Meet Again Chapter 27


Written by: Anhellian27
Maagang nagising si ashlee para pumasok.
Malapit na siya sa gate at natanaw nya si jervey.Nahiya si ashlee kaya medyo nagdahan dahan siya para hindi siya makita ni jervey.
Minabuti muna ni ashlee na wag muna magpakita kay jervey dahil sa alam nya na may girlfriend pa rin si jervey at ayaw nya siya ang maging dahilan ng paghihiwalay ngdalawa.
Ang gabing iyon ay isa na lang alala na dadalhin nya sa hinaharap.Malapit na kasi sila matapos isang buwan na lang at sila ay mag gragraduate na sa highschool.
Pumasok na sa classroom nila si ashlee ng biglang may nanghila sa kanya na taga ibang section.
“Ashlee tawag ka nila sir “. Sabi nya sa akin sabay tanggal nya ang kanyang kamay sa braso ko.
“sige salamat rose!” sabi ko sa kanya habang naglalakad na papunta kila sir arnel.
“Good morning po!” Bati ko kila sir arnel at mam angel.
“Magandang araw para sa inyo!” bati ni sir.
“alam nyo ba na kayo ang napili naming 5 na mag eexam sa u.p. sana makapasa kayo dahil sa malaking opportunity ang nakalaan sa inyo sa future nyo once na mapasa nyo lahat yan.,”
“Ang University of the Philippines ang isa sa University na maging sa larangan ng pagtuturo.” sabi ni sir kayana excited kaming lima nang narinig naming napakaganya pala duon magaral.
“Bukas na ang exam nyo gudluck,mag review kayong mabuti.”
“Bulwagang Dalangal kayo pupunta sa loob ng Up Campus.Mula dito sa may kanto may sakayan ng Up Ikot na jeep sabihin nyo lang sa driver na ibaba kayo sa bulwagang dangal.” turo ni sir arnel sa amin para hindi kami maligaw.
Salamat sir!”
Maya maya pagtapos mag usap napag desisyonan namin sabay sabay na lang pumunta at agahan na lang bago nakatakdang oras ng exam.
Bumalik na din kami sa kanya kanya naming classroom.
“Sir pwde po ba ako pumunta sa library para po makapag review? Tanong ko sa teacher namin sa P.E.
“Bukas na po kasi exam at...


kailangan ko pomag aral sana.”sabi ko kay sir
“Okay Ashlee sige papayagan kita at gudluck bukas!” Masayang sabi ni sir sa akin.
kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpaalam para pumunta na sa library.
“Magandang umaga po mam ces!” Bati ko sa kanya habang nagsusulat ako ng name ko sa logsheet ng library.
“Magandang umaga Ashlee!” tugon nya.
“Remind ko lang nextweek pasauli na yung book of dream ni alicena hiniram mo kasi bka ka magkapenalty pag hindi mo pa nasauli nextweek.” Paalala ni mam ces sa akin.
“Opo mam noted po,maraming salamat mam sa paalala nyo,nextweek po balik ko na po.”
sagot ko kay mam ces na mababa ang boses dahil sa may mga student din nagbabasa.
Dahan dahan kong binaba ang bag ko at para makakuha nglibro ng lahat ng subject.
Nahanap ko na lahat at seryosong nagbasa at sinulat ang mga importante sa tingin kong bka masama sa exam.Ilang oras din ang lumipas at umalis na din ako sa library para pumunta ng canteen dahil ang tiyan ko ay biglang nagparamdam.
“Hala!” Nagulat ako ng pagdukot ko sa bulsa ko sampung piso lang pala pera ko.
“hahaha” sabay tawa kong magisa.
“Ano kaya pwde kong bilhin dito? Nag isip ako ano pwde pagkain sa canteen na mabubusog ako.
“Ah sopas na lang pala!” bigla na ako pumunta at bumili.
Dahan dahan kong dinala sa upuan at inubos ang sopas ,hindi namin alam ni jervey na nagkasalubong na kami dahil sa bc siya sa barkada papunta ng canteen at ako naman ay papaalis ng canteen dahil sa kakatapos lang kumain at pabalik ng classroom.
Bumalik ako sa upuan at nilabas ang notebook at biglang tumanaw sa bintana.
“Nais ko ulit lumikha ng isang tula para sa kanya.”.sa isip ni ashlee
“Malapit na ang aming pagtatapos at alam kong hindi na kami muling magkikita dahil sa ibat ibang landas na ang aming tatahakin at haharapin.”
“Ano kaya ang pangarap nya sa buhay?” sa isip ko habang nagsisimulang isulat.Ang mga letrang aking naiisip.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top