanap mo?”
Napalingon siya sa baritonong boses na iyon. At Ganon siya nabigla nang lumiwanag na lang nang tumapat siya rito. PAano kasi ay bigla siya nitong kinuhanan ng litrato.
“ANong ginagawa mo?”inis niyang turan sa binatang si Makoy
“Obvious ba. ”
“Hoy! Wala kang karapatan para nakawan ako ng litrato.!”Hasik niya sa binata dahil basta-Basta na lamang iyon na sumusulpot na parang kabote
Pero ngiti-ngiti lang ito na tinalikuran siya. Napikon siya sa inasta nito kaya binato niya ito ng sandal niyang suot.
“Ouch!”dinig niyang daing nito
Nilapitan niya agad ito para kunin ang sandal niya.
“Bakit mo ako binato?”anas nito sa kanya
“Wow..kung makaasta ka para kang bata ha. May pulis bang Bakla.”ani niya rito
“Bella nandiyan ka lang Pala.”si Chacha na agad dumating dito at nabaling din ang tingin nito sa binatang si Makoy”NAndito ka rin?”
“Chacha halika na! Umuwi na tayo!”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top